Sa halip na i-comfort ako pinagtawanan pa ako ni Ate Yela.
"Ano naman ang nagustuhan mo doon? Hindi siya good boy na gaya ng akala mo."
At siniraan pa nga. Suminga ako sa tissue at patuloy sa pag-atungal.
"Babaero kaya iyon. Kahit saang lugar may babaeng kinakana iyon."
Napangiwi ako.
"Tapos pupuntahan mo doon sa US. Malamang may babae siya doon. Pang-Pinas ka lang."
Si Ate imbes na maawa sa akin parang nainis pa siya sa akin. Akala niya ata nasuko ko ang bataan. Hindi na lang ako nag-explain pa dahil ayaw din naman niyang maniwala.
"Tama na, Ate Yela!"
"Ano'ng tama na? The truth hurts, but it will set you free."
"Nang nagpunta ang Ate mo sa... Nalimutan ko na kung saan iyon. Nakita pa nga mismo ng ate mo na may kinakantot si Kyle. Ang wild ng lolo mo."
"Yela!" sabay na saway nina Ate Janina at Ate Yana sa kaniya.
Tumawa lang siya.
"Imbes na siraan parang pinapatakam mo lang si Jonah kay Kyle," natatawang sabi ni Ate Yana.
"Niloloko niyo na lang ako, e."
"Ano'ng niloloko? Totoo ang sinasabi ko sa'yo. Di ba, Jaki?"
Ngumuso si Ate.
Totoo nga?
"Demo ko sa'yo ang mismong eksena, huh..."
"Ganito."
Hinila niya ang katawan ko at basta ako pinahiga sa sofa. Hinampas siya ng kaniyang kapatid.
Ang paa ko ay hinila niya at nilagay sa kaniyang balikat. Tumili ako.
Tumawa naman siya ng malakas.
"Kalimutan mo na siya. Guwapo lang siya pero mukhang maliit naman ang t**i niya."
Maliit? Parang hindi naman. Naramdaman ko nga noon na tumutusok sa aking likod. Malaki iyon.
Namula ang pisngi ko. Hinampas naman niya ako.
"Gaga kang malandi ka!"
"Doon ka na lang sa mga kaedad mo, mas may thrill. Matanda na si Kyle. Boring."
Dahil sa usapan napaanak tuloy si Ate ng wala sa oras. Masaya naming w-in-elcome ang bagong myembro ng aming pamilya.
Pansamantalang sinantabi ko din muna ang pinagdadaanan ko.
Nang makauwi sina Ate, muli akong nilamon ng kalungkutan. Hindi puwede ito. I can't lose myself. Ayaw kong sapitin ang sinapit ni Ate noon kaya kailangan kong magpakatatag.
Nagpunta si Sunny dito sa bahay upang kumustahin at samahan ako. Alam niyang hirap akong matulog dahil sa pinagdadaanan ko at siya naman ay mayroong insomnia.
She brought some wine with her.
"Mag-inom na lang tayo, pampatulog." Ngumisi siya.
Isang beses ko pa lang naranasang uminom at ayaw ko ang lasa ng alak, pero ngayon parang naeengganyo ako.
Totoo ba'ng nakatutulong sa paglimot ang alak? Let's see.
Naupo kami sa carpeted floor. Nakasandal sa gilid ng kama habang sumisimsim sa baso at nagpapatugtog.
Sinasabayan namin ang kanta. Nakapikit ako at dinadama ang bawat liriko.
Nagmulat ako ng aking mga mata.
"Mag-deactivate ako."
Sunny snorted. "Feeling mo naman ini-stalk ka?"
Sinimangutan ko siya. "Grabe, ang sama! Kaibigan ba kita?"
"Oo, kaya nga sinasabi ko sa'yo 'to."
Still, nag-deactivate pa din ako.
"You know what, kumanta ka na lang."
"I like your voice. Parehas kayo ni Ate Jk na maganda ang boses."
"Ang layo ko naman kay Ate."
"Sinabi ko ba na mas magaling ka?" Umingos siya.
Kumuha siya ng libro at tinapat doon ang kaniyang phone. Pumili siya ng song sa kaniyang laptop at nagpatugtog.
She started singing. Maganda din ang boses ni Sunny pero dancing ang hilig niya. Tennis player din siya.
"Alam mo, mag-vlog ka din kaya?"
"Ayaw ko sa camera."
"Bakit naman? Maganda ka at may talent. Sisikat ka lalo at maganda ang boses mo."
"Sisikat dahil kapatid ako ng sikat."
"Hindi, ah. Maganda ang boses mo, promise."
Pinilit niya akong kumanta. At ang loka-loka sad song pa ang pinili niya. Two stanza lang ang kinanta ko, umayaw na ako.
"Gumawa tayo ng WAYTI chanel mo and then we'll upload it."
"Huwag!"
"Ibang pangalan na lang ang ilagay natin," giit niya. Hindi talaga niya binitawan ang celphone ko hangga't hindi niya ako napipilit.
"Sad girl? Really?" Inis ko siyang tiningnan.
"Bakit? Sad girl ka naman talaga, ah. Ayaw mong maki-cooperate, e."
"Done! I've already upload your video."
"Welcome to vlogging!"
Ngumiwi ako. Wala talaga akong hilig sa vlogging.
Alam kong wala kaming naging relasyon ni Kyle pero paano nga ba mag-move on?
Lagi akong matamlay. Pumapasok ako sa school, magwowork pag-uwi. I'm getting bored with my life.
Mag-ta-transfer ako ng university. Ayaw ko na sa university na pinapasukan ko. Hindi na ako masaya. Hindi ako motivated na pumasok at mag-aral.
I also enrolled in gym para maging fit. Gusto kong maging sexy. Baka kaya hindi ako ginalaw noon ni Kyle, dahil hindi siya nase-sexy-han sa akin. Sobrang slim ko kasi. Hindi ako kasing sexy ni Ate at ng babae na kasama ni Kyle sa US.
Damn you, Kyle! Naisip na naman kita!
Nagbabad ako sa gym. Nagpakapagod pero pagdating ng gabi hindi ko pa din magawang matulog.
So here I am, drunk, in the middle of the night. Filming a vlog while listening to Ate Janina's song. Vlog na nauwi sa pag-iyak. Lasing na lasing ako at hindi ko na alam halos ang ginagawa ko.
"May mga lalake talaga na darating sa buhay natin. Ipaparamdam sa atin na gusto nila tayo. Tapos tayo naman, uto-uto. All out. In the end i-go-ghost ka lang pala. Alam ko madami ang nakaka-relate dito."
"Girl, kung napapanood mo 'to ngayon, blocked mo na iyang lalakeng ka-chat mo. Pinapakilig ka lang niyan, hindi ka naman jojowain."
"Huwag ganoon, girl! Huwag ganoon!"
"Mag-se-setting spray lang ako and then we're done."
"Oh, sino ka diyan? Ganito ang gawin niyong make up tapos kapag nakasalubong niyo si ex siguradong mapapanganga siya." I flipped my hair.
"He'll tell you, "baby, take me back."
"Syempre, hindi na tayo marupok."
"Sasabihin natin, "huh? Sino ka?"
Malakas akong tumawa. Tawa ako nang tawa hanggang sa matigil ako dahil may bumatok sa akin.
"Hoy! Ano'ng ginagawa mo? Dis-oras na ng gabi!"
Mabilis kong in-stop ang pag-re-record ng video.
"Ate naman, e."
"Gabing-ggabi na. At bakit may bote ng alak dito?"
She sighed.
"Ang bata mo pa para mag-inom. Don't waste your life trying to move on. Huwag kang mag-focus sa sakit. Jonah, you deserve better. Hindi ang isang pagkabigo lang sa lalake ang magpapabagsak sa'yo."
Nakagat ko ang aking labi.
"Na-miss ko na ang kapatid ko." Umiyak siya.
"Iyong Jonah na masiyahin at madaldal. Hindi iyong Jonah na halos hindi na namin nakakausap at nakakasabay kumain."
"Ate, ayos lang naman ako. Uminom lang ako para antukin," pagdadahilan ko pero syempre alam ko naman na hindi iyon bebenta sa kaniya.
"Mag-aral ka ng mabuti. Mag-isip ka din ng iba mong puwedeng pagkaabalahan para hindi mo naiisipang uminom. Ang bata mo pa para maging lasinggera."
"Sige na. Matulog ka na."
"Mahal ka ni Ate."
"Mahal din kita, Ate."
Nang magsara ang pintuan, pabagsak akong nahiga sa kama. I'm doing it wrong. Dapat nagsasaya ako at nag-e-enjoy sa buhay, I'm young and pretty.
Maganda ka, Jonah. Ang sexy mo, Jonah. You deserve better. No. You deserve the best.