Nagkatinginan kami ni Sunny ng ilang segundo. Parehas kaming may pilit na ngiti sa labi habang naglalakad hanggang makarating kami sa mesa na nakalaan para sa mga brides maid. Sinikap ko na huwag mapatingin sa kinaroroonan ni Kyle at ni Freda na masayang nag-uusap kasama ang ilang mga bisita. I am not affected. I am not. Paulit-ulit ko itong sinasabi sa aking isipan. Kung may dapat mang maapektuhan dito, iyon ay si Kyle at hindi ako. Nagsimula na kaming kumain nang mapansin ko na palinga-linga si Kyle. Mukhang ngayon lang niya kami naalala dahil wiling-wili siya sa kausap na babae. Diyan ka na lang, malanding lalake! Agad na akong nag-iwas ng tingin bago pa niya ako mapansin na nakatingin sa kaniya. Ayaw kong isipin pa niya na may pakialaman ako o affected ako. Hindi ako affected!