Another boring day. At nandito na naman si Kyle. Kulang na lang ay dito na din siya tumira dahil kakasikat pa lang yata ng araw nandito na agad siya. Umalis sina Ate kasama ang tatlong bata ngayon para sa kanilang monthly check ups. At naiwan si Mirielle sa kaniyang yaya, ngunit dahil sadyang mapili ang bata, panay ang iyak nito. Gutom na gutom na ako ngunit hindi ko kayang pabayaan na nag-iiyak ang maarteng pamangkin ko. "Kawawa naman ang baby namin na 'to. Iniwan ka ng mommy mo?" Pulang-pula na ang mata, ilong at pisngi niya. "Maganda pa rin kahit na iyakin ang baby namin na 'to, e." Tiningnan ko ang hawak ni Kyle na isang basong tubig at isang plato na may kanin at ulam. Hindi ko siya kinakausap. Kahit isang salita walang lumalabas sa aking bibig. Naaasiwa na ako sa pagpunt