TAMBAK ang messages na galing sa D-cash paggising ko kinaumagahan. Nahihibang na si Kyle! Inumpisahan kong basahin mula sa pinakadulo. Madaling araw na ang chat niya ulit. Tag-five thousand na ang kaniyang s-in-end. "Are you asleep already?" "Katatanggap ko lang iyong c-in-ash in ko sa aking mobile bank." I can't believe this man. Kung ano-ano lang ang pinagsasabi niya sa mga messages niya. Ang total ng na-send niya ay nasa one hundred thousand, plus iyong naunang fifty thousand; ang suma total ay one hundred fifty thousand pesos. Not bad sasabihin ko sana kaso kuripot pa din. Iyong kaibigan ni Kuya Justin ilang million ang ginastos para sa babaeng mahal niya. Natatawa na lang ako sa sarili ko. Ano ba ang iniisip ko? May sarili naman akong pera. Bukas na ng gabi ang alis nami