KABANATA 23: "L-LASH..." Nanlaki na lamang ang mga mata niya nang marinig iyon mismo sa bibig ni Tamina. Nakangiti siya at hinawakan ang kamay nito. "How are you, Tamina?" Hindi mapagsidlan ang saya ng kaniyang damdamin dahil bumalik na si Tamina, sa totoong siya. Nakangiti ito sa kaniya para lalong sumaya ang pakiramdam niya. "A-ayos lang ako pero medyo kumikirot itong ulo ko!" Pero kahit ganoon pa man ay nakangiti pa rin ito. "Thanks God dahil bumalik ka na sa totoong ikaw, Tamina. Kung may hihilingin man ako ay iyong hindi ka na malayo sa akin habang-buhay because you're my strengh. Hinding-hindi ko na sasaying ang lahat-lahat!" Nakangiti niyang hinalikan ang noo nito. "Teka nga lang! Ano bang nangyari sa akin? Pakiramdam ko kasi ay parang ang taga-tagal kong natulog!" Nakakunot