KABANATA 22: "KUMUSTA naman ang palalagi mo riyan, pare?" "Maayos naman. Medyo malamok nga lang but it's fine," nakangiting sagot ni Lash kay Marco kahit naiinis siya dahil halos mapuno ng mga kagat ng lamok ang kaniyang katawan. "Mabuti kung ganoon. Nga pala, ihahatid sa iyo ni Nerrisa ang almusal mo kaya hintayin mo na lang. Kung gusto mong magbanyo ay pumunta ka lang doon sa likuran ng bahay namin..." anito na tinanguan lang niya. "Paano ba iyan, mauuna na ako at mangangahoy pa kasi ako," dagdag pa nito. "Mag-ingat ka at baka matuklaw ka ng asawa," matawa-tawa niyang usal sa hindi mataas na tono. "M-may sinasabi ka ba?" naguguluhang tanong nito sa kaniya. Umiling lang siya. "Ang sabi ko, mag-ingat ka!" Kahit papaano naman ay concern siya kay Marco. Mabait naman siya lalo na't a