Nilingon ko siya habang pinupunasan ang luha ko. Nakatingin siya sa malayo at parang may iniisip. Hindi ko mabasa ang iniisip niya pero maswerte ako dahil sinasabi niya ang gusto niyang sabihin kahit hindi naman talaga kami magkakilala. Hindi ito ang unang ekspresyon ko sa kaniya.
"You know what? I'm getting used to living with pain," sabi ko at may halong hinanakit nga iyon.
Nagtama ang mga mata namin kaya agad akong nagiwas. Ayokong makita niya ang namumula kong mata. Siguro kung nandito ang glam team ko ay pagagalitan ako ng manager ko dahil ayaw niyang nakikita akong umiiyak.
Limang taon kong tiniis ang sakit at namuhay mag-isa para lang makalimutan ang lahat pero hindi pa rin ako nagwagi. Dahil nandito ako ngayon, umiiyak pa rin at nakakaramdam ng sakit.
"But it doesn't mean that the world will stop. The world will remain turning kaya huwag kang mawalan ng pag-asa sa pagmamahal," dire-diretsyo niyang sabi kaya naman napatango ako.
Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa sa pagmamahal dahil naniniwala akong hindi nga para sa akin si Nikolai. Binigay lang siya sa akin ng Diyos para maranasan ko ang masaktan sa mundong ibabaw para sa susunod na magmamahal ako ay alam ko na ang mga dapat at hindi dapat gawin.
Kung may maganda man akong nagawa, yun ay ang magpakalayo para hindi na makagawa pa ng gulo. Sinuko ko ang tatlong taon para lang kay Caleb dahil ayaw kong lumaki siya ng walang ama at sira ang Pamilya and I'm so glad that Nikolai learned how to love my Ate, kahit masakit masaya pa rin ako dahil hindi na kailangan maghabol ni Ate ng pagmamahal kay Nikolai.
"Ang tanga ng lalaki dahil pinakawalan ka pa niya, pero sabi nga ni Mama may dahilan ang lahat kung bakit may nawawala sa buhay natin. That's okay," sunod-sunod niyang sabi at napatango-tango pa.
Nagpatuloy siya sa pagsasalita at nanatili naman akong nakikinig sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit napakakomportable namin sa isa't-isa at parang gusto kong sa kaniya na lang ako magsabi ng nararamdaman kaysa kay Claudia at Noah.
"Ikaw, naranasan mo na bang iwanan?" tanong ko kahit sigurado naman akong walang babae na mang-iiwan sa ganiyang ka-gwapo at mayaman na lalaki.
"Oo naman," natatawang sagot niya pero agad ko ring nakita ang pagiging seryoso ng mukha.
"Really? Sa mukha mong 'yan tingin ko ikaw ang nag-iiwan!" reklamo ko sa kaniya habang umiiling.
Karamihan naman sa panahon ngayon ay lalaki ang nang-iiwan at kung hindi mang-iiwan lolokohin ka naman! Sa itsura niya pa lang ay alam na alam ko ng playboy ang galawan niya lalo na at palong-palo siya nang may mangyari sa aming dalawa sa New York!
"I lost my girl four years ago at kahit anong gawin ko hinding-hindi na siya babalik sa akin," seryosong sabi niya pagkatapos ay natawa at umiling.
Para bang mas malalim pa ang sugat niya kaysa sa akin at ngayon niya lang kayang galawin ito. Seryoso ang mukha niya pero may parte sa akin na hindi naniniwala sa sinasabi niya.
"Bakit? Where is she? Pinagpalit ka rin at iniwan?" sunod-sunod na tanong ko at hindi ko na napigil pa ang bibig ko.
Hindi siya kumibo kaagad at inagaw sa akin ang bote ng alak. Isang shot na lang 'yon at mukhang sa kaniya na mapupunta lahat 'yon. Gusto kong agawin sa kaniya 'yon pero hinayaan ko na lang at napairap na lang sa kaniya.
"No. She died and I lost her," sagot niya at diretsyo niyang ininom ang alak kahit hindi niya pa 'yon nasasalin sa wine glass.
Hindi kaagad nag-sink in sa utak ko ang sagot niya pero bigla akong laglag ang panga nang tuluyan kong naintindihan 'yon.
"Nagsasabi ka ba ng totoo? I'm serious here huh," pagbabanta ko sa kaniya dahil baka gawa-gawa niya lang ang mga sinasabi niya.
Kunot noo niya akong tinignan at tinawanan.
"Of course yes! Mukha ba akong nagbibiro?" tanong niya at muling natawa.
Hindi ako kaagad nakapagsalita. Ano nga ba ang mas masakit? Ang makita ko ang mahal ko sa piling ng iba o kahit kailan hindi ko na siya makikita dahil patay na siya? Hindi ko alam! Bigla akong nasaktan para sa kaniya.
Siguro ay parehas lang masakit dahil parehas kaming nagmahal at nawalan. Yun nga lang, magkaiba kami ng dahilan kung bakit nawala ang mga mahal namin.
Parang pinipiga ang puso ko, ang pinag-kaiba namin ni Jacob ay nawala ang importanteng babae sa buhay niya pero alam niyang mahal siya nito hanggang sa namatay. Eh ako? Sabihin na nating minahal ako pero may hangganan, dahil pinagpalit niya ako at nakagawa siya ng pagkakamali na kahit kailan hindi na kami maibabalik pa sa dati.
Cheating isn't an accident or mistake, it's a choice. At choice 'yon ni Nikolai kaya kami nasirang dalawa.
"Sorry. I just remembered her to you, magkaparehas kasi kayo ng pangalan and.. iyakin," he said and then chuckled.
"Ariana rin pangalan niya?" kunot noong tanong ko sa kaniya.
Agad naman siyang umiling, "Nope. It's Luna," sagot niya.
Napatango na lang ako dahil hindi ko naman madalas gamitin ang second name ko at wala rin tumatawag sa akin no'n.
"Ahm. Ano'ng kinamatay niya?" muli ko na namang tanong.
"Hear attack," sagot niya at nagkibit ng balikat.
I know hat was hurt at hindi ko siya ma-imagine noong mga panahon na pinagluluksaan niya ang girlfriend niya.
"Sorry but.. Are you okay now?" maingat na tanong ko.
Natawa naman siya at napatango kaya napasimangot ako dahil gan'yan din ang sinasagot ko kapag may nagtatanong sa akin. Nakangiti pero ang totoo ay sobrang sakit pa rin sa puso.
"Of course yes. Naka-moved on na ako. I'm really okay now. May naging girlfriend na rin ako after her," paliwanag niya at muling nagkibit ng balikat.
Tinignan ko ang mga mata niya kung nagsasabi siya nang totoo at kita ko namang wala ng sakit doon kaya bahagya akong nainggit.
Dahil ako? Kahit anong sabihin kong okay na ako o ayos na ako, nasasaktan pa rin ako. Kita ko sa kaniya na hindi na siya nasasaktan at base nga sa sinabi niyang nagkaroon na siya ng girlfriend ay may parte na sa aking naniniwala ako. Lungkot lang ang nakikita ko sa mga mata niya pero kapag tinignan ko ang mga mata ko ngayon ay makikita ang lungkot at sakit doon, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakalimot.
"Ikaw okay ka na ba?" tanong niya.
Ang totoo ay hindi pa pero natatakot akong sabihin ang totoo dahil ayoko na rin makagulo pa sa kahit na kanino dahil ang alam nilang lahat ay ayos na ako. Pero ang totoo ay kahit ilang taon na ang nagdaan ay nasasaktan pa rin ako lalo na kapag nakikita ko silang masaya.
"Yeah, thank you. Kahit papaano, nabawasan ang lungkot ko. Iba talaga rito sa Pilipinas," natatawang sabi ko pagkatapos ay ngumiti ako sa kaniya.
"My mom said that you live in U.S for almost five years?" tanong niya.
Tumango ako. Malamang ay alam ng karamihan 'yon dahil naging model at naging kilala ako sa iba't-ibang bansa kaya hindi na ako magtataka. Isa pa, sinabi naman nila Mommy and Daddy dahil ako lang ang hindi pumupunta kapag may social gathering ang Family namin.
"Yeah. Mahirap mag-isa pero na-enjoy ko naman," sagot ko at nagkibit ng balikat.
"Oh okay so, you live there because of your heart break?" nakangising tanong niya.
"Of course not!" pagtanggi ko.
Natawa siya at napatango na para bang sumang-ayon na lang kaya napairap ako sa kaniya.
"I-I just really wanted to become supermodel too," dagdag ko at muling nagkibit ng balikat.
Muli naman siyang natawa at napatango kaya muli ko rin siyang inirapan dahil mukhang tamang hinala siya.
"Fine but are we good now? Can we be friends now?" natatawang tanong niya.
"Pag-iisipan ko," pakipot na sabi ko.
Napahinto nga ako at napatingin sa kawalan. Am I really ready for breaking the walls around me? Am I ready to build a friendship with again? or should I trust again? Mabait si Jacob at magaan kasama at mukhang wala naman akong magagawa ngayon kung hindi makisama sa kaniya dahil sa kasal na pinagdesisyonan ng mga magulang namin.
"Let's be friends then," sabi ko dahil wala na akong magagawa.
"Really? Well, thank you!" natutuwang sabi niya.
"Let's be friend and let us know each other. Tutulungan kitang kalimutan yung ex mo," dagdag pa niya.
Magaan ang pakiramdam ko sa kaniya at matagal-tagal na rin akong walang kaibigan na lalaki, parang gusto kong bawiin ang sinabi ko kanina sa kaniya na ayaw ko siyang maging kaibigan.
"Niko, wait! Ohmygosh malamig nga!"
Natigil kami sa tawanan nang marinig namin iyon, nilingon namin ang banda nila Ate at Nikolai, maliligo yata sila at pilit na hinihila ni Nikolai si Ate habang nakahawak siya sa bewang nito. Ang kaninang ngiti ko ay unti-unting nawala nang lumingon sila sa gawi namin.
Natigil si Nikolai sa ginagawa at umayos ng pagkakatayo, umiwas ako ng tingin at inalis ang mga paang nakalubog sa tubig.
Naagaw ko naman ang atensyon ni Jacob kaya napabaling siya sa akin.
"They seem to go swimming, let's join? Hindi ba at Ate mo 'yon?" Jacob said.
Natawa ako sa sinabi ni Jacob, gosh! No way! Hinding-hindi mangyayari ang naiisip niya na 'yon kaya mabilis akong umiling-iling.
"Ano kaba! Ang lamig kaya tsaka ayaw ko. Tara na lang umalis," sabi ko sa kaniya.
Napatingin ako sa gawi nila Ate at Nikolai, ang kaninang ingay nila ay hindi ko na marinig. Nakaupo sila kagaya ng pwesto ko kanina at nakatingin sa amin na para bang may pinag-uusapan na silang dalawa lang ang nakaririnig.
Magsasalita pa sana si Jacob pero pinigilan ko. Konti na lang ay maiinis na ako sa kaniya, hindi ba niya napapansin na ayaw ko sa dalawa at hindi ako close sa kanila? Gosh!
"Akala ko ba magiging asawa mo ako soon? Edi dapat sinusunod mo na ako ngayon pa lang," I said and then rolled my eyes at him.
Humalakhak naman siya at tumayo na pagkatapos ay pinagpag ang pantalon niya kaya ganon rin ang ginawa ko kaya lang ay muntikan na akong matumba at malaglag sa pool kung hindi niya lang ako nasalo. Wow! Ngayon lang ako tinamaan dahil sa mga nainom ko!
"Hindi mo kasi hinintay kamay ko," sermon niya sa akin habang inaalalayan niya ako.
"Hindi ako marunong maghintay," sagot ko naman sa kaniya at muli na naman akong na out of balance
"You're drunk," natatawang sabi niya.
Nakahawak ang kamay ni Jacob sa bewang ko habang inaalalayan ako. Tama na nakainom ako pero hindi naman ako lasing kaya hindi niya ako kailangan alalayan pa pero dahil makulit siya ay hindi na ako mag-iinarte pa.
"I'm not, let's go!" hinila ko siya at muli siyang inirapan.
Hinawak ko rin ang kamay ko sa bewang niya kaya naman napatingin siya sa akin at napaangat muli ang labi. Nagtaas naman ako ng kilay na para bang nagtatanong ng 'Ano?' Nagkibit naman siya ng balikat at nagpigil ng tawa. Hinila ko siya papasok sa mansion, doon na lang kami mag-usap kesa naman makita ko ang dalawang naglalampungan sa harap ko.
Sinalubong kami ng dalawang kasambahay pero sinabi kong ayos lang ako at wag nang alalahanin. Umalis rin naman sila nang hindi nawawala ang tingin sa kasama ko.
"Hindi ka dapat umiinom ng alak mag-isa. Ang hina mo," sermon sa akin ni Jacob habang inaayos ako ng upo sa sofa.
Natawa na lang ako sa sinabi niya kahit hindi naman talaga ako mahina sa alak. Siguro ay dala lang din ito ng pagod ko at biglaang sakit na naramdaman ko simula nang bumalik ako rito sa Pilipinas.
Magkaharap kami ni Jacob at pinagmamasdan niya ako pero ako nanatiling nakatulala lang. Naisip na naman ang nangyari kanina sa pool area. Ang mga tingin sa akin ni Nikolai, ang paghawak niya sa bewang ni Ate na para bang kailangan niyang protektahan at ayaw niyang bitawan.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulala at bumalik lang ako sa sarili nang magsalita si Jacob at hindi ko rin namalayan na nasa harapan ko na siya.
"Hey? Are you alright? Namumutla ka," nag-aalalang sabi niya hanggang sa naramdaman ko na nahihirapan na akong huminga.
Humawak ako sa dibdib ko at kinakalma ang sarili. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin dahil ayaw kong masira ang gabi ni Daddy at ayaw ko rin na mag-alala sila sa akin dahil kararating ko lang. Minsan lang ako sumpungin ng ganito lalo na kapag nakakakain ako ng pagkain na allergy ako kaya kahit nahihirapan ay inisip ko kung ano ang mga kinain ko kanina.
Napapikit na lang ako dahil sa katangahan ko nang tuluyan kong naalala na kumain nga pala ako ng desserts kanina at baka may peanuts iyon. Hindi ko naman kasi chineck dahil tiwala ako na hindi maghahanda ng pagkain sila Mommy nang hindi pupwede sa akin!
"Hey, you okay? Namumutla ka. What's happening?" muling tanong ni Jacob at bakas na bakas pa rin sa boses niya ang pag-aalala.
"Y-yes. Can you give me some w-water?" nahihirapan na pakiusap ko.
Gustong mahimatay ng katawan ko pero pinipigilan ko. Not now Aria, not here and not in front of Jacob. Ayokong magmukha talagang mahina sa harapan niya.
"A-Alright. Wait me here I'll be quick," sabi niya at nagmadaling umalis doon.
Hindi ko inalis ang mga kamay ko sa dibdib ko at pillit kong kinabog 'yon dahil nagbabakasakali na makaluwag 'yon sa paghinga ko. Hindi ko inaasahan na mangyayari sa akin ito at kahit na gusto kong mahiya kay Jacob ay hindi ko magawa dahil sa sitwasyon ko ngayon.
"Just be quiet babe! Mas okay na yun para mas sumaya siya hindi ba? It's been a years at wala pa siyang nagiging boyfriend simula noon pa."
Medyo nakahiga ako sa sofa at narinig ko ang boses ni Ate na mukhang kapapasok lang sa loob. Hindi nila ako makikita dahil malaki ang backrest ng sofa at kahit na makita pa nila ako ay wala naman akong pakialam.