Chapter 5

2399 Words
Hindi kaagad nakapag-salita si Mommy. Lahat sila ay tahimik lang na nakatingin sa akin, tinitimbang ang reaksyon ko kaya bahagya akong natawa dahil awkward na ang atmosphere namin doon. Kahit ang mga Rivero ay hindi nakapag-salita sa pagiging diretsyo ko. "I have no problem with that. How about you Mr. Rivero? Do you have problem with that?" tanong ko at itinawa ang kabang nararamdaman habang nakatingin sa kaniya. Nagtaas siya ng dalawang kilay at nagkibit ng balikat. Nakatingin sa kaniya ang mga magulang niya habang siya ay pinapatulan ang tingin ko sa kaniya. "Yeah! I have no problem with that either," he said and then shrugged. I smirked and nodded before I turned my eyes to Ate and Nikolai. Actually, I want to see his reaction but I just hurt myself again because I don't see any interest in his eyes. "That's great! Magse-set na ba ako ng event para i-announce sa lahat?" excited na tanong ni Mrs. Rivero. "Hon, lets keep this a secret first. Isa pa, hayaan na muna natin ang dalawa na makilala ang isa't-isa. Besides they're willing naman right?" sunod-sunod na sabi ni Mr. Rivero. Napatango naman ako dahil hindi ko pa nakakausap ang manager ko tungkol dito. Limang buwan pa bago ma-expire ang kontratang pinirmahan ko at baka kapag in-announce na ito ngayon ay mas lalo lang madagdaga ang iniwang kong issue roon. "Yes. Hayaan muna natin silang mag-date," natatawang sabi ni Mommy. Napangiti naman ako para ipakitang ayos lang sa akin ang tungkol doon. Gusto ko lang din silang tulungan dahil alam kong para sa kompanya naman iyon. Ang ikinasasakit lang ng damdamin ko ngayon ay si Nikolai na wala na talagang pakiealam sa akin. Wala silang imik doon kahit na si Ayana na tahimik lang habang nakatuon ang atensyon sa phone niya. Tuwang-tuwa ang mga matatanda roon at naiba kaagad ang topic kaya tipid akong napangiti at muling uminom ng wine. "Mom, Dad excuse me? Can we go early? Baka hanapin kami ni Caleb," napatingin ako kay ate na nagsalita. Kita ko ang sulyap sa akin ni Nikolai pero nang magtama ang tingin namin ay agad siyang nag-iwas dahilan nang pagkainis ko. "Yeah, sure. No worries," sagot ni Mommy. Ngiti lang naman ang iginawad ng mga Rivero nang magpaalam sila Ate sa mga ito. Tumayo silang dalawa kaya muli akong nakaramdam ng kirot sa puso ko dahilan din nang paghigpit sa wine glass na hawak ko. "Ilang years na silang kasal? In fairness they're looking good together," nakangiting sabi ni Mrs. Rivero. Gusto kong matawa pero pinigilan ko na lang ang sarili. Sinundan ko ng tingin ang dalawa, magkaakbay silang dalawa at halatang mahal na mahal ang isa't-isa. After all this years I thought I was already okay, but I was wrong. Masakit pa rin pala talaga. "Ah, they're five years now." mommy said. Nilagok ko ang alak na nasa harapan ko dahil naramdaman kong tutulo ang mga luha ko. Tuminga ako para pigilan iyon at humarap kila Mommy pero nagtama ang tingin namin ni Jacob. Nakaawang ang mapula niyang labi habang nakatingin sa akin pagkatapos ay bumaling ang mga mata niya sa naglalakad na sila Ate. Kinagat ko ang labi ko, mabuti na lang nagtext na si Claudia na uuwi na siya kaya makakaalis na rin ako rito. "Mom, hatid ko lang si Claudia sa labas," paalam ko, tumango naman si Mommy dahil abala sila sa kani-kanilang pinag-uusapan. "Bye Aria! Thank you ha? Hindi na ako nakapag paalam kila tito," humalakhak siya at mukang lasing na. "It's okay, busy rin naman sila. Sure ka ba na kaya mong magdrive mag-isa?" tanong ko dahil hindi ko mapigilang mag-alala. Gamit niya kasi ang kotse niya at wala man lang siyang kasamang driver. Baka makalimutan pa niyang nasa Pilipinas na siya. "Kaya ko, don't worry. I'll text you when I'm home. Bye!" paalam niya pagkatapos ay sumakay na siya. Kita ko naman na dahan-dahan niyang pinaandar ang kotse niya. "Pasok na!" sabi niya nang buksan ang bintana ng kotse niya. Tumango naman ako at kumaway pero hinintay kong makaalis siya roon. Nagpasya akong sa swimming pool pumunta dahil walang tao roon, ayoko na rin bumalik sa party dahil hindi ko naman ma-enjoy 'yon. Malapit doon ang likod ng kusina kaya kumuha ako ng isang bote ng alak at wine glass, kailangan ko iyon dahil mukang hindi ako makakatulog ngayong gabi. Napabuntonghininga ako nang umupo ako at inilubog ang mga paa ko sa tubig, bahagya kong inangat ang damit para hindi mabasa habang nagsasalin ng wine sa wine glass. Napakagat ako sa labi ko dahil nakaramdam na naman ako ng pagiging lonely ko. Hindi ko aakalain na ganito pa rin pala kasakit sa akin ang mga nangyari. Flashback "Aria, can we talk?" agad akong kinabahan sa tanong ni Nikolai. Tinawag niya ako sa pangalan ko kaya hindi ko nagustuhan iyon dahil alam kong may problema kapag ganoon ang itinatawag niya sa akin. Nasa bahay kami ngayon dahil weekend, madalas siya rito sa bahay lalo na kapag ayaw namin lumabas. Mas napadalas pa dahil naka-graduate na ako ng college, tapos na rin siya at kumukuha na lang ng board exam para maging ganap na talaga siyang Doctor. "What is it?" tanong ko habang nakatuon ang mga mata sa T.V. Madalas kaming mag-movie marathon at iyon ang ginagawa namin ngayon. "C-can you just listen to me first? This is serious," nauutal niyang sabi kaya napatingin ako sa kaniya dahil halata rin ang kaba sa boses niya. Yumuko siya at hinawakan ang kamay ko habang kunot-noo ko naman siyang tinitignan. "Makikipaghiwalay ka?" inunahan ko siya dahil mukhang binibiro na naman niya ako. Napanganga naman ako nang mag-angat siya ng tingin sa akin at kita ko ang mga luha sa mata niya. "A-Aria," narinig kong tawag ni Ate habang bumababa sa hagdan. Gusto kong mainis kay Ate dahil ngayon pa siya sisingit kung kailan may seryosong sasabihin sa akin si Nikolai. "Ate, pwede mamaya na lang? Please," sabi ko at muling bumaling kay Nikolai na nakatingin na kay Ate. "Ate please! Mamaya na lang kung may kailangan ka-" naputol ako kaagad sa pagsasalita nang sumigaw si Ate. "Aria, I'm pregnant! And Nikolai is the Father!" sigaw niya at agad bumagsak ang mga luha niya. Para bang tumigil ang mundo ko at hindi ko namalayan na kusang tumulo ang mga luha ko. "Believe me, h-hindi namin sinasadya-" Para bang kusang umangat ang mga kamay ko at agad lumapat ang palad ko sa pisngi niya. Umamba siyang yayakap sa akin pero agad na akong nagtatakbo paalis ng mansion. "Hindi sinasadya? Bullsh*t!" wala sa sarili kong sabi at muling nilaklak ang wine na nasa wine glass. Hindi ko namalayan na umiiyak na naman pala ako. Letche naman kasing Nikolai 'yan! Hanggang ngayon ay sinasaktan ako! "Care to share?" boses ng lalaki ang narinig ko sa likuran ko kaya muntik na akong mahulog sa pool dahil sa gulat. "Papatayin mo ba ako?!" pagtataray na tanong ko at humarap sa kaniya. Halos mapalunok ako nang makita kong si Jacob 'yon. Nakatayo siya habang nakapamulsa. What the hell is he doing here?! Agad kong pinunasan ang mga luha ko at naramdaman ko kaagad ang pag-init ng pisngi ko. Nakita niya kaya akong umiiyak? Natawa siya at agad akong napaiwas ng tingin nang makita ko siyang mas lumapit sa akin at naupo sa tabi ko. "Nagtanong lang, papatayin agad?" natatawang tanong niya. "Just leave me alone," sabi ko dahil wala akong balak pang makipag-usap sa kaniya. "Here," sabi niya at nakita kong inilahad niya ang panyo sa akin. "I don't need that," kunot-noong sabi ko sa kaniya at tinignan lang ang panyo. "Pwede ka naman kasing tumanggi sa kasal. Nag-agree-agree ka tapos iiyak-iyak ngayon diyan?" dire-diretsyong sabi niya. Binalingan ko siya at tinaasan ng kilay. Hindi ko na maitatago sa kaniya ang pag-iyak ko dahil base sa sinabi niya ay sigurado akong nakita niya akong umiiyak kanina pa. "I didn't cry just because of that! Duh? Pumayag ako dahil alam kong hindi naman matutuloy 'yon! Isa pa, alam kong ayaw mo rin sa akin kaya let's just pretend with it," sunod-sunod na sabi ko at napairap sa kaniya. Nagsalin ako ng wine sa glass ko at hindi ko rin alam kung bakit ba ako nakikipag-usap sa kaniya ngayon. "At first, ayoko pero no'ng malaman kong ikaw.. parang ayoko ng umatras," sabi niya pagkatapos ay binigyan ako ng malapad na ngiti. Hindi naiwasan ng puso ko ang kumalabog ng malakas kaya hakos masamid ako sa iniinom. What the hell is he saying?! "I know you were just joking but sorry, I don't wanna build anything with you. Kahit pa kaibigan," masungit na sabi ko sa kaniya at muli siyang inirapan. Oo at may nangyari sa aming dalawa at bilang isang model tingin ko ay normal ang naman 'yon. Marami akong kakilalang model na maraming ka-one night stand at napapa-sana all ka na lang dahil ni isa kanila ay walang nahuhuli ang paparazzi! "I'm not joking. Parang ikaw na nga yata ang nakikita ko sa future ko," natatwang sabi niya kaya alam kong hindi siya seryoso roon. Gosh! Natawa rin ako sa sinabi niya, tinatamaan na rin kasi ako dahil kanina pa ako umiinom. "Narinig ko na 'yan dati sa ex ko. Isa pa 'yang ganyang mukha alam kong marami kang babae," sabi ko at napangiwi sa kaniya. Ganyan ang mga galawan ng ma f*ck boy sa ibang bansa kaya aware na ako sa mga ganyan kahit pa Pilipino pa siya! "Don't compare me to your ex. I'm a man," he said then he chuckled. "Oh stop it boy! I know a man like you! Magbibitiw ng mga salita pagkatapos ay mang-iiwan!" reklamo ko nang may maalala na naman. "Bakit? Iniwan kana ba?" tanong niya. Magsasalita na sana ako pero nagulat ako nang bigla niyang hinablot ang baso ko dahil magsasalin ulit ako ng alak doon. "Stop asking me that! Amina nga 'yan, umiinom ako diba?!" pagtataray na sabi ko sa kaniya. Kinuha ko sa kaniya ang bote pero inilayo niya. Natawa lang siya at pilit na inilayo sa akin 'yon at ang sumunod naman na kinuha niya ay ang bote ng wine. "Stop drinking! Ako naman," sabi niya pagkatapos ay nagsalin siya sa baso ko at walang pag-aalinlangang uminom doon. "So iniwan ka na nga," sabi niya at muli na namang natawa. Natahimik ako sa sinabi niya. Gusto kong mapairap dahil gusto ko talagang mapag-isa ngayon, pero heto siya at binunwisit lang ako. "Ganda mong 'yan iniwan ka?" he asked and then chuckled. Napasimangot ako at tinuon ang mga mata sa paang nakalubog sa tubig. Ilang beses ko pa ba itong maririnig? Oo na nga at iniwan na nga ako hindi ba?! Iniwan ako dahil may nabuntis siya at ang nabuntis niya ay walang iba kung hindi ang Ate ko! Gustong-gusto kong sagutin ng katotohanan ang mga taong nagtatanong sa akin pero alam kong kahihiyan ni Ate at ng pamilya ko kapag ipinaalam ko 'yon sa iba lalo na sa mga malalapit na kaibigan namin. Ngayon ko lang nakilala si Jacob at kahit gusto kong magsabi sa kaniya, natatakot ako. Dahil hindi ko alam kung sino ang magta-traydor sa akin. I have trust issues and I don't know what to do with that dahil nakakatakot magpakita at magsabi ng totoong nararamdaman. "Stop asking we're not close!" muli kong pagsusungit sa kaniya. "Let's be close then," sabi niya at nagkibit ng balikat. "I don't want," tipid na sagot ko at inagaw sa kaniya ang wine glass at ang wine na iniinom. Nagsalin ako roon at pinuno ang wine glass, malapit ko na 'yon maubos at ramdam kong malapit na rin akong malasing kahit wine lang ang iniinom ko. "You don't want because you are keeping building walls around you. Kaya kahit sino, ayaw mong makipag-kaibigan sayo. Kahit hindi mo sabihin 'yan ang nakikita ko sa'yo," sunod-sunod niyang sabi. Alam kong maraming gustong makipag-kaibigan sa akin pero dahil nga rin nilagyan ko nang malaking pader ang sarili ko para lang makaiwas sa mga tao, wala akong nagiging kaibigan at bilang lang. Ilang taon din kasi akong nasanay na sinosolo ang problema ko kahit pa nasa tabi ko lagi ang dalawang kaibigan na si Noah at Claudia. Naiyak ako ulit at hindi ko na pinansin pa kung anong magiging reaksyon ni Jacob. He doesn't know me either kaya ayos lang umiyak sa harapan niya. Hinri naman ako nahihiya ngayon dahil may tama ako ng alak at hindi rin naman siya nagtanong pa nang tuluyan na nga akong umiyak. Bumuntonghininga ako at pinunasan ang mga luha sa pisngi peo parang gripo ang mga mata ko dahil ayaw huminto nito sa pagtulo. "I'm just doing that because the more people I let in, the more damage can they give me." sagot ko at nagkibit ng balikat. Inabot niya sa akin ang panyo niya at sa wakas doon ko pa lang tinanggap 'yon. Alam kong hindi ko na dapat ito nararamdaman pero hindi ko na rin alam kung ano ba ang dapat! Dapat ay hindi na ako nasasaktan! "Pero hindi lahat nang gustong pumasok sa buhay mo, ay sisirain at sasaktan ka. Yung iba ay para pasayahin ka at punan ang pagmamahal na kahit kailan hindi mo naramdaman. Why don't you let yourself feel loved again by someone?" sunod-sunod na sabi niya. Kunot noo akong tumingin sa kaniya. Bakit andali-daling sabihin nila ang ganito? Ganito ba talaga kadali para sa kanila ang lahat o kahit kailan hindi pa nila nararamdaman ang nararamdaman ko? "I'm afraid to fall for someone again, mahirap magsimula sa umpisa." sagot ko. Mahirap mag-back to zero sa panibagong tao at nararamdaman ko 'yan sa twing sinusubukan ko makipag-date sa iba. Oo alam kong ilang taon na ang lumipas pero kapag naalala ko ang panlolokong ginawa sa akin ay hindi mapigilang masaktan at magalit. Masarap rin pala sa pakiramdam na magsabi ka sa isang taong hindi mo kilala, pero hindi pa rin nawawala ang takot ko. Na baka sa huli, maging talunan ulit ako at husgahan sa kung anong nararamdaman ko. Hind ko alam kung bakit hinayaan ko ang sarili ko na umiyak sa harapan niya ngayon. "Parang ang lalim ng pinaghuhugutan mo ah?" natatawang sabi niya. "Sobrang lalim talaga," maarteng sagot ko sa kaniya. Kinalma ko ang sarili ko sa pag-iyak dahil baka may makakita pa sa akin dito. Ayoko namang malaman pa nila Daddy at Mommy ang totoong nararamdaman ko at ayaw kong sirain ang gabi nila ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD