"Aria! Huy musta na?" may ilang bumati at mangamusta sa akin, hindi ko nga lang sila maasikaso dahil sa hawak kong bata.
"Still hot!" natatawang sabi ko bago bumaling sa batang hawak ko.
"Hello baby boy!" bati ni Claudia at bahagyang pinisil ang pisngi ni Caleb pero inilayo niya ang muka niya rito.
"Woah! Attitude ka ha? Mana ka sa tatay mo. Hmmp!" inirapan niya si Caleb kaya tinampal ko naman siya dahil pati bata ay papatulan niya.
"Tata want c-cake," sabi ni Caleb at ngayon ko lang napansin na nagsimula na pa lang magkainan at hindi ako makakuha ng pagkain ko dahil hawak ko ang pamangkin.
"Ate, gusto mo sa akin muna si Caleb?" si Ayana na lumapit sa akin para kunin ang bata.
"No!" hindi pa niya nahahawakan si Caleb ay nagreklamo na ito.
"Arte!" inis na sabi ni Ayana at Bumelat sa pamangkin pagkatapos ay umalis na roon.
Ayaw niyang magpababa kaya hindi ko rin matanggihan ang bata. Gustong-gusto na niya ako kaagad kahit kanina lang kami nagkita at nakakatuwa siya dahil manang-mana siya kay Nikolai. Kung kami lang ang nagkatuluyan, panigurado akong mas cute pa sa batang ito ang magiging anak namin.
"Hoy hoy! What's in that smile huh? Don't tell me you are imagining that baby was yours and Nikolai huh!?" pang-asar na tanong ni Claudia.
Humagalpak siya ng tawa habang may hawak na pagkain dahil kinuhanan na siya ni Ayana.
"Shut up! Mamaya may makarinig sayo! Issue mo!" inirapan ko siya at tumayo na para kumuha ng pagkain namin.
Bumati ako sa iilang tumatawag sa akin at nagpa-picture pa sila habang hawak ko si Caleb. Papunta ako sa buffet nang nakasalubong ko si Nikolai, halatang sinundan niya ako para makuha ang anak niya. Muli na namang kumalabog ang puso ko, hindi dahil sa kabang gusto ko pa siya kung hindi dahil sa sakit at galit na nararamdaman. Nagtama ang paningin namin pero nag-iwas ako kaagad ng tingin, para bang nakakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko.
"Kuhanin ko muna si Caleb para makakain ka," aniya nang hindi ko siya tinitignan.
"Uhmm. Nakauwi ka na pala, it's nice seeing you again," muli niyang sabi dahilan nang pagbaling ko sa kaniya.
"Well, it's not nice seeing you again after five years," prankang sagot ko sa kaniya.
Anong magiging nice roon? May nice ba sa pagiging manloloko niya? Gusto kong mapairap pero pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Ayokong masira ang gabi ni Daddy dahil lang sa nararamdaman kong inis sa lalaking nasa harapan ko.
"Oh? Okay then," tipid niyang sagot.
Nilahad niya ang kamay niya kaya inabot ko sa kaniya si Caleb at sumama naman sa kaniya kaagad ito.
"Bye Caleb. See you around," I tapped his head, ignoring what Nikolai said.
Wala akong balak makipag-usap pa sa kaniya. Tumalikod ako at kumuha ng pagkain, hindi ako gutom kaya desserts lang ang kinuha ko. Kinuhanan din naman ni Nikolai ng pagkain ang anak niya kaya bumalik na ako sa table kung nasaan si Claudia. Mamaya kasi ay lilipat ako sa mahabang lamesa kung nasaan sila Mommy dahil may mahalagang pag-uusapan daw kami kasama ang Pamilya Rivero. Hindi ko nga kilala ang Pamilyang 'yon pero kailangan ko pa rin makisalamuha sa kanila dahil alam kong kaibigan sila nila Mommy at Daddy.
Pagkatapos kumain ay umiinom na ang mga matatanda at ganoon din kami ni Claudia, lumapit na rin sa amin ang iilang kaibigan namin dati noong high school kami at may kasama silang hindi namin kakilala.
"I saw it. Anong pinag-usapan niyo?" taaskilay na tanong ni Claudia habang bumubulong.
"Wala," tipid kong sagot dahil wala namang kwenta ang saglit naming pag-uusap ni Nikolai.
"Mas lalo kang gumanda Ariana!" puri ni Jayvi sa akin, dati kong kaklase.
"Oo nga! Tsaka rito kana ulit for good? Or babalik din ng ibang bansa?" si Bryan naman ngayon.
"Uhm. Babalik din ako sa ibang bansa. Work you know," sagot ko at ngumiti sa kanila.
"Sikat na sikat ka kahit dito! Alam mo someone asked me if we're close raw ba and I said yes. Syempre kaibigan ko! Sikat na model," nagpatuloy sila sa pagpuri sa akin, dahil daw sikat na ako baka raw hindi kona sila kilala.
Syempre hindi ko naman magagawa iyon, kahit sikat na ako ngayon hinding-hindi ko pa rin makakalimutan kung sino ang mga nakasama ko noong hindi pa ako nasa itaas ng industriya. I know I'm a rude person but I'm not that bad person.
Nabanggit din nila si Jayson, muntik ko nang makalimutan na sikat nga rin pala siya rito at iilang girls na ang nagtatanong sa akin kung kami ba, syempre sinabi ko lang na magkaibigan kami. May iilang kasamahan akong models na nagbabalak manligaw pero hindi ko naman pinaunlakan.
"Miss Ariana, pinapatawag po kayo ni Madame," nilingon ko ang isa sa mga bodyguard namin at tumango ako bago bumaling sa mga kaibigan.
"Excuse me guys! Uhm Claui, just text me if you're going home na, puntahan kita mamaya," paalam ko sa kaniya pagkatapos tumayo.
Nakita ko sa lamesa nila Mommy si Ate at Nikolai, nilalaro ang anak nila kaya agad akong napailing. Mabuti na lang ay may isa pa akong kapatid doon kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko.
Naglakad na ako papunta sa mahabang lamesa at ngumingiti lang ako sa iilang nangamusta sa akin. Gaya nga nang sabi ko kanina, nandito ang Pamilya Rivero. Hindi ko sila masyadong nakasalamuha dahil masyado pa akong bata noon at hindi rin naman ako interesado, ngayon ko lang nalaman ba naging business partners si Daddy at Wilson Rivero kaya ngayon ko lang sila makikita ng Personal.
"Aria, come here. This is Wilson Rivero, Jane Rivero and their son Wilbert," nakangiting sabi ni Mommy.
Kakalapit ko lang ay agad nang pinakilala sa akin ni Mommy ang Pamilya. Ngumiti naman ako para sa magandang pagbati sa kanila. The old woman smiling at me, pinapasadahan ang suot ko.
"Good evening po, I'm Ariana but you can call me Aria for short," inilahad ko ang kamay ko isa-isa sa kanila, inabot ng kasing edad ko lang yata ang kamay ko at ngumiti.
"Napakaganda talaga ng mga anak mo Almirah. Hija, gusto mo na bang mag-asawa?" agad tanong ni Mrs. Rivero
Natawa si Mommy sa tanong nito at muntik ko na rin maibuga ang iniinom kong wine. Nasamid ako pero agad nakabwelo. Natawa si Ayana at kita ko naman ang tahimik na nanonood sa akin na si Ate at Nikolai. Ngayon ko lang din napansin na wala na pala roon si Caleb, siguro ay ibinigay na sa Yaya nito.
"Career ang inuuna niya sa ngayon Jane, huwag muna natin 'yan pag-usapan!" natatawa na sabi ni Mommy.
Ngumiti ako ng tipid. Muntik na sana akong may asawa na, pero naudlot lang at nakuha ng iba. Parang may pait akong naramdaman pero agad binalewala iyon.
"Bakit hindi na lang ang anak ko?" the old woman laughed again when she asked that.
Busy sa pag-uusap si Daddy, Sir Wilson at si Wilbert. Napatingin ako sa anak niyang tinutukoy, gwapo naman siya pero hindi ko siya tipo. Para bang playboy siya at puro trabaho rin ang nasa isip, isa pa ayoko sa kaedad ko.
"Kusa naman pong darating ang para sa akin," ngayon ay ngumiti na ako ng todo, nabigyan ako ng pag-asa sa sarili kong sinabi.
Dahil kung hindi kami nagkatuluyan ni Nikolai, may mas maganda at worth it ang papalit sa kaniya. Ang tanging magagawa ko lang ngayon ay maghintay at wag madaliin ang tadhana.
"Baka ito na ang sinasabi mo hija na kusang darating," natutuwang sabi ng matanda.
Napatingin ako kung saan nakatingin ang matanda. He's wearing tuxedo and black faded jeans at itim na sapatos. He licked his lips before his eyes meets mine. Napaawang ang labi niya habang tinitignan ako. He's handsome and well built body at tingin ko ay kasing edad siya ni Nikolai.
"Luna, right?" agad niyang sabi nang makalapit sa amin.
"You don't remember me?" natatawang tanong nito at halos hindi pansinin ang mga tao sa lamesa dahil sa akin nakatuon ang atensyon niya.
Kunot-noo ko siyang tinignan dahil tingin ko ay kahit kailan ay hindi ko pa siya nakikita.
"I don't. I'm sorry," tipid kong sagot at pilit na ngumiti sa kaniya bago bumaling sa gawi nila Ate para makita ang reaksyon ni Nikolai.
"You already know each other?" Tanong ni Mrs. Rivero.
Tinignan ko ang lalaking nagtatanong kung hindi ko ba siya natatandaan. Of course I don't remember him! Sa dinami ng mga taong nakakasalamuha ko araw-araw, sa tingin niya matatandaan ko pa siya? Mabilis akong umiling at tipid na ngumiti sa kanilang lahat.
"Jacob," pakilala niya at naglahad ng kamay.
Halos kumalabog ang dibdib ko nang marinig ang pangalan na 'yon. Nakangiti siya at kumunot ang noo nang hindi ko kaagad natanggap ang kamay niyang nakalahad. Mas lalong kumalabog ang dibdib ko nang sikuhin ako ni Mommy dahil natagalan kong kuhanin iyon.
"A-Aria," nauutal na sabi ko pagkatapos ay binawi kaagad ang kamay.
"Mag-kakilala na kayo anak?" Tanong ni Mommy.
Muli akong napatingin kay Jacob na naupo sa tabi ng kapatid niya. Nakangisi siya habang nakatingin sa akin kaya halos uminit ang pisngi ko nang biglang pumasok sa isip ko ang mga nangyari sa amin noon sa New York.
"No, Mom. Ngayon ko lang siya na-meet," sagot ko at muling ngumiti ng tipid.
Ayokong malaman nilang lahat ang kabaliwan na nangyari sa amin dahil sobrang nakakahiya iyon! Hindi niya rin naman napansin ang pagtatanggi ko dahil pinakilala siya kila Ate at Ayana. Nakipag-usap din siya kaagad kila Daddy na nag-uusap doon tungkol sa trabaho. Si Ate at Nikolai ay tahimik na nag-uusap din na parang may sariling mundo.
"Siya yung sinasabi ko Hija, anak ko." Sabi ni Mrs. Rivero pagakatapos ay ngumiti sa akin.
Tumango-tango ako na para bang sang-ayon doon at uminom ng wine. Gusto ko na lang lumubog sa kinauupuan ko habang napapansin ko ang mga sulyap sa akin ni Jacob. Hindi ko alam na sa ganitong pagkakataon pa kami muling magkikita! Gusto ko siyang tignan pabalik para makita ang buong muka niya pero pakiramdam ko ay hindi ko kaya.
Mabuti na lang at hindi na rin ako kinulit nila Mommy at ni Mrs. Rivero. Nag-usap sila ni Mommy at ako ay nanatiling nakatitig sa wine glass ko. Hindi ko alam kung ano ang unahin ko, kung ang nararamdaman ko ba kay Nikolai o ang lalaking naka-one night stand ko sa New York!
Hindi ko na rin mabilang ang mga buntonghininga ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsisimula ang Pamilya ko at ang Pamilya Rivero na sabihin ang mahalagang pag-uusapan ngayong gabi.
"Ate, ang gwapo niya ha?! May mabibihag ka na naman yata ngayon," bulong ni Ayana at humagikhik sa tabi ko.
"Shut up. He's not my type," sagot ko sa kapatid at inirapan.
Muling humagikhik ang kapatid ko kaya napailing na lang ako. Nang may nakita akong palapit na may dalang wine ay agad kong pinahinto at kumuha ng dalawa para sa amin ni Ayana. Eighteen na si Ayana kaya pwede na siyang mag-inom ng wine at isa pa event naman ito kaya hindi magagalit si Mommy at Daddy.
Nikolai throw a joke and it makes my Ate laughed. Nakahawak sa bewang ni Ate si Nikolai at para bang may sarili silang mundo. Naalala ko kami ni Nikolai dati at tanda ko pa na ganyan na ganyan siya sa akin, tatlong taon ang nakalilipas. Tatlong taon niya akong napasaya at hinding-hindi ko pag-sisisihan iyon. Siguro ang tanging pinag-sisisihan ko lang ay masyado akong nagbulag-bulagan noon na niloloko na pala niya ako.
Masakit nga lang din, masakit lang makita na yung dating minamahal mo na sa kamay na ng iba at ang pinaka-masakit doon, sa kapatid mo pa.
"Tutal narito naman na tayong lahat. Why wouldn't discuss our plans with these two?" Si Mr. Rivero naman ngayon ang nagsalita na nakaagaw ng pansin ko.
Sa wakas ay magsisimula na rin sila. Gusto ko na rin umalis dito sa lamesa dahil hindi ko kinakaya ang atmosphere. Gusto ko na rin pumunta kay Claudia at sabihin na nakita at nahanap ko na ang lalaking pinag-uusapan namin kanina.
Tumikhim si Mommy kaya napatingin ako sa kaniya. Ngumiti siya ng tipid sa akin nang mapansin akong nakatingin sa kaniya at alam kong hindi komportable ang ganoong ngiti niya.
"Yes, Almirah and Luis. Baka kasi muling umalis si Jacob, at least they both informed right?" Nakangiting sabi ni Mrs. Rivero at nagpabalik-balik ang tingin kay Mommy at Daddy.
Kunot-noo lang ako nakatingin sa kanilang lahat, iniiwasan ang mga tingin ni Jacob. Hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin nila at kung sino ba ang tinutukoy nila roon.
"We haven't yet discussed this with Aria. Why don't we set some other time for that?" Mommy said and laughed awkwardly.
Napatingin ito sa akin kaya muli akong napakunot ng noo.
"It's okay, Mom. What is it?" Sabi ko at napatingin sa kanilang lahat.
Muli ko na namang nahagip ang tingin ni Jacob kaya napaayos ako ng upo at napahugot ng malalim na hininga.
"Are you sure, Hijah? We can discuss about that tomorrow if you want. Ayokong mabigla ka," sabi ni Daddy kaya sa kaniya ako napatingin ngayon.
Mas hindi ako mapapakali kung hindi ko malalaman ngayong gabi ang sinasabi nila lalo na sa huling sinabi ni Daddy na baka mabigla ako. Hindi ikatatahimik ng gabi ko iyon kung hindi ko malalaman 'yon ngayon.
"It's okay, Dad. You can discuss it now," sabi ko at nagkibit ng balikat.
Wala naman akong kabang nararamdaman kaya pinanatili ko ang postura ko habang hawak ang may laman na wine glass. May kutob na rin ako kung ano ang sasabihin nila at alam na alam ko ang mga ganitong eksena kaya hindi na ako magugulat.
"Well that's great! Shall we start?" Si Mrs. Rivero naman ngayon ang nagsalita.
"W-we decided to merge our company and.." napahinto si Mommy sa pagsasalita at napabalik-balik ang tingin sa akin at kay Daddy.
"So, we're gonna marry each other right? Fixed-marriage," ako na ang nagtuloy at itinuro si Jacob.
I have no problem with that because I have a feeling that thing is not going to happen. Kahit naman may nangyari sa aming dalawa ay alam kong hindi namin gusto ang isa't-isa. Kung titignan mo lang din siya sa muka ay makikita mo nang marami na siyang naikamang babae.