Chapter 3

2390 Words
"My gosh, Aria! Dapat ikaw ang may bodyguards," reklamo ni Claudia habang isa siya sa mga naghaharang para hindi ako lalong malapitan. "I didn't expect this, duh?!" natatawang sabi ko at napairap sa kaniya. Kumaway at ngumiti lang ako sa mga taong naroon hanggang sa nakapasok na kami sa SUV ni Claudia. "Welcome to the Philippines!" sigaw niya nang makapasok kami roon at humagikhik. Natawa rin ako dahil sa tagal kong hindi nakauwi rito sa Pilipinas ay bahagya ko rin itong namiss. Nalaman ko na lang talaga na nasa Pilipinas na kami nang muli kaming makaranas ng traffic sa daan. "Uhm. Are you alright?" tanong ni Claudia na kanina ko pa napapansin na patingin-tingin sa akin. "I don't know," sagot ko at halos maramdaman ko ang panlalamig ng kamay ko. Hindi matanggal ang kaba ko habang tinatanaw ang malaking Mansion namin kaya itinuon ko ang mga mata sa mga nadadaanang puno na dati ay maliliit lang. Pero mas lalo akong kinabahan nang palapit na kami nang palapit at naisip kung tama lang ba ang ginawa ko ngayon. Gusto kong umatras pero wala na akong magagawa dahil nasa harapan na kami ng gate. "Ma'am ayaw po tayo papasukin. Naghahanap po ng invitation," sabi ni manong driver. Kunot noo kong tinignan ang mga guards na na sa gate at naisip na oo nga pala at hindi kilala ang sasakyan na ito kaya binaba ko ang salamin para mag-pakita sa kanila. Si Kuya Apolo pa rin ang naroon, matagal na siyang guard sa amin at laking gulat nang makita ako. "Ma'am Aria?! Ikaw po ba 'yan?" tanong nito at lumapit pa siya sa bintana ng sasakyan para lang masigurong ako nga iyon. "Yes, Manong! I'm back," sabi ko at itinawa ang kabang nararamdaman. Nanlaki ang mga mata niya at kita roon ang tuwa kaya sumenyas siya sa harapan para pagbuksan kami ng gate. "Papasukin niyo si Ma'am Aria! Pasensya na, Ma'am!" nahihiya niyang sabi at napakamot sa ulo pagkatapos ay kumaway. Isang malaking ngiti naman ang ibinigay ko sa kaniya hanggang sa tuluyan nang nakapasok ang sasakyan nila Claudia sa Mansion namin. "Oh, hindi na ako bababa huh? Pero pupunta ako mamaya sa party. Goodluck! Sana huwag kang magwala," kumindat sa akin si Claudia at natawa dahil sa makahulugan niyang biro. "Shut up. By the way, thanks for the ride. Thank you po!" sabi ko at bumaba na pagkatapos ay kumaway sa kaniya. Bumaba naman ang isang bodyguard niya para ibaba ang gamit ko at muli ko itong pinasalamatan. Kumaway ako hanggang sa makita kong nakalabas na ang sasakyan bago ko hinarap ang malaking Mansion na punong-puno nang ala-ala. "Ma'am Aria?! Naku! Madame!" nataranta ang isa naming katulong at mabilis na pumasok sa loob. Muli kong sinuot ang shades ko dahil nasisilaw sa araw habang iginagala ang mga mata sa buong Mansion. Hindi nagbago ito bukod lang sa pintura at inayos na mga sira noon. Napaatras ako nang may tumama sa paa ko at nang makita ay isang maliit na bola ito. Tinignan ko kung saan nanggaling 'yon at nakita ko ang isang batang lalaki na tumatakbo palapit sa akin at sa likod nito ay ang bunsong kapatid ko na si Ayana. "Ate Ariana?!" napatingin ako sa tumawag na si Ayana at namilog ang mga mata niya habang nagtatakbo palapit sa akin. Napangiti ako dahil dalagang-dalaga na siya. Agad akong naglahad ng yakap at mahigpit siyang yumakap sa akin. "I missed you!" naiiyak niyang sabi kaya natawa ako. "I missed you too my Baby," muli akong natawa at napayuko para tignan ang batang lalaking nakatingala sa akin. "Hi danda!" nabubulol niyang sabi sa akin. Kita ko ang laglag panga ni Ayana at agad itong inilayo sa akin kaya kunot-noo ko siyang tinignan. Hindi ko napigilang matuwa dahil may bisita na agad si Daddy kahit hindi pa nagsisimula ang party niya. "Uhh. Ate," tawag ni Ayana pero hindi ko na siya pinansin dahil natuon ang atensyon ko sa napaka-cute na batang nasa harapan. Natuwa ako kaagad sa kaniya dahil sobrang lusog nito at ang pisngi kaya umupo ako para mag-level kaming dalawa. "Hi little boy, what's your name?" tanong ko at kinurot nang mahina ang pisngi niya dahil sobrang cute nito. "Caleb," sagot nito pagkatapos ngumiti sa akin. Caleb.. his name looks familiar to me. Bubuhatin ko sana siya at yayakapin pero nang marinig ko ang boses ni Mommy ay agad akong napatayo. "Ariana?! Anak!" tawag nito sa akin. Napatingin ako kaagad kay Mommy para salubungin siya at agad kong nakita ang nasa likod niya na si Ate Alexandra at si Daddy. Para bang may kumirot sa puso ko pero isinantabi ko 'yon. This is it, Aria! Narito ka na kaya wala nang atrasan at hindi mo na muli pwedeng takasan pa ang nakaraan. Agad akong nilapitan ni Mommy at niyakap pagkatapos ay si Daddy naman. Hindi ko mapigilang matuwa kahit papaano dahil ang totoo ay miss na miss ko sila. "Happy Birthday Dad!" bati ko kay Daddy at bahagyang natawa nang makita ko ang mangiyak-ngiyak nitong mata. "Thank you, Hija. I love you," aniya at muling yumakap sa akin. Itatanong ko sana kung kaninong anak ang batang napakacute na sumalubong sa akin kaya lang ay nalaman ko na kaagad ang sagot. Buhat siya ni Ate at halos makalimutan ko na siya na nga pala ang anak nila ng Ex-boyfriend ko. At isa lang ang masasabi ko, kamukang-kamuka siya ni Nikolai. - "You really surprised me hija!" si Daddy na kanina pa hindi makapaniwala sa pag-uwi ko. "Anyways, hanggang kailan ka rito? Sana naman matagal," dagdag na sabi ni Daddy at natawa. Napangiti ako at napahugot ng malalim na hininga. Abala ang mga tao para sa paghahanda mamaya sa birthday party ni Daddy. Kumakain kami ng lunch ngayon at pansin ko rin na hindi matanggal ang tingin sa akin ni Ate Alexa. Hindi ko siya tinitignan dahil hindi ko kaya, nasasaktan pa rin ako kahit ilang taon na ang lumipas. "I think one month is enough?" sagot ko pagkatapos ngumiti at nag-iwas ng tingin nang hindi sinasadyang magtama ang mga mata namin ni Ate. "One month!? Tapos aalis ka na naman?" tanong ni Mommy at napailing-iling. "Yes My, buti nga po at next month pa ang isa kong project sa California," sagot ko pagkatapos ituloy ang pagkain. "Ate, did you meet Bryce Styles again?" singit sa usapan ni Ayana. Napatango ako at bahagya siyang inirapan. Idol na idol niya ang singer na si Bryce Styles na kasama ko rin sa pagmomodelo. Kita ko ang tuwa sa mukha ng kapatid dahil may ipinangako ako sa kaniya. "Did you get my-" I cut her off. "Yep. Dala ko ang album with his signature na pangako ko sa'yo. You also have a video greet from him," nakangiting sabi ko at kumindat sa kaniya. "Yes finally! Dapat lang Ate 'no, because you didn't come to my debut last year!" reklamo niya at napasibangot pa. "Naku, Ayana. Even you're eighteen now, you're still our baby," natatawa na sabi ni Daddy pagkatapos tumingin sa kaniya. Kita ko ang pag-ngiwi ni Ayana at masasabi ko ngang malaki na ang pagbabago sa kaniya. "So do you have a suitors now? Kung meron, dapat ipakilala mo sa akin!" sabi ko sa kaniya dahil kung titignan ay para sa akin, siya ang pinaka-maganda sa aming tatlo nila Ate. "At talagang dadaan muna ang lalaking 'yon sa akin," sabat ni Daddy gamit ang striktong mukha niya. Napasimagot lang si Ayana at hindi na nakapagsalita pa. Pinagpatuloy ko ang pagkain ko at napaangat naman ang tingin ko nang tumayo si Ate para kuhanin ang anak niya dahil umiiyak ito sa sala. Naiwan kaming apat nila Mommy at Daddy sa hapag, nagkatinginan kami pero binalewala ko na lang iyon. Napaisip tuloy ako kung nasaan si Nikolai ngayon kaya pinilig ko ang ulo ko dahil dapat ay wala na akong pakialam kung nasaan man siya. "You already saw him," nakangiti si Mommy nang lingunin kung nasaan ang banda nila Ate kasama ang anak niya. Kita ko ang paghugot ng malalim na hininga ni Daddy, mukang ayaw niyang pag-usapan 'yon pero ngumiti ako para ipakitang ayos lang ako. "Yeah. He's super cute and he looks like his father," sabi ko at huli na nang ma-realized ko ang sinabi ko. I laughed awkwardly, really Aria?! Kita ko ang pagkasamid ni Ayana at pag-iwas ng tingin ni Daddy. Napangiti naman si Mommy at mukhang balewala lang sa kaniya ang sinabi ko kaya pilit akong ngumiti. "Why don't you ask your Ate? Hiramin mo bukas! Pumasyal kayo," natutuwang sabi ni Mommy. Gusto kong matawa sa sinabi ni Mommy pero why not? Hindi naman siguro ipagdadamot sa akin ni Ate ang anak niya hindi ba? Pero mukhang malabo 'yon dahil halos hindi nga kami mag-usap na dalawa. "I'll try. Kung papayag siya," nagkibit na lang ako ng balikat at muling ngumiti. "Bakit naman hindi? Papayag 'yon, sige hayaan mo sasabihin ko," sabi ni Mommy kaya mabilis akong umiling. "Mom, no." sabi ko pagkatapos ipakita ang hindi komportable na mukha. Hindi ko alam ang mararamdaman. Hindi ko pa kaya. Mahal ko ang pamangkin ko pero alam ko sa sarili ko na hanggang ngayon ay masakit pa rin ang nakaraan na pinagdaanan ko. Pinagpahinga rin ako nila Mommy dahil magsisimula ang party nang alas sais ng gabi. Magkikita na lang kami roon mamaya ni Claudia, natulog muna ako sandali at gumising para maligo at mag-ayos. May nakahanda na akong damit, isang itim na dress na hapit sa katawan ko. Inuwi ko talaga 'yon galing sa designer ko roon sa New York dahil sayang naman kung hindi ko magagamit. Ako na ang nag-ayos sa sarili ko, gusto pa ni Mommy na ang make up artist na lang niya ang mag-ayos sa akin pero tumanggi ako. Nakalimutan yata ni Mommy na modelo ako dahil marunong akong ayusan ang sarili. Pabalik-balik siya sa kwarto ko para tignan ang ginagawa ko hanggang sa pumunta na sa akin si Ayana at sa akin nagpaayos. "Ate, don't forget my gift," sabi niya pagkatapos inayos ang buhok niya. "Don't worry. Ibibigay ko sayo bukas, hindi ko pa nabubuksan mga maleta ko," natatawang sabi ko dahil mukhang hindi na siya makapaghintay pa sa Album ni Bryce. "Thank you talaga, Ate! Alam mo namang patay na patay ako kay Bryce!" halos pumadyak pa ito sa kilig. Napairap ako sa kapatid. Gusto ko sanang sabihin sa kaniya na ilang beses na akong inayang makipag-date ni Bryce pero hindi ko lang nabibigyang pansin dahil masyado nga akong busy noon kaya naging magkaibigan na lang kaming dalawa. Isa pa, hindi pa ako handa noon at hindi pa naghihilom ang puso ko. Ilang sandali lang ay tinawag na kami ni Mommy at sabay naman kaming lumabas ni Ayana sa labas. "You two are so beautiful!" natutuwang sabi ni Mommy nang makita kami. She looks so sophisticated and elegant in her red dress together with her jewelries. Forty nine na si Mommy pero hindi halata iyon sa kaniya at kahit noon pa ay madalas kaming mapagkamalan na magkakapatid lang. Halos nahinto ako sa pagbaba sa hagdan nang makita ko si Nikolai na nakatayo sa baba habang tinatanaw ang pagbaba namin. I swallowed hard and looked away dahil ramdam ko ang pagbilis at pagkirot ng puso ko. It's been a five years but here I am, still affected and not fully recovered from our past. Nagsimula ang program ng party at may iilang mga sinabi ang emcee para sa birthday ni Daddy at isa-isang bumati ang mga malalapit na tao sa kaniya especially his Family at hindi ko namalayan na ako na pala ang babati sa kaniya. Muli na namang nabuhay ang kaba sa dibdib ko, sanay na akong makita ng maraming tao pero pakiramdam ko ngayon ay kabang-kaba. "Go, girl! You can do it," tinapik ako ni Claudia sa balikat at kinindatan para i-cheer ako. Wala akong nagawa at halata ang gulat ng mga bisita dahil naroon ako, may iilang pumalakpak habang naglalakad ako at may iba namang nagbubulungan. "Umuwi na pala siya," "Wow, she's really stunningly beautiful in person!" "Mabuti naman bumalik na siya. Akala ko siya ang nabuntis noon," Nakangiti lang akong tinatahak ang harapan kung nasaan si Daddy habang pilit na huwag pakinggan ang mga taong pinag-uusapan ako roon. Sanay na akong rumampa sa harap ng maraming tao pero pakiramdam ko ay bumalik ako sa panahon na nagsisimula pa lang akong maging model. Hindi ko alam, ganito siguro ang pakiramdam kapag alam mong nasa paligid lang ang ex mo na sobrang nanakit sa'yo. Ngumiti ako kay Daddy na nasa harapan at binigay ko ang mga regalo ko sa kaniya bago yumakap kahit hindi ko alam sa sarili kung bakit ako kinakabahan. "Thank you! Happy birthday daddy! I don't know what to say but.. uh, I hope you know that I'm the luckiest girl in the world because you are my Dad. Thank you for everything and for all the sacrifices you've done for me. Alam kong hindi ako naging mabuting anak but always remember that I love you. Ayoko na magdrama pa," sabi ko pagkatapos ay natawa at muling yumakap sa kaniya. "Thank you, Hija. Thank you for surprising me," natutuwang sabi ni Daddy at tinapik ang balikat ko. Nagpalakpakan naman ang mga tao at nagulat ako nang may yumakap sa binti ko. Napatingin ako roon at nakita kong si Caleb 'yon kaya ang kabang nararamdaman ko kanina ay napalitan ng tuwa. "Tata!" sabi niya habang nakayakap sa binti ko. Napatingin ako sa gawi ni Ate na katabi ni Nikolai. Nakita ko ang pag-ambang tayo ni Nikolai para kuhanin ang anak pero pinigilan siya ni Mommy. Nagsalita na rin ang emcee at kaya gumilid ako dahil siya na ang magbibigay ng message kay Daddy. Ngumiti sa akin si Mommy nang nakalapit at nilagpasan din kami roon. Yumuko ako para mas lalo kong makita ang mukha ng napakacute kong pamangkin. Naka coat siya at bagay na bagay sa kaniya ang maliit niyang suot. Binuhat ko siya at nagsimula nang bumalik sa upuan ko, isasama ko na lang siya at ipapakilala kay Claudia. Hindi naman siguro magagalit si Ate at Nikolai dahil hindi ko naman sasaktan ang anak nila. "Woah! Anak mo?" biro ni Claudia nang nakalapit ako sa kaniya. Sinamaan ko siya ng tingin dahil iba ang dating sa akin ng biro niya. May halong pang-aasar 'yon at sigurado akong hindi siya matitigil na asarin ako rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD