CHAPTER 12

1041 Words
NAPANGALUMBABA SI Kass habang pinagmamasdan ang malinaw na likido ng alak sa kanyang baso bago iyon tinungga.  Pinagmasdan niya ang paligid ng Bistro Bar na iyon.  Mangilan-ngilan lang ang naroon nang gabing iyon kaya madali niyang napansin na siya lang ang nag-iisang walang ka-partner doon.  Mapait siyang napangiti.   “He hano naman?  Bahket?  Mashama bang maging shingle?”  Tinungga uli niya ang kanyang baso nang mapansin wala na pala iyong laman.  Tinawag niya ang bartender.  “Refill pa.” “Kassandra, lasing ka na.” Nilingon niya ang nagsalita.  Kahit nanlalabo na ang paningin niya dahil sa kalasingan at antok, nakilala pa rin niya ang mukhang iyon.   “Tekah, kilala kita, ah.  Di ba ikaw shi…shi…ah!  Daboi…may litol big boiiii…”  Binuntutan pa niya iyon ng hagikgik.  Narinig kasi niya ang biro na iyon sa grupo ng mga kababaihan kanina.  “Teka, bahket parang may mali sha ishura mo ha?” “That’s because I’m not Daboi.” “Ha?  E, shino ka?” “It doesn’t matter.  Let’s go.”  Inagaw na nito sa kamay niya ang baso ng kanyang alak. Ngunit hindi siya nagpatalo.  “Anoh beh!  Hindi pa ako lashing.  Ganito lang talaga ako magshalita.  Shula-shula.   I love ‘h’, you know.”  Tinawag uli niya ang bartender na nakikiramdam lang sa kanila.  “Refill please.” “Kass—“ “Don’t call me Kash.  Shi Ayshen lang ang may karapatang tawagin ako sha nickname ko na iyon.”  Hinawakan niya ang bote ng alak na inilalagay ng bartender sa kanyang baso dahil nakita niyang kaunti lang ang laman na inilagay nito.  “Ang daya mo ha?  Idedemanda kita.”  Satisfied, she turned to the man beside her.  “Ikaw, huwag ka ring makikialam kashi baka pati ikaw, idemanda ko.  Mainet pa naman ngayon ang ulo ko.  Alam mo kung bakit?  Kashi…bigo ako.”   Tumungga muna uli siya alak.  Akala niya ay sasawayin na naman siya ng lalaki ngunit hinayaan lang siya nito.  Which was a good thing.  Dahil handa na siyang maging bayolente sa kung sinomang mang-iistorbo sa kanya ngayong nagluluksa ang kanyang puso. “You remind me op shamone.”  Inilapit niya ang mukha sa mukha nito.  “Yeah, you do look like him.  That man I wash jusht sho inlove with.  But I jusht couldn’t love anymore.  Alam mo kung bahket?  Kashi, may mahal na shang iba at magpapakashal na shila.  Nakakashura, ‘no?  Ang taong mahal na mahal mo, hindi mo na puwedeng mahalin!  Shing!  Shing!  Yeah, boy!  Wuuuu!”  Tumungga uli siya ng alak.  “Pero alam mo, hindi ko naman shinashadya na mahalin sha, eh.  Pwamis!  Kashalanan niya iyon kashi ang baet-baet nya sha akin.  E, ako pa naman, mahina ang pusho sha mga mababaet!  Shet talaga!  Taposh binigyan pa nya akoh ng coin nung maligaw ako nung highscholl kami!  Shabi nya, huwag ko daw iwawala iyon kashi pambili ko iyon ng kendi kapag naligaw uli ako habang hinihintay ko shang dumating.  Hanggang ngayon, nasha akin pa rin iyon.  Dito sha pocket ko.  Oo, totoo iyon.  Teka, papakita ko sha iyo…” Nahilo siya sa naging pagkilos niya kaya muntik na siyang bumagsak sa stool na kinauupuan niya.  Mabuti na lang at mabilis ding kumilos ang kausap niyang lalaki dahil nasalo na siya nito bago pa man siya tuluyang bumagsak sa sementadong sahig.  Natawa na lang siya. “Ay, churi, churi!”  Sumandal uli siya sa bar counter.  “Hay.  Ang sarap palang nalalashing, ‘no?  Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko.  Para akong shi Shuper Turonski!”  She laughed once again but after a few minutes, natahimik na lang siya.   Tinitigan niya ang baso at napangiti siya nang makita ang imahe roon ni Icen, nakangiti sa kanya na tila ba siya lang ang babaeng sa mundo.   “Mahal na mahal ko shi Ayshen.” “Sino?” “Ayshen!  Ano ka ba?  Ang bingi mo naman!  Maglinish ka nga ng ilong mo!”  Nagpangalumbaba uli siya at bumuntunghininga.  “Pinagkashundo kami ng mga tatay naming walang magawa nung mga bata pa kami kashi feeling ng tatay ko, ni-r**e niya ako.”  May narinig siyang malakas na pagsinghap ngunit hindi niya iyon pinakinggan.  Kailangan niyang mailabas ang lahat ng nararamdaman dahil nahihirapan na siya.  Masakit sa dibdib.  Mabuti sana kung cup D siya.  “Pero wala naman talaga nangyari.  Tatay lang namin ang makulit.  Hindi ako tumutol nun kashi di ko naman alam kung ano pinag-uushapan nila.  Ang alam ko lang, dahil dun nagalit sha akin si Ayshen.  Nadala nya iyon hanggang ngayon.  Galit pa rin sha sha akin.  Hindi ako dapat na-inlove sha kanya, eh.  Pero anong magagawa ko?  Bashta nagishing na lang ako ishang araw, mahal ko na sha.  Matagal na ito.  matagal na matagal na.  Sha shobrang tagal, hindi ko na alam kung kailan ako ekshaktong na-inlove sha kanya.  Hindi ko shinashabi sha kanya kashi, ayokong magulo ko buhay niya.  Lagi na nga sha napeperwishyo dahil sha mga kalokohan, dagdagdagan ko pa ba iyon?  He’sh gong to marry Erica.  That’s what makesh him happy.  I want him to be happy.” Inikot-ikot na lang niya ang baso sa counter.  Hindi na niya kayang uminom pa.  Hilo na siya at inaantok.  Ngunit hindi pa rin niya magawang tumahimik.  Nang maghiwalay kasi sila kanina ni Icen pagkagaling nila sa End Valley, nagmukmok na siya sa kanyang silid.  Nang manakit ang likod niya sa kakahiga, saka siya nagpasyang mag-ikot-ikot uli.  Wala ang binata sa bahay nito dahil susunduin daw nito si Erica sa Maynila.  Masamang-masama pa rin ang loob niya pero wala naman siyang masisi.   Ano nga ba naman ang kasalanan ng isang taong nagmahal? “I didn’t mean to love him,” patuloy niya.  “I didn’t mean to, Icen….”  Ipinikit na niya ang namumungay niyang mga mata.  “I’m sorry…” Kasabay ng pagkawala ng malay niya ay pagkawala rin ng kanyang lakas.  Ang huli lang niyang natatandaan bago sumuko sa antok ang kaisipan niya ay ang pagbalot ng pamilyar at maingat na mga brasong iyon sa kanyang katawan. “Icen…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD