CHAPTER 11

1268 Words
“SO, YOU’RE really getting married, huh.  Wala na talagang atrasan iyan?” Ipinatong ni Icen ang mga braso nito sa sandalan ng bench na kinauupuan nila at tumanaw din sa magandang view sa harap nila.  “Ayoko ng magbago ng isip.  I’ve been wandering around this world for so long now.  Gusto ko ng magpahinga at manatili na lang sa isang lugar kasama ng babaeng mag-aalaga sa akin.  And Erica fits the picture in my mind.” Lihim niyang kinagat ang kanyang pang-ilalim na labi.  Masakit ang mga naririnig niya mula rito.  Pero wala siyang magagawa.  Wala siyang karapatang pigilan ito sa gusto nito.  She wanted him to be happy and if Erica makes him happy, so be it. “Hindi na tayo puwedeng magbangayan pa na parang mga bata,” aniya.  “Hindi na rin kita puwedeng bulabugin para lang magpatulong sa kung anong gulong napapasok ko.”  Tahimik lang ito.  Bumuntunghininga lang siya upang kahit paano ay maibsan ang p*******t ng kanyang dibdib.  “Sana ako rin, makakita ng taong magpapasaya sa akin at magiging dahilan kung bakit gugustuhin kong manatili na lang sa isang lugar.  Pero sa ngayon, tingin ko medyo malabo pa iyon.  I’m still not yet ready to surrender my freedom and I still haven’t found someone who will make me want to love again.” Nilingon siya nito.  “Love again?” “Oo.  Bakit, anong akala mo sa akin, bato?”  Dumukot siya ng potato chip na nakalapag sa pagitan nila.  “Nagmahal na ako, ‘no?  As in sobra.” “Kailan iyan?  Wala ka yatang naikukuwento sa akin.” “Bakit ko naman ikukuwento sa iyo?  Ikaw nga rin hindi ka nagkukuwento ng mga naging girlfriends mo.  Pangalan lang ang sinasabi mo, tapos na.” “I didn’t think you’d be interested to know.” “I’m not interested to know about your girlfriends.  I’m interested to know about your life, what’s going on with you and what’s new.  Iyon lang.  Hindi mo naman kailangang ibandera sa akin ang s*x life mo.” “Bakit hindi mo sinabi?  Magkukuwento naman ako kung magtatanong ka.” Nagkibit balikat lang siya.  “Pinagsusupladuhan mo ako kapag nagtatanong ako ng personal tungkol sa iyo kaya hindi na lang ako nagtatanong.” “I did that?” mahinang sambit nito.  “I’m such a bastard.” “Not really.  Siguro kasi talagang masikreto ka nga lang talagang tao.” Binalot na naman sila ng katahimikan.  Patuloy lang siya sa kanyang pagkain nang muli niya itong marinig. “What’s he like?” “Who?” “The guy you fell inlove with.  What’s he like?” “Oh, him?  Well, he’s tall, handsome, he was always there with me whenever I needed someone by my side.  Pinagsusungitan niya ako minsan pero iyon ay dahil sa lagi ko siyang binibigyan ng sakit ng ulo.  But then again, he never gets tired of taking care of me.” “Alam ba niya?” “Na?” “Na mahal mo siya.” “Hindi.” “Bakit hindi mo sabihin sa kanya?” “Huli na, eh.  May mahal na siyang iba.”  Napansin niyang nakatitig lang ito sa kanya.  “Last year lang siya ikinasal.  May isang anak na siya ngayon at doon na sila sa London nakatira.  Minsan kapag may competition sa London, dinadalaw ko ang pamilya niya.  Tsika-tsika ng konti tapos bye-bye na.” Ewan niya kung kinagat nito ang mga huling sinabi niya.  Bahala na.  Ewan nga ba niya sa kanyang sarili kung bakit hindi niya napigilan ang kanyang bibig na magkuwento tungkol sa lalaking mahal niya?  Siguro dahil gusto niyang kahit paano ay masabi niya rito ang nararamdaman niya nang hindi nito nahahalata.  Para kahit paano, malaman nito kung gaano niya itong minahal sa loob ng maraming taon. Tumikhim siya.  “Ice, kailan babalik si Erica?” “Tumawag siya kanina nang nasa Picka-Picka tayo.  Bukas daw ang balik niya ng Stallion Riding Club.” “I see.”  Ibinaba niya ang hawak na canned drinks.  “Pag nagkita kayo, mag-propose ka na sa kanya.  Huwag mo ng palagpasin ang pagkakataon dahil baka magaya ka sa akin.  Ang daming pagkakataong sinayang kaya ngayon…”  Naramdaman niya ang pagdaloy ng mainit na likido sa kanyang pisngi.  “Aw, syet!  Umiiyak ako.  Wuuuu!” She even tried laughing it out just to hide her pains.  Pero walang nangyari.  Patuloy pa rin ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata.  Kung sasabayan niya iyon ng tawa, magmumukha na siyang sinasapian.  Icen handed her a tissue paper. “Thanks.” “You love him that much?”  Tumango lang siya dahil hindi na siya makasagot ng maayos.  “Don’t worry, makakahanap ka rin ng lalaking higit sa kanya.  ‘Yung hindi ka iiwan.  ‘Yung mamahalin ka kahit anong mangyari.” Lalo lang niyang hindi mapigilan ang pagdaloy ng kanyang mga luha.  Life is so ironic.  Dahil heto ngayon ang iniiyakan niyang pag-ibig, binibigyan pa siya ng payo na makakahanap siya ng ibang mamahalin. Ironic my a*s! “Ikaw din, Ice,” wika niya sa pagitan ng kanyang mga luha.  “Kapag nagkaroon ka ng kahit kaunting doubt sa plano mong pagpapakasal, postpone it.  Dapat kung papasukin mo iyan, siguradong-sigurado ka na dahil ang pagpapakasal ay hindi parang kaning isusubo na kapag napaso ka e puwede mong iluwa.”  Napalakas ang paghikbi niya.  “Ang pangit ng quote ko!” He threw his head backwards and burst out laughing.  Napatingin na lang tuloy siya rito.  Ano ang nakakatawa sa sinabi niya?  Nakakayamot na.  Pangit na nga ang quote na nadampot niya, pinagtawanan pa nito.  Naiiyak na naman niya nang bumaling ito sa kanya.  He had stopped laughing now but the twinkle in his eyes was still there as he continued watching her. “What?” she asked, teary-eyed.  “Pasensiya na.  emosyonal lang talaga ako kapag naaalala ko ‘yung lalaking minahal ko na may asawa at anak na ngayon sa Canada.” “I thought they were in London?” “London?  Ah…”  London nga ba ang sinabi niya?  “Oo, London nga.  Nakalimutan ko kasi na may bahay pa rin pala sila sa Australia.” He was now grinning from ear to ear.  Hindi na niya ma-take ang sitwasyong iyon.  Dahil ang guwapo-guwapo pa rin nito samantalang siya, napakamiserable na ng pakiramdam.  Tumayo at lumapit sa kanya.  Pagkatapos ay kinuha nito ang kamay niya at hinila siya patayo.  When they were facing each other, he then held her in his arms, ever so gently wrapping his arms around her.  She never felt this warmest gentlest sweetest hug before.  Pakiramdam niya ay isa siyang babasaging kristal na ingat na ingat nitong mabasag kaya ganon na lang siya nitong protektahan.  And then slowly, ever so slowly, their bodies started to sway to an invisible music.  Naramdaman din niya ang masuyong paghaplos nito sa maiksi niyang buhok. “Huwag ka ng umiyak, Kass,” bulong nito malapit sa kanyang tenga.  “Kahit anong mangyari, ako pa rin ang magiging tagapagtanggol mo.  Tawagin mo lang ako tuwing kailangan mo ako.” Tumango lang siya at sinarili na lang ang nararamdaman.  If this was his goodbye, then she’ll take every chance to tell him everything she couldn’t say. Kahit anong mangyari rin, Icen, ikaw ang nag-iisang tagapagtanggol na kikilalanin ko.  Ikaw lang ang lalaking mamahalin ko.  Mamatay man silang lahat!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD