Chapter 35 Andrea’s POV Alas 8 na nang lumabas ako sa lumang gusaling iyon. Wala na akong pakialam pa kung malalim na ang gabi, tanging nais kong gawin sa gabing ito ay ang makawala sa mga tingin ni Zandrick. I feel so unsafe now. Pakiramdam ko ay parang sasaksakin niya ako sa likuran anumang oras. Siguro sa impormasyong nalaman ko kaya ako nagkakaganito. Nakakalungkot man pero kailangan kong tanggapin, tanggapin na ang taong minsan ko nang pinagkakatiwalaan ay siyang taong masama ang hangarin sa akin. Hindi na rin ako pinigilan ni Zandrick. Siguro sa galit na pinapakita ko sa kanya kanina ay nawalan na siya ng lakas na loob na pigilan ako. Buo na rin naman ang loob ko at iyon ay ang lumayo na sa kanya. Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko sa puntong ito gayong unti-unti na