Kinabukasan ay nagising ako sa tunog ng alarm ng cellphone ko. Bandang alas kuwatro y media pa lang iyon ng umaga. Ini-off ko na ito bago pa magising si Skye na mahimbing na natutulog sa aking tabi. I automatically smiled when I saw his angelic face. Kuhang-kuha niya ang mukha ng kanyang daddy. Sana lang kahit hindi pa kami naaalala ni Phoenix ay maging mabait siya kay Skye. Malambing ang anak ko pero katulad siya ni Phoenix na hindi masyadong ipinakikita ang emosyon kahit na nasasaktan na. I can deal with many heartaches, but I can’t bear to see my son hurting. Maingat na hinagkan ko siya sa noo at inayos lang ang comforter na siyang pumprotekta sa kanya sa lamig bago tuluyan nang umalis sa kama. Naghilamos lang ako at nag-toothbrush bago lumabas na sa kuwarto. Sinulyapan ko pang muli