“Diyos ko… pawis na pawis kayong dalawa!” Katatapos lang ng klase ng mga bata at ngayon ay kasama ko na nga sina Sera at Skye. Parehong tumatagaktak ang pawis nilang dalawa nang makalabas ng classroom kaya nandito kaming tatlo sa waiting area para asikasuhin muna sila. “Nasaan ‘yong towel mo, Skye? I told you to wipe your sweat, kahit na kaunti lang ‘yan, sweetie…” ani ko sa anak ko na pinupunasan ko ang noo at leeg. Itinaas ko pa ang kanyang uniform para mapunasan din ang likod. Tinanggal ko na ‘yong towel na parating inilalagay ko sa likod niya dahil basa na rin ng pawis iyon. “Chill, mom. It’s just a sweat. You are reacting as if I shower with blood…” masungit na sagot ng anak ko na lumipat na sa katabing upuan matapos ko siyang asikasuhin. Napapasinghap na napailing na lang ako.