Alas singko pa lang ng umaga, araw ng Sabado, ay pareho na kaming gising ni Skye para ayusin ang mga gamit na dadalhin namin. Hindi naman kami excited ng anak ko. Oo, hindi talaga. Huwebes nang napag-usapan namin iyon at ngayong araw napagdesisyunan na lilipat kami ng bahay para walang pasok sa school ang mga bata. Susunduin kami ni Phoenix mamaya bago mag-lunch at pakiramdam ko ay hindi na ako mapakali dahil makikita na ulit namin siya. “Galingan mo naman po, mom!” Napalingon ako sa anak ko na nasa kama at pinapanood ako sa ginagawa. Inaayos ko kasi sa maleta ang iba pang mga damit na natira. Kaunti na lang naman ang aayusin ko dahil kagabi pa lang ay nailipat ko na ang mga iyon sa maleta namin. Hindi ako makatulog sa isipin na namin si Phoenix sa isang bahay kaya naman para palipas