“Tita Astrid is going to be my nanny? Oh my gosh!” Si Sera ang pumutol sa pagkabigla naming lahat… I mean, ako lang pala ang nabigla dahil noong napatingin ako kay Phoenix ay parang wala lang naman iyon sa kanya. Nakatingin pa rin siya kay Skye na nakatitig din sa kanya at naghihintay ng sagot. Tanging si Sera lang ang kanina pang nagsasaya mula sa narinig sa kapatid. My heart is hammering inside my chest. Pati ako ay kinakabahan sa isasagot ni Phoenix. Pakiramdam ko ay unang sabak ko ito sa job interview—sa trabaho na pinakaaasam ko, iyon nga lang ay iba ang sumasagot sa mga tanong, hindi ako. “Yes, Sera! My mom loves and adores you. Siguradong aalagaan ka niyang mabuti!” Napasulyap naman si Skye sa kapatid at tila proud na proud habang ibinibida ako. Alam kong alam ng anak ko na ma