CHAPTER 03: First Kiss

2624 Words
NAKARAAN Ria Peñaflor "Sir?" Kumatok muna ako ng ilang beses sa pinto ng opisina ni Sir Daemon bago ko ito binuksan. Maingat kong bitbit ang umuusok na kape na nakapatong sa isang platito. Nakita ko din naman siyang nakaupo sa swivel chair niya, nakasandal, nakatingala sa kisame at nakapikit ang mga mata. Napahinto kaagad ako nang makita ko ang mga nagkalat na basag na parte ng baso sa gilid ng mesa niya. "S-Sir, heto na po ang coffee niyo." Lumapit ako sa table niya. Pero muli akong napahinto nang makita kong namamaga, namumula at may kaunting sugat pala siya sa pisngi niya. Mas malinaw ko na kasi siyang nakikita ngayon dahil maliwanag dito sa opisina niya. Sayang naman ang guwapo niyang mukha. Nabangasan bigla. "S-Sir, okay lang po ba kayo? May sugat po kayo sa pisngi. Kailangan po 'yang magamot para hindi maimpeksyon. Lilinisin ko rin po ang mga kalat." Dahan-dahan kong ipinatong ang kape sa mesa at inilapit sa kanya. Sa wakas ay dumilat na rin ang mga mata niya, pero ilang segundo siyang nakatitig lamang sa kisame na para bang napakalalim ng iniisip at hindi ako naririnig. Para bang pasan-pasan niya ang buong mundo ngayon. Kita ko ang bigat ng problema sa kanyang mukha. Maya-maya'y umayos na rin siya nang pagkakaupo at dinampot ang tasa ng kape. "Unahin mo na lang munang linisin 'yan," aniya bago tuluyang humigop ng kape. "S-Sige po, ngayon din po." Agad akong tumalima at lumabas ng opisina niya. Kumuha ako ng mga panlinis sa Utility Room, sinamahan ko na rin ito ng first aid kit, at agad ding bumalik sa opisina niya. Pagpasok ko ay nakita ko siyang nakasandal nang muli sa upuan niya, nakatingala sa kisame at nakapikit muli ang mga mata. "Sir, lilinisin ko na po ang sahig." "Alright," mahina niyang sagot nang 'di kumikilos sa posisyon niya. Agad na rin akong lumapit sa gilid ng table niya at inumpisahang damputin ang mga piraso ng basag na baso. May basa din ng alak sa sahig. "Magdahan-dahan ka, baka ikaw naman ang masugatan," ani Sir Daemon na ikinatingala ko sa kanya. Pero nanatili pa rin siya sa posisyon niya at hindi kumikilos. 'Di ko alam kung bakit napangiti ako ng bahagya. "O-Opo." Ipinagpatuloy ko ang pagdampot sa mga basag na bubog. Inipon ko sila sa malaki pang parte bago inilagay sa trashcan. Pinunasan ko rin ang sahig at sinigurong wala nang natira kahit maliliit na piraso. Idiniretso ko na rin ng tapon sa trashcan ang microfiber cloth dahil may mga nakadikit na din dyang maliliit na bubog. Pagkatapos ay nag-alcohol ako ng mga kamay. Napatitig akong muli sa kanya. Nakikita ko ang paggalaw ng Adam's apple niya sa leeg. Wala na sa ayos ang necktie niya at nakabukas na rin ang tatlong buttons ng polo niya sa itaas. Sumisilip doon ang dibdib niyang maputi at makinis. “Are you done—” "Ay, done na po!" napasigaw akong bigla sa gulat nang bigla siyang magsalita. Napaiwas din akong bigla ng tingin sa kanya nang umayos siyang muli nang pagkakaupo at dinampot muli ang tasa ng kape niya sa mesa. Napakamot ako sa ulo at 'di malaman ang gagawin sa harapan niya. "Mahilig ka rin ba sa kape?" tanong niya matapos humigop sa tasa. "Y-Yes, Sir. Pampagising lang po." "Bawasan mo, masyado ka nang magugulatin." Muli akong napakamot sa ulo. "O-Oo nga po. Magbabawas na po ako simula bukas. Ah, Sir, g-gusto niyo po bang gamutin ko ang sugat niyo? B-Baka po kasi maimpeksyon 'yan, eh." "Mauubos ko na ang oras mo. Late ka na lalo makakauwi." "O-Okay lang po. Patapos na rin po ako doon sa trabaho ko, Sir. At saglit lang din naman 'yan." "Alright. Singilin mo na lang ako ng malaki sa sahod mo." Bigla akong natawa sa sinabi niya. "Sir, naman. Okay lang po 'yan." Agad kong kinuha ang first aid kit sa coffee table at ipinatong na rin sa office table niya. Naiilang ako at nahihiya, pero kailangan kong lumapit sa kanya upang magamot siya. Muli naman siyang sumandal sa swivel chair niya at tumingala sa kisame. Pumikit ding muli ang kanyang mga mata. Inilabas ko naman na mula sa kit ang mga gagamitin kong panglinis sa sugat niya. "Eh, s-saan niyo po ba nakuha 'yan, Sir?" alanganin kong tanong sa kanya. "S-Sa inyo po ba tumama 'yong baso?" Bigla rin akong napahinto sa tanong ko. 'Di kaya binato siya kanina ni Ma'am Lucinda? Ilalapat ko na sana ang sterile cotton swab na may antiseptic solution sa sugat at namamaga niyang pisngi nang biglang dumilat ang mga mata niya at tumitig sa akin. "Ikaw ang tatanungin ko," aniya na ikinahinto ko. “How strong is a woman’s instinct?” Natigilan ako at biglang natawa. "Ikaw, Sir, ha. Nahuli ka lang kasi ni Ma'am, eh. Nagtatanong ka pa. 'Di ka pa makapaniwala." Bigla din siyang natawa, na ikinatitig kong muli sa kanya. Mas lalo pang lumilitaw ang kaguwapuhan niya sa tuwing nakangiti siya. Hindi naman kasi siya masungit na amo. Mabait siya sa mga empleyado niya, madaling lapitan, nakakabiruan ng marami at palaging nakangiti. Malambot din ang puso niya kapag may mga nangangailangan ng tulong financial. Kaya hindi na kataka-takang maraming nahuhulog sa kanya at pinapangarap siya. Isa na ako doon, pero alam ko namang Mercury hanggang Neptune ang layo ng pag-asang maging kami. Tanggap ko na 'yon kaya pinipili kong manahimik na lang sa isang tabi at 'di na ako nakikisali pa sa mga babaeng hantaran kung ipakita sa kanya ang pagkagusto nila. "Nabato ka talaga ni Ma'am Lucinda kanina, Sir, no?" ani kong muli habang inuumpisahan nang linisin ang sugat niya sa pisngi. "Siguro hindi niya lang napigilan ang sarili niya dahil sa sobrang sakit na nararamdaman niya." "Hindi lang siya maayos na kausap. She crossed the line," sagot din naman niya, na bahagyang ikinakunot ng noo ko. "Nasa usapan na namin 'yon, at wala siyang karapatang magalit. Ikakasal lang kami sa papel, no string attached, no special feelings, hindi kami magsasama sa isang kuwarto, lalong hindi magtatabi sa kama." Hindi kaagad ako nakasagot sa sinabi niya. Ganun pala ang kasunduan nila. "Pumayag naman siya," dagdag pa niya. "I’m also careful with my actions, making sure no one sees anything that could ruin our reputations or suddenly start issues that might reach his family... Ikaw ba, may nakita ka na bang kalokohan ko?" "Meron, Sir," agad kong sagot, na ikinatawa niyang muli. Napahinto din akong bigla sa nasabi ko. s**t. Ang daldal ko! "Mukhang binabantayan mo 'ko." "Ha?" Bigla namang namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. "H-Hindi po, Sir, ha." Napaiwas din ako ng tingin sa kanya. "K-Kung may nakita man ako, h-hindi sinasadya 'yon. Nasa iisang opisina lang naman tayo." Napansin ko ang taimtim niyang pagtitig sa akin, kaya mas lalo pa akong nailang. Nararamdaman ko na rin ang paggapang ng init sa aking mukha. “You’re blushing,” mahinang niyang sabi habang natatawa. Namilog namang muli ang aking mga mata. Napasampal tuloy ako sa aking pisngi. "Hindi talaga, Sir. Tigilan niyo nga po ako. Pinagtatakpan niyo lang 'yong kalokohan niyo, eh. Nakita ko naman talaga kayo." Muli kong ipinagpatuloy ang paglilinis sa sugat niya. Mas lalo pang lumakas ang tawa niya, kaya hindi ko ito matuloy-tuloy. "Ano bang nakita mo?" tanong niya. "N-Na may inaano kayo ... d-dito sa office niyo—" “You actually saw … what we were doing?” "H-Ha?" Muli naman akong natigilan. Napalunok ako at ramdam ko ang malakas na pintig ng puso ko. "H-Hindi po malinaw, Sir. M-Madilim po kasi dito no'n sa office niyo, naririnig ko lang 'yong mga ungol niyo no'ng ... b-babae. M-May dadalhin lang po sana ako sa inyong papeles no'n. Wala po no'ng araw na 'yon ang secretary niyo, naka-leave siya. Eh, hindi na po ako tumuloy para hindi na kayo maistorbo." Napaiwas akong muli ng tingin sa kanya. "T-Tapos may mga dinala ulit kayo dito no'ng mga sumunod pa na araw at linggo. Sabi ng secretary niyo, client niyo, pero malakas ang kutob ko na hindi." Muli na naman siyang tumawa. “So, you really have been keeping an eye on me … and doubting me at the same time.” Muli na namang namilog ang aking mga mata. "H-Hindi sa ganun, Sir. Eh, bakit? Sasabihin niyo po bang hindi? So, mali po ba kami nang naiisip?" "Lahat kayo?" "Aah..." Napakamot akong muli sa leeg at batok ko. "A-Ako lang po pala, Sir. Huwag niyo na po silang idamay. Baka hindi pa sila makatanggap ng bonus sa Pasko." Muli na naman siyang tumawa. "At okay lang sa'yo na hindi ka makatanggap ng bonus?" Muli naman akong natigilan. "Eh, h-hindi, Sir... Sorry na, Sir! Wala na pala akong nakita. Baka panaginip ko lang 'yon! Akala ko totoo. Kailangan ko ang bonus ko, Sir!" Pumuno na ng tuluyan sa buong opisina ang malakas niyang tawa. "Sir..." Hindi ko naman malaman kung matatawa din ako o ano. Parang pinaglalaruan na yata niya ako! Bakit ba kasi ang daldal ko! Napahawak pa siya sa tiyan niya. “You’re actually amusing. How many years have you been here again?” "T-Tatanggalin niyo na po ba ako?" Nahintakutan akong bigla. “I’m just asking.” "D-Dalawa pa lang po, Sir. Pangarap ko pong maka-ten decades dito." Muli na naman siyang tumawa. "One hundred years old ka na no'n, higit pa. Bakit ngayon lang kita nakausap ng ganito? Feeling ko tuloy gumaling bigla 'tong sugat at bukol ko sa pisngi." "Dadagdagan niyo po ba ang bonus ko?" Muli na naman siyang tumawa. "Love na talaga kita, Ria. You’re so cheeky and amusing. You’ve just wiped away all my stress.” Napangiti din ako. "Hmm, nililigaw niyo lang po 'yong usapan, Sir, eh. Totoo naman 'yong ginagawa niyo. Baka mahal lang talaga kayo ni Ma'am Lucinda kaya siya nagkaganun." "May mahal ba na nagpabuntis sa ibang lalaki?" Bigla naman akong natigilan sa sinabi niya. "K-Kung ganun, gumaganti po ba kayo sa kanya?" “I don’t. We’re really just friends. I care for her as a friend, so I help her… That’s why I can’t understand why she’s ruining our arrangement.” "Baka mahal ka talaga niya higit pa sa kaibigan, hindi niya lang maamin sa'yo." “Friendship is all I can give her.” "Siguro may naiibigan kayong ibang babae, no?" Ngumiti lang siya at hindi kaagad sumagot, pero nanatiling nakatitig sa akin. "Wala pa naman, at 'di na rin siguro magkakaroon ng chance." "Baka naman po, mahal niyo talaga si Ma'am Lucinda higit pa sa kaibigan. Hindi niyo lang maamin sa sarili niyo. Kasi hindi naman kayo magsasakripisyo kung hindi." Umiling-iling siya. "Kung ganun, bakit hindi ko siya magawang halikan?" Napahinto naman akong muli. "Y-Yong mga babae niyo po ba, hinahalikan niyo?" "Hindi rin..." "Eh? Paano kayo nagsi-s*x?" Muli na naman siyang tumawa. "May alam ka na ba sa s*x?" "Wala pa, Sir," mabilis kong sagot. "Virgin pa 'ko, no. Pero hindi naman ibig sabihin no'n, inosente ako sa ganyang bagay. P-Pero, p-posible po bang walang kissing habang naggaganun?" Muli na naman siyang tumawa. “Of course. Just pleasure… but no kissing.” "Aah..." Napatango-tango ako kahit walang maintindihan. "Tama na nga po ang usapan na 'yan, Sir. Kinikilabutan na ako." Napahaplos ako sa mga braso ko. Muli na naman siyang tumawa ng malakas. Minabuti ko nang lagyan ng bandage ang sugat niya. Napansin ko namang nakatitig pa rin siya sa akin. “Have you ever been kissed before?” Napahinto akong muli. "H-Hindi pa, Sir. W-Wala pa talaga akong alam tungkol sa ganyan." "Hindi ka pa nagkaka-boyfriend?" "Hindi pa talaga, Sir." “How old are you?” "Twenty-three pa lang po ako." “Do you want to know what a first kiss feels like?” Muli akong natigilan at hindi nakasagot sa sinabi niya. Ramdam ko ang muling paglakas ng t***k ng puso ko, lalo na nang mapansin kong nakatitig na siya sa mga labi ko. Pakiramdam ko ay nangangatog na ang mga tuhod ko sa mga oras na ito. Hindi ako makagalaw. “Do you want me ... to be your first kiss?” "H-Ha? S-Sir..." Tuluyan na akong nawalan ng lakas sa katawan nang biglang bumalot ang braso niya sa baywang ko at hinila ako patungo sa kandungan niya. Napaupo naman akong bigla at napahawak sa balikat niya. Maging ang mga kamay ko ay nangangatal na rin. Ramdam ko ang init ng katawan niya. Mas malapit na rin ang mukha namin ngayon sa isa't isa, at tumatama na sa mukha ko ang mainit at mabango niyang hininga. “Just the kiss… I won’t do anything else,” aniya sa mas mababa na boses. Nakatulala na rin ako habang nakatitig sa mga labi niyang natural na mapupula. Dinaig pa sa pula ang mga labi ko! Pansin kong unti-unti pang lumalapit sa akin ang kanyang mukha. Ako nama'y tila nahipnotismo na o napasailalim na sa kapangyarihan niya. Wala akong lakas na gumalaw para pigilan siya o anuman. “Just close your eyes and feel me,” bulong niya... Halos ilang hibla na lamang ang pagitan ng aming mga mukha. Kaunti na lang ay maduduling na ako. Mas nalanghap ko pa ngayon ang bango ng hininga niya. Wala na akong ibang naririnig kundi ang malakas na t***k ng puso ko. Nanigas na ako nang tuluyang kumiskis ang tungki ng ilong niya sa ilong ko, kasunod ang pagkuskos na rin ng mga labi niya sa akin. Tuluyan ko nang naipikit ang aking mga mata, hanggang sa maramdaman ko na lamang ang pagdiin sa akin ng mga labi niya. Ramdam ko ang lambot at init nito. Marahan itong gumalaw sa mga labi ko. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam. Parang may kiliting bigla na lamang dumaloy sa puso ko. Ramdam ko ang pagliliparan ng mga butterfly sa stomach ko. Humapit ang mga braso niya sa baywang ko kasabay nang mas lalong paglalim ng kanyang mga halik. Para akong mauubusan ng hangin. Hindi na ako makahinga. Napakapit na lamang ako ng mahigpit sa tela ng damit niya. 'Di nagtagal ay unti-unting bumagal ang paggalaw ng mga labi niya hanggang sa tuluyan na siyang bumitaw. Nanatili naman akong nakapikit, at hindi ko na alam kung makakaya ko pa ba siyang tingnan. s**t. Pakiramdam ko ay nasa alapaap pa rin ako at nakalutang. “Your lips…" bulong niya sa tainga ko. "...softer than I expected.” Kumukuskos ang pisngi niya sa pisngi ko, na naghahatid ng kilabot sa akin. Hindi pa rin ako makagalaw. “And … they taste even better than I imagined,” dagdag pa niya. "Open your eyes now." Doon ko pa lamang idinilat ang aking mga mata, at sinalubong ang mga titig niyang nakakalusaw. Sumilay muli ang matamis na ngiti sa mga labi niya. “How does it feel? Do you like it?” “Y-Yes… i-it feels … g-good…” Nagkandabuhol-buhol na ang dila ko. Napakagat-labi ako at napaiwas ng tingin sa kanya. Ramdam ko ang muling pamumula ng aking mukha. Mas lalo pang lumapad ang ngiti niya. “Do you want another one?” Bigla akong napatayo sa sinabi niya. "T-Tama na po, Sir. Sabi mo isa lang, eh." “I never said that.” Bigla niyang kinabig muli ang baywang ko at iniupo akong muli sa kandungan niya. "Sir!" “I said just a kiss,” aniya. “But I never said it had to be only one.” "Hmm..." Hindi na ako nakakilos pa nang muli na naman niyang siilin nang mas mainit na halik ang mga labi ko. Mas sabik ito ngayon kaysa kanina. Mas malalim, at mapusok. Hindi ako makagalaw, at ninamnam ko na lamang ang sarap at tamis nito. “I’ll teach you how to respond too,” bulong niya bago ipinapatuloy ang paghalik sa akin. Tuluyan na akong nanghina at nagpaubaya na lang sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD