Ria MONDAY nang umaga nang muli kaming bumalik ni Daemon kay Doctor Morado para ipa-check kung lumambot na ba ang balat ko at kung maayos na ba ang sirkulasyon ng dugo ko mula sa nakaraang laser treatment ko, bilang paghahanda para sa skin grafting. “The blood flow has significantly improved," aniya habang nakatingin sa screen at habang may hawak siyang maliit na device na parang scanner na inilalapat niya sa pisngi ko. "The tissues are now more supple, which means your skin is responding well. That’s a good sign.” Kakaibang saya ang naramdaman ko, pero pinigilan ko ang ngiti ko. “So, does that mean puwede na ang skin grafting?” tanong ni Daemon habang nasa tabi ko at hawak ang kamay ko. Tumango si Doctor Tanya. “Almost. We’ll need one more assessment to be sure, pero I’m confident w

