CHAPTER 46: Learning to Share and Love

2041 Words

Erlinda Agad rin akong napabitaw sa kanya nang mapansin kong nakahawak ako sa dibdib niya at naramdaman ko kung gaano 'yon katigas. Para akong napasong bigla. "Ahm, a-ayos lang po ako, Sir. P-Pasensiya na po." Halos hindi ako makahinga dahil sa lakas ng t***k ng puso ko, at hindi ko na rin magawang tumingin sa kanya. Ramdam ko ang paggapang ng matinding init sa aking mukha. At mas lalo pa akong pinamulahan nang mapansin kong may mga nakatingin sa aming saleslady at karamihan sa kanila ay nagbubulungan at nagtatawanan na parang kinikilig. Shit. "Paano ba may nakalusot na magnanakaw dito?" tanong ni Sir Jonnel na ikinalingon ko sa kanya. Palinga-linga siya sa direksyon na pinuntahan ng magnanakaw kanina at ng mga humabol sa kanya. Napahawak ako sa balikat at 'di malaman ang sasabihin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD