ISANG linggo lang na hindi nag-report sa academy si Hannah ay tumambad na sa kanya ang balita’ng nasa panig na ng black ribbon organization ang kaniyang ama. Pagkatapos ng halos isang oras na pagpupulong ay sinadya niya si Dario sa tanggapan nito. Binigyan naman siya nito ng oras para makausap. Lumuklok siya sa silyang katapat ng mesa nito. “Ano po ang pinaplano n’yong gawin tungkol sa tatay ko?” diretsong tanong iya rito. “May katigasan ang ulo ng tatay mo. Sinadya niyang magpabihag sa kalaban para maagaw ang atensiyon nating lahat. Ang hindi niya alam, gagamitin lang ng kalaban ang abilidad niya upang maituloy ang proseso sa pagbuhay ng halimaw na nilikha ni Dr. Dreel. Maraming alam ang tatay mo tungkol sa kasaysayan ng mga bampira. Maari niyang kopyahin ang abilidad ni Draculus, o ng