“THE Libertad Organization was the ancient vampire organization in the world. Libertad means, ‘Freedom’. Draculus Riojen was the one who builds this organization, and he recruits thousands of skilled vampires to make this team strong. But some of his followers are traitors. They use this organization as a stepping stone for their dark ambitions,” paliwanag ni Howard, ang isa sa leader ng Libertad Organization. Inalis ni Hannah ang tingin niya kay Howard, habang ito’y patuloy sa pagsasalita. Isang linggo na siya sa oranisasyon ng mga ito pero naiwan pa rin ang kanyang isip sa Pilipinas. Naroon na sila sa Madrid Spain. Walang gabi na hindi siya naglalamay sa kaniyang pagluha at pangungulila. “Are you listening, Hannah?” mamaya ay tanong ni Howard. Kaharap niya ito habang naroon sila sa l