“PAPA, sana hindi ninyo ginawa si Teo para makapaghiganti sa Sangre Organization,” pakiusap ni Hannah kay Demoti, nang ibahagi nito sa kanya ang mga plano nito. Tumitig ito sa kaniyang mga mata. Naroon pa rin sila sa salas at nagmemeryenda. Nagpagawa ito ng ham sandwich kay Teo. She was amazed. Teo was a, all around android. He can cook, clean the house, and do some task that Demoti prepared for him. “Kung hindi ka nila papahintulutan na sumama sa akin ay mapipilitan akong kalabanin sila,” matigas na sabi ni Demoti. Inalipin siya ng takot. “Ano po ang gagawin ninyo? Hindi n’yo basta mapapabagsak ang grupo nila.” “May iba pang paraan.” “Pero ako po ang may gusto na huwag sumama sa inyo,” giit niya. Nagtagis ang bagang ni Demoti. Tumalas ang pagkakatitig nito sa kanya. “Bakit, dahil ma