PINAGMAMASDAN ni Hannah si Marcos habang inihahanda ang buong manok na lilitsonin nito. Kinakabahan siya sa pinaggagawa nito. “Do you know what to do?” tanong niya rito. “Actually, no,” sabi nito saka tumawa. Natawa siya. Pinaupo niya ang buong karne ng manok sa baking dish saka pinaliguan ng mga pampalasa. “What’s next?” tanong nito habang pinagmamasdan siya. “We will bake the chicken in one hour.” “You know, Hannah, you’re amazing,” puri nito. “Thank you!” “And you are sexy and beautiful.” Ngumisi siya. “That’s too much, Marcos.” Buong buhay kasi niya ay si Marcos pa lamang ang nakapagsabi niyon sa kanya nang personal. “I am telling you the truth, Hannah. But I didn’t love you because of that appearance. I love you because my heart desires you.” Itinigil niya ang ginagawa saka