Chapter > 1
"Nathan, saan ka pupunta?" tanong niya sa asawa nang makita niya itong bihis na at hawak ang susi ng sasakyan ito at mukhang aalis.
Masamang tingin ang pinukol nito sa kanya. Naitakutan siya at napahawak sa kanyang dibdib sabay atras ng isang hakbang mula rito.
Nakakatakot ang mga mata ni Nathan na nakapukol sa kanya. Asawa na niya ang lalaking nakatayo sa kanyang harapan na kung tignan siya ay parang nais siya nitong patayin sa galit. Galit na galit ito.
"Nathan,' bulong niya sa pangalan ng asawa na hindi pa rin nagbabago ang tingin sa kanya, ramdam na ramdam niya sa mga mata nito ang galit, hindi lang basta galit iyon kundi matinding galit na hanggang buto niya at nararamdaman.
Katatapos lang ng engrandeng kasal nila ni Nathan kanina sa simbahan ng San Miguel at ginanap ang reception sa hotel na pagmamay-ari ng kanyang mga magulang at soon siya na ang mangyayari dahil siya lang naman ang nag-iisang anak ng mga ito.
"Away from a spoiled brat like you, Ellie!" Mariing tugon sa kanya ng asawa.
"What do you mean away from me, Nathan?' Kunot noon niyang tanong rito.
"I can't do this anymore Ellie. Nakuha mo na ang gusto mo, naikasal na tayo, dala mo na ang pangalan ko na matagal mo nang pinapangarap! It's time na ang gusto ko naman ang gawin ko!' Galit nitong saad sa kanya.
"You are now, Mrs. Nathan Leviste, Ellie. Dream come true eh," panunuya pa nito sa kanya.
"Nathan, what are you saying," she said.
"I'm living! Bahala ka kung ano ang gusto mong gawin dito sa penthouse! Basta aalis ako! Hindi ko na matagalan na kasama ka pa!" Nathan said na puno ng galit.
"At saan ka pupunta huh Nathan?! Kay Lexie? Ano kayo ang mag a a- honeymoon habang ako na asawa mo nagawa mong iwan rito mag isa!' Galit niyang sigaw sa asawa. Dahil iyon ang nararamdaman niya na pupunta ang asawa kay Lexie.
Hindi na rin niya kaya pang itago ang galit na kanyang nararamdaman sa asawa. Masakit na masyado lalo na't iiwan siya nito sa mismong gabi ng kanilanh honeymoon na dapat ay masaya sila.
"Anong akala mo sa akin huh Nathan? Hindi nasasaktan? Kitang-kita ng dalawang mga mata ko kung paano kayo magsulyapan ni Lexie habang kinakasal tayo!' Sigaw niya sa asawa.
"At least you know, Ellie,' kalmadong saad nito sa kanya na para bang ok lang rito na masaktan ang damdamin niya. Na para bang wala itong pakialam sa kanya kung ano man ang kanyang maramdaman. She doesn't deserve this. Wala siyang kasalanan, kasalanan ba na mahalin ito?
Napapikit siya ng mga mata sa sakit na kanyang nararamdaman. Hindi ito ang inaasahan niyang unang gabi nila ni Nathan na buong buhay niya ay wala na siyang ginawa kundi mahalin ito, hintayin ito at mangarap na makakasama niya ito sa pag buo ng pamilya, na kasabay niya itong mangangarap para sa kanilang pamilya.
"Alam mo naman na may namamagitan sa amin ni Lexie, pero pinilit mo pa ring ituloy ang kasal na ito! Kung sana nang araw na matuklasan mo ang relasyon namin ni Lexie ikaw na ang gumawa ng paraan para hindi na matuloy pa ang kasal na ito!" Siya pa ngayon ang sinisisi nito sa sitwasyon niya ngayon.
"Edi sana hindi ka nasasaktan ng ganyan at malaya pa tayong lahat!" Saad pa nito.
"Why Nathan? Why?' Nanghihina niyang tanong sa asawa. Napaupo siya sa kamang naroon na may mga petal rosas pa para sana sa kanila ng asawa, pero mukhang siya lang ang hihiga mag isa mamaya. Nanlalambot na ang kanyang mga tuhod, nawawalan na rin ng lakas ang buong katawan niya sa mga naririnig niya sa asawa.
"Easy, Ellie! Hindi kita mahal, and I can't love you now dahil lang asawa na kita,' tugon ng asawa sa kanya.
"Hindi ko obligasyon na mahalin ka ngayon dahil lamang asawa na kita at dala mo na ang pangalan ko!" Patuloy pa nito sa kanya na para bang nais nitong ilugmok siya sa sama ng loob.
"Sinunod ko lang ang gusto ng mga magulang ko na pakasalan ka, and now naibigay ko na ang gusto nila, it's time na ang gusto ko naman ang gawin ko ngayon,' saad pa nito sa kanya.
Bakit ba kung magsalita sa kanya si Nathan ay parang wala itong pakialam sa kanya kung masaktan man ang damdamin niya, na para bang sinasadya siya nitong saktan ng husto.
"Do you love her?" She asked kahit masakit tatanggapin niya. Nais niyang malaman kung mahal ba nito talaga si Lexie o nais lang siya nitong saktan dahil kaibigan niya si Lexie.
"Ellie, stop torturing yourself,' Nathan said.
"Kung sasagutin ko ang tanong mo lalo ka lang masasaktan. Tama na, maawa ka naman sa sarili mo," Nathan said.
"You are already, eighteen years old Ellie nasa tamang edad ka na, be mature enough para harapin ang totoo sa pagpapakasal nating ito. Hindi ka na bata para maniwala pa na ako ang Prince Charming mo at ako ang lalaking nakatadhana para sa iyo. Prince Charming is not real, Ellie so, wake up," litanya sa kanya ng asawa.
"Kinasal tayo dahil iyon ang gusto ng mga magulang natin, iyon ang tradisyon nila para sa ating dalawa. At ngayon naikasal na tayo sapat na iyon, napagbigyan na natin sila," saad pa nito.
Hindi siya nakakibo, nagyuko siya ng ulo at tuluyan ng tumulo ang luhang nais niyang pigilan para hindi makita ni Nathan at baka lalo lang siya nitong pagtawanan at isipin nitong mahina siya. Hindi siya mahina, she brave, pero pagdating kay Nathan iba, dahil mahal niya ito.
"Have a goodnight, Ellie. Magpahinga ka na pagod ka sa pagharap sa mga bisita kanina, hindi rin biro ang pag attend ng halos kalahati ng tao sa bayan ng San Miguel,' narinig niyang saad ng asawa habang nanatili siyang nakayuko.
"Saan ka pupunta?' She asked at nag angat ng ulo para tignan ang asawang mula pagkabata mahal na niya, pero napakalupit nito sa kanya.
"Huwag mo na lang alamin pa, para hindi ka na lang masaktan pa,' tugon nito sa kanya at mabilis na itong lumakad patungo sa pintuan.
Wala siyang nagawa kundi sundan na lang ng tingin ang asawang palabas ng pintuan ng kanilang suites.
Nasa penthouse sila kung saan sana gaganapin ang honeymoon nila ng asawa. Naghanda pa naman siya ng todo, pinaghandaan niya ang unang gabi nila ng asawa, pero iiwan lang pala siya nito.
Napahagulgol na lamang siya ng iyak nang maiwan na siya mag-isa sa loob ng penthouse. Suot pa nga niya ang wedding gown niya na todong ginastusan ng kanyang mga magulang, para lang maibigay sa kanya ang pinaka magandang kasal.
Yes, she got the perfect wedding, ang kasal na pangarap ng bawat babae. Sobrang perfect ng lahat mula sa theme, flowers, gowns guests, everything was so perfect, iyon nga lang the groom wasn't in love with her the way she loved him.
Hindi niya inakala na iiyak lang pala siya at iiwan mag-isa sa supposed to be honeymoon niya. Mag-isa siya, malungkot at nangangapa kung ano pa ang susunod na mangyayari. Kung hanggang kailan niya kakayanin ang sakit na kanyang nararamdaman ngayon, habang ang asawa niya ay nasa piling ng kanyang pinagkakatiwalaang kaibigan, her best friend.