"I can't believe na nagawa ni Nathan sa iyo ang bagay na ito, Ellie!" Galit na galit na saad ni Inigo sa kanya nang puntahan siya nito sa hotel matapos niya itong tawagan.
Wala siyang mapagsabihan sa nangyari sa kanya kaya si Inigo ang naisip niyang tawagan para may makausap man lang siya at mailabas ang sama ng loob na nararamdaman niya ngayon sa ginawa sa kanya ng asawa.
"Hindi ko mapapalampas ang ginawang ito ni Nathan! Mali ito, mag asawa na kayo, opisyal at legal ang kasal niyo kanina lang na nasaksihan ko at ng marami pang taga San Miguel,' saad ni Inigo na puno ng pag-aalala sa kanya.
Pagdating pa lang ni Inigo sa penthouse humagulgol na siya ng iyak sa kaibigan na tinuturing na rin niyang Kuya. Niyaya na lang niya ito sa labas na maglakad-lakad dahil nahihiya siyang makita ng kaibigan ang pinaghandaan niyang honeymoon bed para sa kanila ni Nathan na hindi naman pala nila magagamit, dahil nilayasan na siya ng asawa.
Para na rin safe sa mga nakakakilala sa kanyang staff sa hotel niyaya niyang umalis ng hotel si Inigo at magtungo sila sa may dulo ng San Miguel sa Alvarez Beach na malapit lang din naman sa hotel na kinaroroonan nila. Nais kasi niyang kumalma ang kanyang isip at kahit papano mabawasan ang kanyang stress pag nakita niyang payapa ang dagat.
"Magkasama sila ngayon ni Lexie,' umiiyak niyang sumbong sa binata habang nakaupo sila sa buhanginan at nakatanaw sa payapang dagat. Kahit malalim na ang gabi may maliwanag na ilaw sa tabing dagat.
"Damn it!' Malakas na mura ni Inigo at napatayo pa mula sa tabi niya. Nagpalakad-lakad ito habang minumura nito si Nathan at sinisipa ang buhangin sa galit.
"Si Lexie ang mahal niya hindi ako, Inigo. Kasal at pangalan lang daw niya ang maibibigay niya, at ngayong nakuha ko na iyon, gagawin na daw niya ang gusto niya at iyon nga si Lexie," hagulgol niya sa kaibigan.
"Sinabi niyang mahal niya si Lexie?' Inigo asked nang huminto ito sa paglalakad at lapitan siya. Iniling niya ang ulo.
"Not, exactly pero ganun na rin iyon, dahil nagawa niya kong iwan sa honeymoon namin para kay Lexie,' she answered.
"Don't worry, I'll talk to him tomorrow, hindi pwede ang ganito hindi niya pwedeng gawin sa iyo ito, Ellie! Kung ganito rin naman pala ang gagawin niya sa iyo di sana hindi na lang niya tinuloy pa ang kasal niyo! Ikaw ang babae rito, lugi ka kahit saang tignan!" Galit na litanya ni Inigo sa kanya.
Mabuti na lang at narito ang kaibigan at naiintindihan siya, paano na lang kung pati si Inigo mawala sa kanya katulad ni Lexie na mas pinili nito si Nathan kesa sa pagkakaibigan nilang dalawa.
Hindi nagkakalayo ang edad nilang apat na magkakaibigan. Sa kanila siya ang pinakabata, eighteen years old, kaka eighteen pa lang niya 5 months ago at agad nang itinakda ang kasal nila ni Nathan dahil iyon ang gusto ng kanilang mga magulang. Twenty years old naman si Lexie na tinuring niyang Ate at best friend niya, lahat sinasabi niya kay Lexie pati na ang tunay niyang damdamin kay Nathan, at wala siyang idea na ito mismo ang sasaksak sa kanya at aagaw sa lalaking mahal niya mula pa pagkabata.
Twenty two years old naman si Nathan at si Inigo ay 24 years old. Silang apat ay magkakapit bahay sa loob ng Tragora Subdivision sa bayan ng San Miguel. Magkakaibigan ang mga magulang nila mula pa noong highschool ang mga ito, kaya hindi nakakapagtaka na ipagkasundo sila ni Nathan ng kanilang mga magulang.
Sampung taong gulang pa lamang siya nang maramdaman na iba na ang tingin niya kay Nathan, hindi na ito isang kalaro o Kuya dahil matanda ito sa kanya ng apat na taon. Ibang-iba ang feelings niya kay Nathan kumpara kay Inigo na Kuya ang tingin niya rito at sa murang edad napansin na niya ang pagkakaiba.
Sixteen years old naman siya at twenty years old na si Nathan nang ipaalam ng kanilang mga magulang na mga bata pa lang sila ay pinagkasundo na sila ng mga ito. Actually may kwento pa ang Mommy niya na si Inigo sana ang ipagkakasundo sa kanya, iyon nga lang daw masyadong malayo ang age gap nila ni Inigo na anim na taon, kaya naman naipagkasundo siya kay Nathan na apat na taon ang tanda sa kanya. Wala namang ano mang kasunduan kay Lexie dahil ayaw ng Daddy nito ang ganoong set up, nais daw kasi nitong hayaan si Lexie na mamili ng lalaking para rito, which is tama naman. Siya kase hindi siya tumutol sa gusto ng mga magulang niya dahil alam niyang mahal niya si Nathan mga bata pa lang sila, at si Nathan ang nakikita niyang Prince Charming niya at Knights in shining armor, na laging nagliligtas sa kanya mula pa noong mga bata sila.
She can't imagine na si Nathan din pala mismo ang sisira sa lahat ng ilusyon at paniniwala niya sa fairytale. Walang Prince Charming, hindi ito totoo, iyan ang sinabi sa kanya ni Nathan kanina na asawa na niya, kaya ganito na lang kasama ang kanyang loob na kung pwede lang ay lamunin na lang siya ng lupa sa sobrang sakit ng kanyang nararamdaman ngayon. Hindi niya alam kung kanino niya isisisi ang sobrang sakit na nararamdaman niya. Kung sa sarili ba niya, dahil hindi naman nagtago sa kanya si Nathan ng totoong damdamin nito, sa simula pa nga lang ng pagkakasundo sa kanila ng kanilang mga magulang sinabi na ni Nathan na tutol ito dahil may iba itong gusto at iyon nga si Lexie, pero binalewala niya lahat iyon, dahil na imagine na niyang nakasuot siya ng wedding gown habang naglalakad sa simbahan ng San Miguel at hinihintay siya ni Nathan sa may altar. And yes, nangyari ang matagal na niyang pinapangarap, pero asaan na ang asawa niya?
"Here, isuot mo muna ito, lumalamig na," saad ni Inigo sa kanya ay hinubad ang suot nitonh jacket. Bigla kasing lumakas ang hangin at nagsimula ngang lumamig sa paligid. Tinanggap niya ang jacket ni Inigo para mabawasan ang panlalamig.
"Salamat,' pasalamat niya sa kaibigan.
"Ikaw na lang ang natitira sa akin, Inigo. Paano na lang kung wala ka, sinong tatawagan ko?" Saa niya sa kaibigan na nakatingin sa mga mata niya. Kahit sakto lang ang liwanag sa paligid nakikita pa rin niya ang lungkot sa mga mata ni Inigo. Marahil nalulungkot ito sa nangyayari sa pagkakaibigan nilang apat. Ito pa naman ang pinaka matanda sa kanila na nasisilbing leader nila noong mga bata pa sila na lagi nilang sinusunod.
"Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa iyo, Ellie, ngayon lang kita nakita ng ganito. Walang tigil sa pag iyak. Maga na ang mga mata mo,' Inigo said at pinunasan pa nito ang luha sa kanyang pisngi gamit ang likod ng palad nito.
"Wala kang dapat sabihin pa Inigo, sapat na sa akin na narito ka sa tabi ko ngayong kailangan kita," malungkot niyang saad rito.
Humugot ito ng malalim na paghinga at hindi nakaligtas ang pag igting ng panga nito. Alam niyang kung nasasaktan siya nasasaktan rin ito para sa kanya, at kay Nathan dahil magkakaibigan sila.
"Kanino ko ba dapat isisi ang nangyaring ito? Sa mga magulang niyo ba ni Nathan o sa iyo, Ellie,' saad nito sa malumanay na paraan.
"Maybe sa akin, dahil pinilit ko pa ring makasal kami ni Nathan kahit si Lexie ang totoong mahal niya," malungkot niyang tugon sa kaibigan at nagyuko ng ulo. Hindi niya kayang tignan sa mga mata ang kaibigan. Nahihiya siya rito.
"No, Ellie,' Inigo said at inakbayan siya nito para mayakap siya. Sinubsob naman niya ang mukha sa malapad na dibdib nh kaibigan at hinayaan ang sariling umiyak ng umiyak, baka kase kung ano ang mangyari sa kanya kung hindi niya ilalabas ang sama ng loob.