Chapter > 3

1730 Words
"Salamat Inigo,' pasalamat niya kay Inigo nang maihatid na siya nito sa hotel. Kahit hindi tuloy ang honeymoon nila ni Nathan kailangan pa rin niyang mag stay sa penthouse. Kung uuwi kasi siya sa bahay ng parents niya baka magkakagulo lang, sa ngayon nais muna niyang ilihim ang lahat sa mga magulang niya. Nakita niya kung gaano kasaya ang mga ito kanina, kung gaano ka proud sa kanya ang mga ito dahil naikasal na siya kay Nathan. Pinakiusapan na rin niya si Inigo na huwag sabihin sa mga magulang niya at mga magulang nito ang totoong nangyayari sa kanila ni Nathan, ayaw niyang nang dahil sa kanya magkagulo-gulo ang magkakaibigan. Isa pa nasa tamang edad na sila ni Nathan ano man ang issue nilang mag asawa dapat ay ayusin nila na sila lang. "Ok ka lang? Gusto mo ihatid na kita sa penthouse?" Nag-aalalang tanong sa kanya ni Inigo. Iniling niya ang ulo, masyado na niyang naiistorbo ang kaibigan, at nahihiya na siya rito. "Ok lang ako Inigo, salamat sa pagsama sa akin sa Alvarez Beach, kahit papano nahimasmasan ako," tugon niya sa kaibigan. "Anytime, Ellie," Inigo said. "Magpahinga ka na, pagod ka na niyan, matulog ka hayaan mo si Nathan, baka mamaya lang babalik na iyon," Inigo said. Tumango naman siya sa kaibigan. "Pag panhik mo sa penthouse kumain ka kung may pagkain roon at uminom ka ng maraming tubig, medyo namumutla ka,' Inigo said. "I'm ok, don't worry," she answered. "Sige," Inigo said at ginulo pa nito ang kanyang buhok na para bang bata. "Inigo," saway niya sa kaibigan. Madalas gawin ni Inigo sa kanya ang ganoon noong mga bata pa sila, at nang magdalaga na siya hindi na siya gaanong hinahawakan o nilalapitan ni Inigo. Inihatid siya ni Inigo hanggang sa may elevator, kahit ayaw na niya sana para hindi na ito magtagal pa at makapagpahinga na rin ito. Alam niyang busy ito sa trabaho sa opisina. Hindi naman umaalis si Inigo sa tabi niya habang hinihintay nila ang pagbukas ng elevator. Napakunot ang noo niya nang makaramdam ng kakaiba sa katawan na para bang bigla siyang nahilo. Napahawak siya sa kanyang ulo at napakapit sa braso ni Inigo. "Ellie? Why?' Gulat at nag-aalalang tanong ni Inigo sa kanya. "Umiikot... ang paligid....," utal niyang saad sa kaibigan. At ang sunod na nangyari ay hindi na niya alam. Pagmulat ng kanyang mga mata nasa puting silid na siya. Inikot niya ang paningin sa silid at agad niyang nahulaan na nasa hospital room siya. Pinikit niya ang kanyang mga mata at pinakiramdaman ang sarili. At least buhay pa siya. Sa muling pagmulat ng kanyang mga mata si Inigo ang nakita niyang nakatayo sa tabi ng kamang kinahihigaan niya. "Ellie," tawag ng kaibigan sa pangalan niya. "Inigo....,' mahinang sambit niya sa pangalan nito. "May kailangan ka ba? May masakit na sa iyo? Tatawagin ko ba ang nurse o ang doctor?' Tarantang tanong nito sa kanya. "No, I'm ok...,' she said at sinubukang bumangon mula sa pagkakahiga. Dahil medyo nanghihina pa siya inalalayan na siya ni Inigo sa pag bangon. "What happened, Inigo?' Tanong niya sa kaibigan nang makaupo na siya at maisandal ang likuran sa headboard ng kama. "Bigla ka na lang nawalan ng malay kanina bago pa man bumukas ang elevator, kaya tinakbo na kita dito sa San Miguel Hospital,' tugon sa kanya ni Inigo. "Nakaramdam nga ako ng pagkahilo kanina,' she said. "Don't worry, ok ka naman. Sabi ng doctor na tumingin sa iyo, nawalan ka lang daw ng malay sa sobrang pagod at stress. Kaya kailangan mo munang magpahinga," paliwanag nito sa kanya. Humugot siya ng malalim na paghinga. Honeymoon niya dapat ngayon, pero heto siya nasa ospital at wala ang asawa sa tabi niya. "Si Nathan?" Tanong niya kay Inigo nang magbukas ng mga mata at tumingin sa kaibigan. Humugot muna ito ng malalim na paghinga bago ito sumagot sa kanya. Hindi naman siya umaasa ng magandang sagot mula rito, dahil alam naman niyang walang pakialam sa kanya si Nathan, pero baka sakali rin na concern sa kanya ang asawa at pupuntahan siya nito pag nalamang nasa ospital siya. "I tried to call him, pero hindi siya sumasagot. Sinabi ko rin na narito ka sa ospital, pero wala siyang reply. I don't know kung pupunta siya o ano," tugon sa kanya ni Inigo. Napalunok siya at tila lalong nanghina. Expected naman niyang ganun ang mangyayari, pero kahit papano umasa pa rin siyang may pakialam sa kanya ang asawa, lalo na't nasa ospital siya ngayon. "Well, Nathan is always, Nathan," saad niya at binagsak ang mga balikat sa pagkadismaya sa sariling asawa. "Huwag mo na munang isipin si Nathan, ang isipin mo ang health mo. Magpalakas ka saka mo harapin ang asawa mo," Inigo said. Bumuntong hininga lang siya at sumulyap sa may bintana, napansin niyang maliwanag na sa labas. Ibig sabihin umaga na. Kung natanggap naman ng asawa ang message ni Inigo, bakit wala pa rin ito sa ospital kahit sulyapan lang siya nito at alamin ang nangyari sa kanya. Alam niyang ang stress na nagdala sa kanya sa ospital ay ang stress niya sa kanyang asawa. "Ellie, hindi mo pwedeng pabayaan ang sarili mo dahil lang kay Nathan. Hindi lang siya ang dahilan para mabuhay ka," Inigo said. Sinulyapan niya ang kaibigan. Halata sa gwapong mukha nito na wala itong tulog, marahil dahil binabantayan siya nito. Masyado na niyang na istorbo ang kaibigan, sobrang nakakahiya na rito. Pero wala kasi siyang ibang malapitan pa. "Hindi ko naman pinababayaan ang sarili ko Inigo, hindi ko lang maiwasang mag isip at sumama ang loob sa mga nangyayari sa amin ni Nathan," malungkot niyang tugon sa kaibigan. "Huwag kang magpatalo sa pagmamahal mo kay Nathan, huwag mong hayaang bumagsak ka dahil lamang sa pagmamahal mo sa kanya,' Inigo said. "Sana nga ganyan lang kadali ang lahat, iyung pag sinabi ko iyan sa sarili ko ok na ko agad. Kaso hindi eh," saad niya. "Ellie,' tawag nito sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. "Huwag kang magpapatalo, lumaban ka," Inigo said habang hawak ang kamay niya. "Siguro patay na ko kung wala ka Inigo," saad niya at ngumiti rito. "No doubt," nakangiting tugon nito sa kanya. "Salamat, Inigo, maraming salamat,' pasalamat niya sa kaibigan at sinenyasan niya itong lumapit sa kanya para mayakap niya ito bilang pasalamat niya rito. "Kaibigan kita, Ellie," Inigo said at gumanti ng yakap sa kanya. "Ikaw ang Kuya ko na laging nariyan para protektahan at alagaan ako," saad niya habang yakap-yakap ang kaibigan. Nasa ganoong posisyon sila ni Inigo nang mapansin niyang bumukas ang pintuan. Napatitig siya sa pintuan at nagulat siya nang makita si Nathan na papasok. Natigilan pa ito nang makita silang magkayakap ni Inigo. Nagtama ang kanilang mga mata ng asawa pero saglit lang. Malakas nitong sinara ang pintuan na para bang sinasadya nitong mapukaw ang atensyon nila ni Inigo rito. Hindi pa kasi ito nakikita ni Inigo dahil siya ang nakaharap rito at nakatalikod si Inigo. "Nathan,' sambit niya sa pangalan ng asawa at dahan-dahang kumalas ng yakap kay Inigo. Mabilis namang lumayo sa kanya si Inigo at hinarap si Nathan na walang emosyon ang mukha habang papalapit sa kama niya. May bitbit itong paper bag galing sa kilalang restaurant, hindi lang siya sure kung para sa kanya iyon. Pero sana para sa kanya, gutom na rin kasi siya. "Nariyan ka na pala Nathan," Inigo said. "Oo," tanging tugon ni Nathan at sinulyapan siya. Napansin niyang iba ang suot nito sa suot nitong umalis kanina sa penthouse. Nakaputing t-shirt lang kasi ito at maong pants. Iniisip niya kung saang bahay kaya ito nanggaling. Kung sa bahay ba nito at kasama nito si Lexie? O sa bahay ni Lexie mismo? Bawal pa nga pala sa kanya ang mag isip ng ganito, mas lalala ang sitwasyon niya. "Well, uuwi na muna ako Ellie,' Inigo said nang lumingon ito sa kanya. "Narito na rin ang asawa mo, para makapag usap na rin kayo,' Inigo said. Tumango siya sa kaibigan at muling nagpasalamat rito. Nagpaalam na rin si Inigo kay Nathan. Tango lang ang nakita niyang pag tugon ni Nathan kay Inigo, ni hindi man ito nagpasalamat sa kaibigan nila na siyang tumulong sa kanya at nagdala sa kanya sa ospital. Oo nga pala wala itong pakialam sa kanya, baka nga nais lang siya nitong silipin kung buhay pa kaya ito dumating. Nagbuga siya ng hangin at pinagsalikop ang mga kamay sa dibdib saka siya tumingin sa may bintana nang maiwan na silang dalawa ni Nathan sa loob ng silid. "So, what happened, Ellie? Anong drama ito?" Tanong ni Nathan sa kanya. Ano pa nga ba ang aasahan niya sa asawa niyang wala namang pakialam sa kanya. Hindi siya kumibo, nanatili siyang nakatingin sa may bintana, ni ayaw niyang sulyapan ang asawa, lalo na't napakagwapo nito kahit anong aura nito. "Bakit si Inigo ang tinawagan mo at hindi ako?" Tanong nito sa kanya. Marahil iniisip nito na tinawagan lang niya si Inigo para magpadala sa ospital. "Nathan!" Tawag niya sa asawa at sinulyapan ito. Nagtama ang kanilang mga mata. "Hindi mo man lang ba itatanong kung bakit ako na ospital?" Inis niyang tanong sa asawa. "Bakit ko pa itatanong, alam ko naman na ang sagot," tugon nito at inilapag ang paper bag sa may side table ng kamang kinahihigaan niya. "Kumain ka na, gutom lang iyan para mabawasan na rin ang kaartehan mo sa katawan,' saad nito sa kanya. "Hindi ako nag-iinarte Nathan!" Inis niyang saad sa asawa. Nagtaas lang ito ng dalawang kilay at hinila ang upuang naroon at naupo sa tapat ng mesa. "Nagsumbong ka na naman kay Inigo kaya siya ang kasama mo," Nathan said habang binubuksan nito ang paper bag at isa-isa nitong inilalabas ang mga pagkain. "Dahil siya lang ang nakikinig sa akin!' She answered. "So, ano ang sinumbong mo? Na iniwan kita sa honeymoon natin?" Nathan asked her at iniaabot sa kanya ang sandwich. "Hindi ako nagugutom!" Ismid niya. "Sinabi ko na pinuntahan mo si Lexie!" Inis niyang saad sa asawa. "Damn it, Ellie!" Malakas na hiyaw ni Nathan sabay bagsak sa sandwich na hawak nito na iniaabot nito sa kanya kanina. Nagulat siya sa kinilos ng asawa at natakot nang sulyapan siya nito. Napasiksik tuloy siya sa headboard. "Kumain ka na diyan! Kakausapin ko lang si Inigo sa labas!" Saad nito sa kanya at bago pa man siya makasagot nakatalikod na ito at palapit na sa pintuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD