Sinundan niya ang asawa hanggang sa nakarating siya sa kompanyang pagmamay-ari nito. Kabisado naman niya ang building kaya nagtuloy na siya sa opisina nito para makapagpaliwanag at hindi na mag-isip pa ng hindi maganda sa kanya, lalo na kay Inigo na wala namang kasalanan sa mga nangyayari sa kanila ni Nathan. "Good morning Ma'am," magiliw na bati sa kanya ng secretary ni Nathan nang madaanan niya ito sa labas ng opisina ng asawa. Tumango siya rito at alanganing ngumiti saka mabilis nang sumunod sa loob kay Nathan. Alam niyang pumasok na sa loob ang asawa kahit hindi niya ito nakita kanina. Naabutan na lang kasi niya ang sasakyan ng asawa sa may parking lot ng building dahil sa bilis nitong magmaneho kanina sa kalsada. "What are you doing here?" Galit na bungad sa kanya ni Nathan nang mak

