"Inihatid ka ba ni Nathan?" Tanong ng Mommy niya nang ito mismo ang nagbukas ng pintuan para sa kanya. Mukhang sadya siyang hinihintay ng mga ito, nasa may sala rin kasi ang Daddy niya. "Opo, Mommy," tugon niya. "Ano ang napag-usapan niyo ni Nathan?' Tanong ng Daddy niya habang naglalakad sila ng Mommy niya palapit sa may sala kung saan nakaupo ang ama. "Napag-usapan niyo ba ang tungkol sa engagement?" Tanong pa nito. "Maupo ka,' saad ng Mommy niya at sumunod naman siya rito. Buong akala niya hindi na niya madadatnang gising ang mga magulang, mukhang sadya siyang hinihintay ng mga ito. Balak pa naman niyang tawagan si Lexie at sabihin rito ang nangyari, sa ganitong pagkakataon si Lexie lang ang makakaintindi sa kanya dahil alam nito kung gaano niya kamahal si Nathan, kung gaano katindi

