"Salamat Inigo,' pasalamat niya kay Inigo nang puntahan siya nito sa Alvarez Beach kung saan siya iniwan mag isa ni Nathan. Basta na lang siya iniwan ni Nathan matapos niyang aminin rito na mahal niya ito kaya nais niyang ma engage rito. Wala siyang ibang matawagan na pwedeng sumundo sa kanya, nahihiya siya kay Lexie dahil may kalayuan din ang Alvarez Beach kung magmamaneho ito mag-isa at baka hindi na rin ito payagan pa ng parents nito, kaya naman si Inigo na lang ang tinawagan niya, alam niyang hindi siya hahayaan ni Inigo na hindi makauwi ng safe sa bahay nila. Mula pa noong mga bata pa sila si Inigo na ang tumayong Kuya niya, sa tuwing may nakakaaway siya sinusumbong niya agad kay Inigo. Si Inigo talaga ang tagapagligtas niya noon, until nabaling ang atensyon niya kay Nathan na para n

