Nathan's POV "So, what's up? How come na naikasal ka na pala nang hindi ko man alam," saad ni Hayden sa kanya nasa tinig ng kaibigan ang pagtatampo sa kanya. "Pasensya na pare, biglaan lang ang lahat," paumanhin niya sa kaibigan. Nahihiya nga siya dahil nalaman pa ng kaibigan ang tungkol sa kasal niya sa news. Hindi naman kasi siya proud para sabihin pa rito na ikakasal na siya, kaya hindi na rin niya nagawang imbitahin ito at ang asawa nito. "Biglaan pa pala iyon eh sabi sa news dalawang taon na kayong engaged ni Ella na iyon," Hayden said. Updated ito sa news sa tungkol sa kanya. "It's Ellie,' pagtatama niya sa kaibigan. "Oh.. Yeah, sorry. Ellie pala,' Hayden said. "Hindi ko alam na pati ang impormasyon sa engagement namin sinama pa sa balita," iling ulong saad niya sa kaibigan at

