Nathan's POV "Ginabi ka ng uwi, ano magkasama na naman kayo ni Inigo? Kulang pa ba na magkasama na kayo kanina sa Alvarez Beach?" Bungad niyang saad kay Ellie nang pagbuksan niya ito ng pintuan. Nauna pa siyang makauwi ng bahay sa asawa, at kanina pa niya ito hinihintay sa may sala, may isang oras na yata. Bukod sa inip na siya inis na inis na rin siya, lalo na't alam niyang kasama nito si Inigo, dahil wala namang ibang makakasama ang asawa niya maliban kay Inigo. Wala na itong kaibigan kahit isa dahil ayon na rin kay Lexie marami ang naiinis kay Ellie, dahil lahat na lang daw kasi ng gusto nito at kinukuha nito pati na ang boyfriend ng ilan sa mga kaklase daw nito inaagaw pa daw ni Ellie. Marami siyang nalaman about sa asawa niya na halos hindi siya makapaniwala, dahil nga wala naman s

