Kinabukasan nagising siya sa mga yugyog sa kanyang balikat na palakas ng palakas na tila ginigising talaga siya. Nang magbukas siya ng mga mata gwapong mukha ni Nathan ang nasilayan niya. Pakiramdam niya nanaginip siya sa sobrang lapit ng mukha ni Nathan sa kanya na para bang hahalikan na siya nito. "Ellie, bumangon ka ba diyan," saad ni Nathan sa kanya. Noon niya naisip na hindi siya nanaginip nang marinig ang tinig ni Nathan. Nahuli pa niya ang asawa na sumulyap sa kanyang hinaharap dahil nga tulog siya hindi naman niya kontrolado ang kanyang pag galaw, kaya naman medyo na exposed ang may kalakihan niyang hinaharap sa asawa. Hindi naman siya nag aksaya pa ng panahon para takpan iyon, pagmamay-ari naman kasi iyon ng asawa niya at hinihintay lang niyang angkinin na ang pagmamay-ari nito

