"Gusto kitang makausap ng masinsinan Nathan," saad ng kanyang Papa nang silang dalawa lang sa loob ng library. Kaaalis pa lang ng mga magulang ni Ellie at naiwan naman sa may sala ang Mama niya at si Ellie, at paniguradong hanggang ngayon pinakikiusapan pa rin ng Mama niya si Ellie na huwag ng makipaghiwalay sa kanya at huwag ng umalis ng bansa, na para bang si Ellie lang ang babae sa mundo. "Ano bang nangyayari sa pagsasama niyo ni Ellie at bakit nais ka na niyang iwan?' Deretsong tanong ng Papa niya sa kanya. "Nakakahiya sa pamilya natin na ang nag-iisang tagapagmana ng mga Leviste at hiwalay sa asawa,' patuloy ng Papa niya. Bago pa man sila ikasal ni Ellie, wala ng bukang bibig ang kanyang ama kundi huwag niya itong bigyan ng kahihiyan. Kaya nga kahit ayaw niya pumayag na siya sa gus

