"Saan kayo nagpunta ni Inigo?" Salubong na tanong sa kanya ni Nathan nang makapasok na siya sa loob ng bahay. Nagulat pa siya nang datnan na ito sa bahay nila, buong akala niya nag lamyerda pa ito kasama si Lexie. Inikot niya ang mga mata sa inis at iniling ang ulo saka nagpatuloy sa paglalakad patungo sa may hagdan. "Ellie, I'm talking to you!" Asik ni Nathan sa kanya sabay hila nito sa kanyang braso. Mahigpit nitong hinawakan ang kanyang braso. Pakiramdam nga niya mapuputol na ang braso niya sa sobrang higpit ng hawak nito, isama pa ang mahigpit nitong hawak sa kanya na halos bumaon na ang mag daliri nito. "Nathan ano ba! Nasasaktan ako!" Saad niya at sinubukang bawiin ang kanyang braso rito. "Saan kayo nanggaling ni Inigo?" Mariing tanong nito sa kanya. "Wala kang pakialam, dahil h

