Sa hapag kainan panay ang tukso ng Mama ni Nathan sa kanila about sa dapat magkaroon na sila ng baby ni Nathan, wala naman naging tugon ang asawa niya na pansin niyang hindi nito nais pag-usapan ang tungkol roon. Pakiramdam tuloy niya siya ang napapahiya dahil masyadong pinapahalata ng asawa na hindi ito interesadong magka baby sila. "Don't worry, Ellie kakampi mo ko, pati ang Papa ni Nathan. Magsabi ka lang kung kailangan mo ng tulong namin,' bulong sa kanya ng biyenan nang magpaalam na silang uuwi na. "Salamag po Mama," pasalamat niya sa biyenan na at iniabot sa kanya ang isang box na may lamang tinapay na gawa nito. "Huwag kang mahiyang masabi," pahabol pa nito sa kanya. Tumango naman siya at sinulyapan ang asawa na nasa pintuan na at hinihintay na siya, nasa tabi naman nito ang Pap

