Sa araw araw ay walang pagsidlan ng kaligayahan ang dalawang pusong nagmamahalan at sa bawat sandali na magkasama silang dalawa ay langit para kay Camilla. Hinding hindi niya pagsisihan na binigay niya ang lahat kay Cain, ramdam din niya kung gaano siya nito kamahal. “Baby, I love you.” habang ang isang palad niya ay banayad na humahaplos sa hubad na katawan ng tulog na dalaga. Habang lumilipas ang mga araw ay pahira nang pahirap sa kanilang dalawa ang sitwasyon. Sinubukan niyang kontakin ang attorney na nakausap niya ( one year ago ) subalit ang sabi ng secretary nito ay out of country ito at baka magtatagal iyon bago bumalik ng bansa. Kaya wala talaga siyang chance na maisalba ang babaeng minamahal sa nalalapit nitong kasal. Kung pwede lang na dalhin niya ito sa malayong lugar subalit p