Pinasibad ni Cain ang kotse at isinama ang amo sa malayong lugar. Umabot ng dalawang oras ang kanilang byahe bago sila nakarating sa lugar at sa isang simpleng hotel niya ito dinala. Hindi man iyon business hotel pero maayos naman at isa pa malayo iyon sa kamaynilaan, mas mabuti na ang nag iingat. "Pasensya ka na dito lang ang kaya ko.” "Ako na ang magbabayad ng lahat, Cain.” "No! Ako ang lalaki kaya dapat ako ang magbabayad ng lahat. Huwag kang mag alala maayos naman at safe, sigurado akong malinis din dito at malayo pa sa scandal.” Atubiling sumunod si Camilla, kay Cain, kaya ng hawakan siya nito sa kamay at hinila papasok sa loob ay napahinuhod na lang. "Nerbyos?” "Y-yeah, first time kong nakapasok ng hotel, I mean, sa ganito na may kasamang lalaki. Hinapit ni Cain, ang katawan n