“Cain, pinapatawag ka sa opisina ni Boss, bilisan mo raw.” “Sige salamat,” dumaan muna siya sa men’s room para i-check ang sarili at naghilamos at saka inayos ang magulong buhok gawa ng helmet na suot. “Bilisan mo raw Cain!” Sabi naman ng isang kasambahay na nakasalubong niya. Bakit kaya madaling madali ang babaeng yon siguro may date. Pagdating niya sa harapan ng pinutuan ay kumatok siya ng dalawang beses nang biglang bumukas yon. Subalit laking dismaya niya ng makitang hindi ang babaeng amo ang naroon at ang Ama, pala ng dalaga ang gustong kumausap sa kaniya. “Sir, tinatawag mo raw ako?” “Maupo ka Mr. Monteverde, ang gusto ko ay tayong dalawa lang ang makakaalm ng usapang ito. By the way gaano ka na ba katagal na diver bodyguard ng Anak, ko?” “Mag isang taon na rin po sir, at ano po