Chapter 35 "K-Kailangan ba talagang tinola pa ang lulutuin ko?" "Yeah. Why? Remember something?" Bakas sa gwapong mukha ni Gabriel ang pang-aasar nito sakanya. Kakapasok palang nila sa condo unit ni Gabriel. Dinala agad siya nito sa kusina kung saan naroon na nakahanda ang mga sangkap ng tinolang iluluto niya. Mukhang hinanda na talaga nito iyon. "M-Matabang parin akong magtinola" "Good." "Anong good?" "Yun ang hinahanap hanap kong lasa eh." Nakipagtitigan pa ito sakanya bago kumuha ng isang mansanas sa bandang gilid niya. May mga prutas kasi doon at sinadya pa nitong masagi ang kanyang braso bago nito kinagatan ang mansanas "G-Gabriel tapatin mo nga ako. Bakit mo ginagawa to? Bakit mo ako naisipan singilin ngayon? Bakit hindi--" "Bakit hindi ka nalang magsimulang magluto?" Puto