Chapter 36 "Hello tay, Si Alime po to. Tay pasensya kana hindi ako makakauwi ngayon. Bahang baha na po kasi sa dadaanan ko" Hiniram ni Alime ang cellphone ni Gabriel dahil nalowbat na ang kanyang cellphone bago pa man siya makatawag sa kanyang tatay. Hangang ngayon nasa condo parin siya ni Gabriel dahil hinintay nilang humina ang buhos ng ulan. Ngunit sa kasamaang palad mas lalo pang lumakas iyon. "Ayos lang anak. Nag-aalala nga kami sayo" "Kayo po kamusta kayo diyan tay? Si Gabriela po?" Mahinang boses na tanong niya sa kanyang tatay. Lumayo siya ng kaunti sa kina-uupuan ni Gabriel dahil baka marinig nito ang pag uusap nila. "Okay naman si Gabriela anak. Huwag mo kaming isipin dahil mataas itong apartment natin. Ngunit bahang baha na rin sa daraanan mo pauwi kaya huwag mo ng balakin