Chapter 24 "Bakit nakabusangot ka nanaman anak? Nasisira ang makeup mo niyan. Sayang ang binayad ni Ser pogi para sa hair and makeup mo ngayon" Napabuntong hininga si Alime habang nakaharap siya sa salamin. Kasalukuyan siyang inaayusan ng isang profesional makeup artist na pinadala ni Gabriel sakanya upang ayusan siya sa araw na iyon Kasal ngayon ng kapatid nitong si Kenzo Hoffman at nais siyang isama ni Gabriel sa gabing iyon. Katakot takot na kaba ang nararamdaman niya sa kanyang puso. Pakiramdam niya kasi hindi siya nararapat sa mundo ni Gabriel. Hindi niya alam kung paano siya haharap sa pamilya nito. "T-Tay parang ayoko ho umattend--" "Anak pumunta ka dahil imbitado ka ng nobyo mo--" "Pero tay baka mapahiya lang ako roon. Okaya baka mapahiya ko lang si Gabriel--" "Anak hayaan