Chapter 25 Fairytale wedding. Iyon ang tingin ni Alime sa kasal ng kapatid ni Gabriel nang gabing iyon. Napakabonga ng kasal nito! Ngunit secret wedding lang pala iyon dahil hindi alam ng bride na susurpresahin ito ng isang magarbong kasal. Hindi tuloy maiwasan ni Alime ang mangarap na balang araw ikakasal rin siya katulad ng ganito. Napatingin siya kay Gabriel nasa unahan ito katabi ng mga kapatid nito. Malayo ito sakanya dahil naki-usap ang nanay nito na pansamantala muna silang maghiwalay upang magkatabi tabi ang mga magkakapatid sa unahan. Ayos lang iyon sakanya ngunit parang ayaw siyang iwan ni Gabriel kanina. Mabuti nalang at napilit ito ng mama nito na saglit lamang sila magkakahiwalay ng upuan habang hindi pa natatapos ang seremonyas ng kasal. Malayo ang naging upuan niya dahil