Chapter 8 "Sigurado ka ba Alime? Aba magdadalawang gabi na akong walang kinikita sayo." "Promise papasok nako bukas ng gabi Bekla. Pagnabayaran nako ni Mr.Hoffman ibibigay ko yung porsyento mo" Narinig niyang bumuntong hininga ito sa kabilang linya. Pilit kasi siyang pinapapasok nito sa night club ngayong gabi dahil dalawang gabi na raw itong walang kinikita sakanya. Stress na stress ito sa mga dancer ng night club dahil hindi na nga raw magaganda ay hindi pa magaling sumayaw. "Osiya sige basta pumasok ka bukas ng gabi dahil nilalangaw ang night club ko pag wala ka" Pang-uuto pa ni Bekla sakanya "Okay sige po" Maiksing sagot niya bago niya pinatay ang kanyang cellphone at ipinatong niya iyon sa kutson na inuupuan niya. Kakatapos niya lang maligo dahil naglinis pa siya ng buong bahay.