Chapter 7 "Sir Gab? Sir? Ehem" Kung hindi pa kinatok ng kanyang executive assitant ang kanyang table ay hindi pa siya matatauhan. Kanina pa pala siya nag-iisip ng malalim habang kanina pa siya kinakausap nito. "Oh I-I'm sorry may iniisip lang akong importante" Niluwangan niya ng kaunti ang kanyang neck tie. Dalawang araw na kasi siyang hindi makatulog sa gabi simula ng makilala niya si Alime. Para bang hindi na ito maalis sa isip niya. He knew he was attracted to her physically pero ayaw niyang pansinin ang damdamin na iyon. Alam niyang nilalagay niya lang sa alanganin ang sarili niya kung magkakagusto siya sa babaeng ito. She's not the serious type of girl. Alam niyang laro lang para dito ang lahat. Isa lang siyang malaking isda na nais nitong bingwitin. Ito na mismo ang nagsabi