CHAPTER 5

1536 Words
“SENYORITO, ANG MABUTI pa ho doon na kayo sa loob ng bahay ninyo matulog. Para kumportable ho kayo.” Idinilat ni Avex ang isang mata at sinilip ang butihing driver na si Mang Manny na nakasungaw sa nakabukas na pinto ng sasakyan. Nakatulog na naman pala siya sa backseat ng kotse. Tumayo na siya at naglakad papasok ng bahay. “Senyorito, gusto ho ba ninyong papuntahin ko rito si Luding para ipagluto kayo ng makakain ninyo?” Si Luding ang asawa nito at siya ring opisyal niyang kusinera kapag nalalagi siya sa bahay na iyon. “Hindi na. Wala naman akong ganang kumain.” “E, Senyorito, parang kaninang tanghali pa ho kayo hindi kumakain. Hindi ho ba kayo nagugutom? Baka ho kung ano ang mangyari sa inyo niyan.” “Ako na lang ang magluluto kapag nagutom ako. Magpahinga na kayo. Tatawagin ko na lang kayo kapag may kailangan ako.” Matapos itong magpaalam ay pumasok na siya sa malaking bahay. Ngunit nasa may pintuan pa lang siya ay tila ba gusto na naman niyang lumayas nang salubungin siya ng malawak, maalwan at marangyang sala na iyon. Nag-iisa lang siya sa malaking bahay dahil may sarili namang bahay ang kapatid niyang si Trax, gaya ng kanilang mga magulang. Mula kasi nang makapagtrabaho sila at magkaroong steady flow of income ay nagdesisyon silang umalis na sa poder ng kanilang mga magulang at magsarili na ng mga bahay. He was okay with it. He was okay living alone. Until recently. For some unknown reason, he was getting bored with his solitude. Hinubad niya ang suot na jacket at basta na lang iyon inihagis sa sofa saka dumiretso sa kusina at kumuha ng isang bote ng wine at dalawang kopita saka siya nagtungo sa malawak na hardin. Sa isang bahagi niyon ay may isang tipak na malaking bato kung saan nakaukit ang pangalan ng kanyang ina. Bata pa lang siya nang namayapa ito at dahil hindi niya ito madalaw sa libingan nito sa probinsya, ipinagawa na lang niya ang batong iyon bilang alaala nito. At sa tuwing nami-miss niya ito ay doon siya nagtutungo sa harap ng bato. “Hi, Ma. You miss me?” Inilapag niya sa bermuda ang mga dala at naupo rin doon paharap sa bato. “Pasensiya ka na kung hindi kita madalas kausap mula nang dumating ako rito galing Australia. Si Trax kasi, ang g**o. Natuto lang magmahal, naging sira ulo na. Nadamay pa tuloy ako.” Nagsalin siya ng inumin sa kanyang baso. “Oo nga pala, Ma, may girlfriend na si Trax. Her name’s Mirajane. She’s a nice girl, considering the fact that she had to deal with Trax’s unruly attitude. Muntik pa ngang makawala sa kanya ang babaeng iyon dahil, sabi ko nga, sira ulo si Trax. Mas pinili kasi niyang layuan ang babaeng mahal niya dahil sa obligasyon daw niya sa akin na laging maging karibal niya sa stage. Dahil mawawalan daw ako ng direksyon sa buhay kapag nawalan ako ng karibal. See that? I told you he’s an idiot.” He sipped on his drinks with a smile on his lips. “He’s a good guy, but an idiot nonetheless. It’s a good thing Mirajane didn’t give up on him. Kaya hayun at masaya na siya sa wakas. Minsan, Ma, kapag hindi ka busy sa pagpupuri kay Lord diyan sa langit, puwede mo bang dalawin si Trax at batukan? Wala lang.  Sira ulo kasi.” Pinaglaruan niya ang yelo sa kanyang alak nang mapansin ang nangingintab na bahagi ng kanyang kamay, salamat sa ilaw na nagmumula sa bawat bahagi ng hardin. Kung hindi siya nagkakamali, pulbura iyon galing sa ginamit niyang b***l sa target shooting kanina. His hands still hurt a little from holding and firing a g*n for hours. Yet it didn’t lessen the boredom he was feeling. “You know what, Ma? I’m still hoping Trax would stay the same, as my eternal rival. Coz he was right. Beating him to the top was the only thing that keeps me up my feet. Ngayong may iba na siyang ibang pinagkakaabalahan. Don’t get me wrong, okay? I want him to be happy. And I’m glad he finally found the woman who would complete him and take him out of his idiocy. Hes’ a good guy, a good friend…a great brother. He deserves to to be happy.” He sighed with a pouted lips. “I’ll miss beating him to the top.” Humiga siya sa bermuda grass at pinagmasdan ang kalangitan na hindi niya masyadong makita dahil sa liwanag ng mga ilaw sa kanyang bakuran. May nakapa siyang maliit na bato at walang sabi-sabi iyong ibinato sa isa sa mga bumbilya ng ilaw doon na agad sumabog nang tamaan. He picked up another pebble and threw it on the second nearest lamp post. “Senyorito! Ano ho ang nangyayari? May nakapasok ho bang magnanakaw? Ayos lang ho ba kayo?!” Humahangos na lumapit sa mga namatay na ilaw si Mang Manny upang tanawin kung may nakapasok bang masamang loob. Sa maid’s quarters ito natutulog kasama ng asawa nito. “Pakipatay ang mga ilaw dito sa bakuran, Mang Manny.” “Ho?” “Tinamad akong tumayo kaya binato ko na lang ‘yung mga ilaw.” Ipinakita niya ang hawak na maliit na bato. “Hindi ko masyadong makita ang langit, Mang Manny. Kaya pakipatay ang mga ilaw ng garden.” “E…sige ho.” Ilang sandali pa, isa-isa ng namatay ang natitirang ilaw na masuwerteng nakaligtas sa hawak niyang mga bato. Now he could clearly see the stars in the cloudless sky, and for a moment there he felt a sense of relaxation as he watched the beautiful sky. “Its kinda lonely around here, Ma. Boring, too. And I miss you…” A shooting star passed by. Napangiti siya. “I know, Ma. Its not my time to leave this place so don’t worry. Nag-i-imagine lang naman ako. Magagalit sa akin si Tita Cely kapag nagloko ako. Alam nyo naman si Tita, hyper lagi pagdating sa amin ni Trax. But then, she’s a very nice lady.” And that brought a warm smile on his lips. Tita Cely was Trax’s mother. Ni minsan ay hindi nito ipinadama sa kanya na hindi siya kabilang sa pamilya nito at walang sandali na hindi siya nito itinuring na isa rin nitong anak. Naging napakabuti nitong pangalawang ina sa kanya. Gayunpaman, hinahanap-hanap pa rin niya ang pag-aaruga ng totoo niyang ina. As for his father, he’d been a good man too. And a good father to him. Kaya walang dahilan para magkaroon siya ng sama ng loob sa pamilya ni Trax. Salamat sa mga ito, nagkaroon siya ng magandang buhay. Ngunit isa lamang din siyang anak na minsan ay hinahanap-hanap ang pagmamahal ng nakagisnan niyang ina paminsan-minsan. Ipinatong niya sa noo ang kanyang braso, nang masagi niya ang sugat niya na naghihilom pa lang. Taranees’ face suddenly flashed through his mind. With a smile on his lips, he got up and picked up his cellphone. Natigil nga lang sa ere ang kanyang mga daliri nang maalala na wala siyang numero ng dalaga. “Chris,” sambit niya saka pinindot ang numero ng kaibigan. “Yeo bo so yo?” came Chris’ groggy Korean accent. Mukhang nabulabog niya ito sa kasarapan ito ng pagtulog. “Hey, Chris. It’s me Avex. Do you have Taranee’s number?” Dire-diretso ang naging kasagutan ni Chris, gamit nga lang ang native tongue nito na Korean. Wala siyang naintindihan kahit isang salita. “So, you have her number? Can I have it?” Chris cut off the line. Hindi siya sumuko. Numero naman ng kaibigang si Keigo ang tinawagan niya, sa Japan. “Moshi moshi…?” Mukhang nabulabog din niya ang pagtulog nito. “Keigo, you’re the greatest hacker in the world. Could you hack into Chris’ computer file? I need to know Taranee’s number.” Hindi niya alam kung nananaginip ba si Keigo dahil diretso rin ang pagsasalita nito sa salitang Hapon. Na ni isang salita rin ay wala siyang naintindihan. Kaya pinutol na lang niya ang linya at hinayaan na lang itong makatulog uli ng maayos. Gayunpaman, hindi pa rin siya susuko sa paghahanap ng numero ni Taranee ngayong gabi. Kaya nag-umpisa siyang magpipindot ng numero sa kanyang cellphone. “Hello, is this Taranee?” “Gago ka!” sigaw ng isang lalaki sa kabilang linya. “Kung wala kang magawang matino, magpakamatay ka na lang!” He just cut off the line and dialled another jumbled numbers. “Hello, is this Taranee?” “Heeey…ah…oh…yeah…I’m touching—“ He cut off the line and threw his cellphone over the concrete fence of his property. Bitbit ang bote ng alak at kopitang ginamit, naglakad na siya papasok sa bahay. This world is full of weird people. Makatulog na nga lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD