CHAPTER 6

1562 Words
HINDI NA ALAM NI Taranee kung paanong titingnan si Avex nang makita itong bumungad sa kanya sa counter ng coffeeshop nang umagang iyon. “Okay ka lang ba…?” Avex didn’t answer and just stood there, still looking like his soul had left him a hundred years ago. Ang dati nitong magulong buhok ay mas magulo pa ngayon. Ang lukot-lukot nitong kasuotan ay tila mas lalo ring lumukot kaysa sa mga naunang damit na nakita niyang suot nito. Mas makapal na rin ang tubo ng balbas at bigote nito. Kapansin-pansin na rin ang pangingitim ng ilalim ng mga mata na tila ilang dekada itong hindi nakakatulog. “Avex…Sir?” “No, I’m not okay. I haven’t slept since…ah…” Tila bumagal na rin ang paggana ng mga braincells nito dahil ilang sandali pa ang lumipas bago nito nadugtungan ang sinasabi. “Since last night.” “E bakit nandito kayo ngayong umaga imbes na nagpipilit na kayong makatulog sa bahay ninyo—“ Ipinakita nito sa kanya ang cellphone nito. “I missed call probably a thousand numbers, hoping I’ll get to your number in the end.” “My number?” “Yes.” Nagulat siya sa sinabi nito. “Bakit gusto mong matawagan ang number ko?” “Coz I’m bored and I want to hear your voice.” Okay. Tinablan siya sa munting pahayag ng kolokoy na ito, at hindi niya alam kung ano ang isasagot. Lalo na at parang normal lang para rito na ma-miss siya nito. Ay, mali. Gusto lang pala niyang marinig ang boses ko…teka, hindi ba’t pareho lang iyon? Gusto niyang marinig ang boses ko dahil na-miss niya ako…Na-miss niya ako kaya gusto niyang marinig ang boses ko. Syet. Kahit pagulungin pa niya ang mga salitang iyon, pareho pa rin talaga ang dating. Nag-uumpisa ng magpiyesta ang puso niya. Well, sinong hindi maaantig kapag may isang lalaking tulad ni Avex ang bigla na lang magdedeklara ng damdamin niya ng ganong ka-aga? Magtigil ka, Taranee! Anong nagdedeklara ng damdamin ang pinagsasasabi mo riyan? Hindi lang nakatulog ang lalaking iyan kaya kung ano-ano ang pinagsasasabi. And that brought her back to her senses. With a little bit disappointment in her heart. “Ah…kung gusto mong makuha ang number ko, sana bumalik ka na lang dito at tinanong ako. Pinahirapan mo lang ang sarili mo sa panghuhula ng numero ko.” Ilang daang mura kaya ang natanggap nito sa magdamag na pambubulabog sa cellphone space? Ibinalik na nito ang cellphone sa bulsa ng pantalo nito. “Dahil baka kausapin mo rin ako gamit ang ibang lengguwahe gaya nina Keigo at Chris.”  Inilatag uli nito ang cellphone sa harapan niya. “Can I have your number now? I don’t really want to spend another sleepless night miscalling everyone on the planet.” Biglang lumitaw sa tabi nito ang kanyang boss. “Ipagpaumanhin mo, aking kaibigan. Subalit mahigpit kong i***********l ang pagbibigay  ng mga tauhan ko ng anomang pribadong impormasyon tungkol sa kanila sa mga paryokano ng aking kapehang ito. At kung iyo ring mamarapatin, aking kaibigan, maaari bang huwag mo na uli akong gagambalain sa aking pamamahinga upang makuha lamang ang numero ng aking tauhan?” Napanganga na lang siya nang marinig ang Koreano’ng amo. Nagsasalita talaga ito ng malalim na Tagalog! “Okay.” Dito naman inialay ni Avex ang cellphone nito. “Can I have Tara’s number now?” “No.” “I’ll play something for you.” Halata ang saglit na pagkagulat at pagtataka sa mukha ng kanyang amo. Tila may kung anong isang bagay itong gustong matuklasan. “Jamic told me something interesting a few nights ago, concerning you and Tara here. Is this it?” “Maybe.” “And you didn’t even bother to deny anything.” Chris’ smiling Korean eyes was now full of mischief. “Why the sudden interest on my employee? You never cared for anything before except beating your brother to the top.” “Because I found another minority that took my interest.” Avex pointed at her. Minority? Iyon ang tingin nito sa kanya? ‘Another minority’? Hindi yata maganda ang dating sa kanya ng salitang iyon, ah. Minamaliit ba siya ng mukhang pulubing ito? Okay, maaaring mas mababa nga ang estado ng buhay niya kaysa sa timawang ito. Income, status…everything. But he doesn’t have to scrutinize her. Minority na nga, ‘another’ pa. ‘Sarap pakainin ng cellphone ang buwisit na ‘to. “Sir, huwag ho nating baliin ang policy na ginawa ninyo para i-accommodate ang kapritso ng ibang tao. Kahit magkaibigan pa kayo.” Napatingin sa kanya ang dalawang lalaki, halatang nagulat sa sinabi niya. Tinapunan lang niya ng masamang tingin si Avex, na unti-unti ng binawi ang nakalatag nitong cellphone. Nahiya na ang bata. Mabuti naman. Napansin niya ang pagpasok ng dalawang bagong customers. Umurong si Chris. Hinila rin nito si Avex para bigyang-daan ang mga bagong dating na agad pumila sa counter. “Dalawang caramel macchiatto.” “Hot. Like us.” Nag-highfive pa ang dalawang lalaki bago nilingon sina Chris. “O, anong nangyari sa isa sa mga idol namin? Bakit mukhang inagawan iyan ng kendi iyan?” From the way they treated her boss and that ‘majority’ guy, it seemed they were friends with them too. “Dominic, Markus. How did you know this place?” “Naikuwento lang ni Dryden. Masarap daw ang kape ninyo rito, marami pang tsismis na masasagap.” Hinayaan na lang niyang mag-usap ang mga ito at inasikaso na ang order ng mga ito. Hindi naman siya umalis sa tabi ni Gerry habang ginagawa ang order na kape ng mga customer nila, kahit na nga panay ang panunukso ng mga ngiti nito. Pinandidilatan lang niya ito na hindi rin umipekto dahil patuloy lang ito sa lihim nitong panunukso. “May relasyon ba kayong dalawa?” Si Avex iyon, nakasilip na ngayon sa pagitan ng mga naka-display na mugs na nagsisilbi ring divider ng bar at ng customers’ area. “Naku, Sir, may girlfriend na ho ako,” mabilis na sagot ni Gerry. “Then why are you smiling at her like that?” “Sir, hintayin na lang ninyo sa table ninyo ang order ninyo,” wika niya saka pinagdikit-dikit ang mga mugs para wala ng espasyo na makakasilip ito. “Ihahatid ko na lang ho doon kapag okay na.” Avex’s finger slipped through the mugs and pushed it aside so he could look at her again. “Pakibilisan kung ganon. Mabilis mawala ang appetite ko.” “Yes, Sir,” matabang niyang sagot. Akala niya ay lalayas na si Avex ngunit nanatili lang itong nakatayo roon at naghihirap na silipin siya sa pagitan ng mga mugs. Ang laki ng problema ng lalaking ito. “May kailangan pa kayo?” “’Yung number mo. I need it.” She almost gave out a frustrated sigh when she caught her boss’ looks that says she just give Avex what he wants. “Gerry, ibigay mo nga sa kanya ang number ko.” “I don’t want it from it him. I want to have it from you. Para may personal touch.” Doon na kumawala ang pinipigilang tawa ni Gerry. Kahit ang mga kaibigan ni Avex na kanina pa nakikinig sa usapan ay hindi na rin napigilan ang matawa. Siya lang yata ang walang makitang nakatutuwa sa mga pangyayaring iyon. “Hindi mo kailangan ang numero ng isang minority, Sir. Kaya humanap ka na lang ng ibang…mapaglilibangan mo kapag na-bored ka ulet.” “Minority?” “Yes. Pauso mo. Remember?” Ilang sandali ring tila hindi naintindihan ni Avex kung ano ang tinutukoy niya. And then his face suddenly lit up in realization. “Oh. That.” “Yes. That.” “Sorry. I didn’t mean it in a bad way.” Nagkibit-balikat na lang siya at inabala ang sarili sa paglilinis ng counter at ng kung ano pa ang puwedeng malinis sa loob ng bar para lang may mapagkaabalahan. Actually, medyo nagulat din siya na napakabilis nitong umamin ng pagkakamali at magpaumanhin doon. Kaunti na lang ang mga lalaking tulad nito. Kahit na nga tila may kaunting saltik ito sa utak minsan. Still… Umalis ito sa harapan niya at nagtungo sa music corner ng coffeeshop kung saan naka-display ang iba’t ibang musical instruments na maaaring gamitin ng mga customers kapag type ng mga itong mag-jamming ng kaunti. Isang gitara ang dinampot ni Avex at humarap sa ibang customer ng Hanoel na kasalukuyang abala sa kani-kanilang mga tables. “I need to get that woman’s number,” wika nito sabay turo sa kanya. “So, please bear with me.” Nanguna sa pagpalakpak ang grupo ng mga kaibigan nito. Mabilis naman niyang isinulat ang numero niya sa kapirasong papel at iniabot iyon kay Avex. “Thanks.” He picked up and went to the music corner to return his guitar. “Boooo!” reklamo ni Markus. “Oo nga. Booo!” segunda ni Dominic. “Umuwi na lang tayo at matulog.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD