PUPUNGAS-PUNGAS PA si Tara nang lumabas sa kanyang silid. Mag-a-alas onse na ng tanghali nang magising siya. Normal na sa kanya ang ganong gising kapag day-off niya. At day-off niya ngayon. Kung hindi lang siya nakaramdam ng tawag ng kalikasan ay baka mamayang hapon pa siya lumabas ng silid niya.
Tila nagulantang lang ang pagkatao niya nang makita si Avex sa kanilang sala. Prenteng nakaupo pa ito sa kanilang sofa, naka-de kuwatro, habang nagbabasa ng diyaryo na tila ba kaharian nito ang kinaroroonan nito at hindi bahay ng may bahay.
He lowered his newspaper when he seemed to noticed her presence. Deym! The guy was hot even in his usual crappy looks! Hey, wait a minute…anong crappy looks ang pinagsasasabi niya? Iba ang itsura ngayon ni Avex. Magulo pa rin ang buhok nito ngunit nakikita na ang halos eigthy percent ng mukha nito, salamat sa tila pagsisikap nitong ahitin ang bigote at balbas nito. may mga facial hairs pa ring natira ngunit hindi na iyon nakasagabal sa mukha nito. Bagkus ay tila nagpag-enhance pa iyon sa kaguwapuhang taglay ng binata. At ang damit nito…isang puting long sleeve polo, na lukot-lukot pa rin, pero at least tila bagong laba lang iyon na basta na lang nito hinablot sa sampayan at isinuot. Ang itim nitong pantalon ay malinis at maayos ding tingnan. Hindi na tsinelas na goma ang suot nito kundi isang pares ng gladiator sandals.
He looked…oh my gosh!
“Avex?”
“Hi.”
Napadiretso siya ng tayo nang marinig ang boses nito. Wala namang bago, medyo…bumagay lang nang husto ang pananalita nito sa suot nito na talaga nga namang nakakapagpaikot nang husto sa sistema niya.
Kailangan na yata niyang maghilamos para mahimasmasan.
“Anong…anong ginagawa mo rito sa amin?
“I was trying to call you last night.” Itiniklop na nito ang diyaryo sa paraan ng mga royalties na napapanuod niya sa mga programa sa telebisyon. “You gave me a wrong number.”
“Wrong number…?”
“Alam mo ba kung ilang oras akong nag-aksaya ng laway sa pagbabanta sa may-ari ng numerong iyon para lang ibigay sa iyo ang cellphone kagabi? I even had his number blocked from the NTC because I thought he stole your phone. Kaya ngayon, hindi ka lang sa akin may atraso kundi pati na rin sa walang muwang na may-ari ng numerong ibinigay mo.”
Pinigil niya ang mapangisi. She could only feel sorry for that poor person who must have had a nightmare last night. Uminit kasi talaga ang ulo niya nang i-refer siya ng sira ulong Avex na ito na isang ‘other minority’ sa buhay nito kaya hayun, ibang numero ang ibinigay niya rito. Malay ba naman niyang mangha-harass na naman ito ng ibang tao para lang makausap siya. But then, this was the second time he did this and in its strange twisted way, it was…sweet.
He was sweet.
Malakas nga lang talaga ang topak.
“Paki-tanggal na sa pagkaka-block ang numero ng taong iyon. Ibibigay ko na ngayon din ang numero ko.”
“No need. Your parents already gave me your number.”
“Ang mga magulang ko?” Lumingon-lingon siya sa paligid. “Nasaan na nga pala ang mga iyon ?”
“I don’t know. Pinapasok lang nila ako rito at hintayin na lang daw kita dahil magigising ka na rin naman.”
Nagdududa niya itong tiningnan. “Bakit ka naman nila pinapasok?”
Nagkibit lang ito ng balikat. “Basta na lang nila ako niyaya dito nang makita nila akong naglalakad-lakad sa labas.”
Mas lalo siyang nagduda. “Bakit ka naglalakad-lakad sa labas ng bahay namin?”
“I’m not walking around your house.” Umiwas ito ng tingin at binalingan ang naligaw na langgam sa pader ng bahay nila na malapit dito. “I was looking for Hanoel when I came up here and—“
“Nakarating ka na ng Hanoel, ah. Bakit dito mo pa sa lugar namin hinahanap ang coffeeshop ni Sir Chris?”
Saglit itong natigilan bago nagpatuloy. “I invoke my right to self incrimination.”
Ibig sabihin ay wala na itong balak na sagutin pa ang kahit na anong katanungan niya. “Fine. Makainom na nga lang ng tubig.”
“Can I have one too?”
“I invoke my right to self incrimination,” sagot niya nang hindi na ito nilingon pa at dumiretso na sa kusina.
Mukhang hindi pa nakakapagluto ang nanay niya dahil wala pa ni isang bakas ng ulam sa kanilang mesa. Sumilip siya sa refrigerator ng kung anong puwedeng maiinit na ulam na natira kagabi. Wala sa chiller. Lumuhod siya upang maghalungkat sa vegetable box sa ilalim na bahagi ng refrigerator at madalas ay doon nagtatago ng ulam ang kanyang ama kapag may balak itong kumain ng midnight snack sa gabi. Pero bigo pa rin siya.
“Ano, nakita mo na ang langit?”
Napatingala siya nang marinig ang boses na iyon ni Avex. Nakikisilip din ito sa refrigerator. And looking up to him from that angle, there was no doubt she could get used to liking this unusually handsome guy. Especially when he slowly turned his attention to her.
Man, she couldn’t stop her heart from fluttering like a crazy butterfly!
“Hi,” bati nito.
“Hello,” sagot naman niya.
Wala ng sumunod na nagsalita sa kanila at nanatili na lang silang tahimik na pinagmamasdan ang isa’t isa. Kakaiba ang eksena nilang ito, sa totoo lang. Gayunpaman, kakaiba rin ang pakiramdam niya nang mga sandaling iyon. Tila ba sa unang pagkakataon sa buhay niya, ngayon lang siya nakaranas ng world peace, sa harap pa ng nakabukas na refrigerator. Looking at him watching her, she couldn’t help but felt like a schoolgirl being treated royally by her ultimate crush.
And then, slowly, he smiled.
Wala na. Tumalsik na ang kaluluwa niya, kasama na yata ang puso niya.
“Okay, I’ll confess,” wika nito. “Dito talaga ako nagpunta ngayong umaga. Wala kasi akong napala sa pambubulabog ko sa mga kabigan ko kagabi para makuha ang numero mo.”
Nakuha na nito ang numero niya. Kaya naman…“Kung nasa iyo na ang number ko…ano pa ang ginagawa mo rito sa amin?”
“I suddenly felt like hearing your voice over the phone was not enough. So I came here.”
Dumulas ang nakatukod niyang tuhod sa ilalim na bahagi ng refrigerator at muntik na siyang sumubsob sa chiller kung hindi lang niya naagapan ang sarili. Tumikhim siya at sinubukang umurong upang makawala sa ‘pagkakakulong’ niya sa pagitan ni Avex at ng ref. But Avex didn’t move. And he even had the nerve to smile as if he was deliberately trying to keep her there.
Lalong nagwala ang lahat ng puwedeng magwala sa katawan niya nang mga sandaling iyon.
“I found you irritatingly fascinating, Miss Minority,” patuloy nito. “Would you mind being my girl?”
Napatitig na lang siya rito. Habang kumakalabog ang dibdib niya na tila wala ng bukas. “S-sino ka? Anong…ginawa mo sa Avex na laging lutang na nakilala ko?”
His smile turned devastatingly sexy as he slowly moved towards her to whisper on her ear. “I ate that Avex for dinner last night. Raaawr.”
“Oy, ano iyan, ha?”
Ang tatay ko! Sinubukan niyang makawala sa karimas ni Avex ngunit nanatiling mahigpit na nakaharang ang braso nito sa pagitan niya at ng nakabukas na pinto ng ref. At ang magaling na lalaki, tila walang pakialam kung ano man ang iisipin ng mga magulang nila sa sitwasyon nilang iyon ngayon. Dahil buong bagal pa itong kumilos upang lingunin ang pamilya niya na ngayon ay nakatayo na sa pinto ng kusina at nagtatanong ang mga tingin sa kanila.
“’Tay! Wala kaming ginagawang masama!”
“Nililigawan ko lang ho ang dalaga ninyo.”
Mas malakas niya itong pinalo sa dibdib nito. “Tumahimik ka nga riyan—“
“Nililigawan mo ang anak ko? Sa harap ng refrigerator?”
“’Tay!”
“A, tinutulungan ko lang ho siyang magbuhat ng pitsel.” And voila! May pitsel na ngang hawak ang magaling na lalaki. “Ayaw ko hong nahihirapan kahit katiting ang mga babaeng nililigawan ko.”
Nakita niyang kinikilig na sinakal ng nanay niya ang nananahimik niyang kapatid.
Saglit na tumikhim ang tatay niya bago muling nagsalita. “Magandang gawain iyan.”
“’Tay!”
“Salamat ho.”
“You’re always welcome, hijo,” singit ng kanyang ina. “At pasensiya ka na nga pala sa nangyari noong una kang nakarating dito sa amin.”
“Wala ho iyon. Magaling na ho ako.”
“Kumain ka na ba?” singit uli ng tatay niya. “Sumabay ka na sa aming mananghalian. Pagpasensyahan mo na nga lang ang ulam namin ngayon. Binili lang namin sa kanto at tinamad mamalengke itong si Diding.”
“Bukas, hijo, mamamalengke ako. Kung gusto mong mananghalian ulet dito sa amin, welcome na welcome ka.”
“Kuya, ang ganda ng hairstyle mo,” singit naman ng kapatid niya. “Parang bagay din iyan sa akin. Paano ba iyan ginagawa?”
“Kapag nasa thirty ka na, makukuha mo na ang hairstyle na ito.” Tumayo na si Avex at iniwan siyang tulala sa kinalulugmukan niya dahil sa mga naririnig na usapan ng mga tao sa paligid niya. “Pero kailangan ko hong tanggihan ang offer ninyong tanghalian ngayon. May importante pa kasi akong lalakarin. Sa ibang araw na lang ho siguro ako makiki-join sa lunch ninyo.”
Tila agad ding nagbalik sa katawan niya ang naglayas niyang kaluluwa nang mag-squat sa harapan niya si Avex, with his eyes giving her a ridiculously sexy and michievous smile.
“I’m enjoying this,” wika nito sabay dampi ng daliri nito sa tungki ng kanyang ilong. “I’ll see you in a few days, Miss Minority.”
Pagkatapos ay naglakad na ito palabas ng kusina, kasunod ang pamilya niyang tila nahipnotismo na ng binata. Nang mawala na ang mga ito sa paningin niya ay saka lang niya napansin na pinipigilan pala niya ang kanyang paghinga at doon na lang uli naging normal iyon. Dinama niya ang kumakabog na dibdib. Ang kawawa niyang puso, muntik pa siyang magka-cardiac arrest ng dahil sa pinaggagagawa ng lalaking iyon.
Sinipat niya ang tungki ng kanyang ilong. She could still feel the warmth of Avex’s touch. She could still see his clear brown eyes looking deeply into her own. She could still hear his soft, bedroom voice as he asked her to be his girl.
Lumalagabog na naman ang t***k ng kanyang puso. Mariin siyang pumikit at humiyaw sa isip niya habang isinisiksik niya ang ulo sa loob ng malamig na refrigerator.