~(CHANTAL LANE SY POV)
I tried to ignore him the whole time na nakasunod ito sa akin pauwi sa unit ko. Ang dami nitong sinsabi. I couldn't even understand at ayoko naman talagang intindihin. Hindi ako interesado sa mga kinuwento nito.
Bumaling ako rito pagdating ko sa harap ng lift dahil nakasunod pa rin ito sa akin. Naka-ngiting dumiretso lang ito sa loob ng lift. I really couldn't believe him.
"Halika na."
Para bang hindi ito nawala ng ilang taon the way he speaks and the way he treats me.
I again ignored him. Pumwesto ako malayo sa kanya dahil iilan lang naman ang sakay ng lift. Nakasunod ito sa akin hanggang sa pinto ng unit ko. I didn't put the passcode dahil ayokong makita niya iyon. Ginamitan ko na lang iyon ng susi.
Isasara ko na sana ang pinto pero pinigilan niya iyon gamit ang kamay niya.
"Heeeep!"
Hinatak ko pasara ang pinto ngunit nakuha pa nitong makipaghilahan pa ito sa akin. Gustong gusto ko nang saktan ang pagmumukha nito sa pinaghalong galit at inis sa mga nakaraang taon at hanggang ngayon na piniputakte pa rin nito ang buhay ko.
Kahit kailan ay alam na alam nito kung paano pataasin ang BP ko.
"Ano 'yon?" Namimilog ang mga matang turo nito sa loob ng unit ko.
Wala sa loob na napalingon ako roon at doon ko na-realize na isa lamang iyong kalokohan. Nakuha nitong maka-pasok agad sa loob ng unit ko nang walang kahirap-hirap.
Bahagyang umawang ang mga labi ko sa sobrang inis rito. Manloloko talaga.
Prente itong humakbang sa loob habang nakapamulsa at iniikot ang tingin sa paligid.
"Wow, dami ng nagbago, ah. Bago 'yung kurtina mo."
"Get out," I said coldly.
"Pero kahit nilipat mo 'yung ibang gamit, hindi ko pa rin makakalimutan 'yung ginawa natin sa banda ro'n." Tinuro nito ang kurtinang nakaharang sa glass wall.
Napapikit ako nang mariin.
"Leave," mariing sabi ko.
Bumaling ito sa akin nang nakangisi. "Na-miss ko 'yung kama mo." Humakabang ito papunta sa kwarto. "I want to remember all the memories we made there."
Pakiramdam ko ay sasabog na ang dugo ko sa inis rito. He was the only one who could made me feel that way. Dakilang bwisit talaga ito.
"Gusto mo bang tumawag ako ng security?"
"Mas gusto kong tawagin mo ang pangalan ko." Binuksan nito ang pinto ng kwarto at nilingon ako ng may ngisi sa mga labi. "With feelings."
I mentally rolled my eyes. Narinig ko kaagad ang tahol ni Gabby. Kahit papaano ay nabawasan ang init ng ulo ko.
"Gabby..." anito bakas ang excitement sa tinig.
Sa tahol nito ay mukhang hindi niya nagustuhan ang tukmol na nakita niya. Humakbang ako papunta rito pero bago pa ako makalapit ay tumakbo na ito habang hinahabol siya ng tahol ni Gabyy.
"Gabby!" sigaw nito. "Stop!"
"Don't shout at him," I told him.
Mukhang galit na galit si Gabby rito. Sino nga bang hindi magagalit sa pagmumukha niya?
Naikot nila ang buong living room hanggang sa sumampa ito sa couch na hinahabol ang hininga niya. Nakatingala rito si Gabby habang tinatahulan pa rin ito.
"What the f**k? Help me."
Tinaasan ko ito ng isang kilay at tiningnan ko ang sapatos nitong nakaakyat sa couch bago ko ito tingnan nang matalim.
"Your shoes."
He was really so annoying. Maiksi na nga lang ang panahon kong maglinis ng unit dinumihan pa nito ang couch.
"Hays, kunin mo si Gabby," pagmamaktol nito.
Tinatahulan pa rin ito ni Gabby at mukhang sabik na sabik na itong kagatin siya.
"Get your dirty shoes off my couch."
"Paano ako bababa? Gabby's barking at me."
Bumuntong hininga ako at kinuha ko si Gabby. Mukhang nakahinga ito nang maluwag kahit abot pa rin ang tahol ni Gabby sa kanya. Sa ilang sandaling paghaplos ko rito ay nakuha na rin nitong kumalma.
"Psh..."
"Get down," malamig na sabi ko rito.
Bumaba naman ito ng couch at pinagpag iyon.
"I want to rest now. Get out."
"Ayaw mo ba akong katabing matulog?"
Akmang ibaba ko si Gabby pero agad itong nagsalita.
"Oo na! Oo na! Aalis na." Kumamot ito sa ulo. "Wala bang... good night kiss?"
I raised an eyebrow. "Gusto mo?"
Napangiti ito na parang nagustuhan ang sinabi ko.
"Great. Gabby can give you the good night kiss you want."
Binaba ko si Gabby at wala itong nagawa kung hindi sumigaw at tumakbo habang hinahabol siya ni Gabby palabas ng pinto. Tinatahulan pa rin siya ni Gabby kahit nakalabas na ito ng pinto.
"He won't go back, Gabby, come here."
Agad akong umupo sa harap nito nang makalapit sa akin. Hinaplos ko ang ulo nito.
"You did great, Gabby. Let's show him that he's not welcome here anymore. I will give you a big treat tomorrow."
Halos madaling araw na rin nang makuha kong matulog. Maaga akong gumising to clean everything in my unit.
Pagkatapos ng lahat ng dapat kong gawin nagbihis na ako at inasikasong bihisan di Gabby because I would give him a treat.
Bago ako pumasok ng church ay binigay ko muna si Gabby kay Kuya Sunny ang tagapag-linis ng simbahan na madalas na rin nag-aalaga kay Gabby kapag nagpupunta ako.
Gabby was actually friendly, tumatahol lang talaga sa hindi niya kilala at sa mga manloloko babaero na bigla na lang bumabalik.
Katulad ng dati, ginusto kong magpasalamat sa lahat ng blessings, sa lahat ng difficulties and heartaches because all of that made me stronger.
I wanted to be happy sa kung anong meron lang ako ngayon.
~(GABERIELLE SAAVEDRA POV)
Tapos na akong magdasal, magpasalamat sa tabi nito habang naka-luhod. Hindi pa rin ito tapos at mukhang mahaba ang sinasabi niya kay lord.
Napangiti ako nang bahagya habang nakatingin rito. I miss to touch that smooth skin of hers. Lalo siyang gumanda. Wala pa ring nagbago. Natutulala pa rin ako kapag nakikita siya ng mga mata ko.
Kabisado ko ang bawat sulok ng mukhang iyon and I loved every corner of it. Sa tuwing titingin ako sa kanya... I always feel so lucky.
Nag-sign of the cross ito at mukhang tatayo na pero napa-tingin ito sa akin. Agad tumaas ang kilay nito.
I also missed that. Kung paano tumaas ang perpektong mga kilay nito. Hindi ko maiwasang mapangiti. Gano'ng ganoon siya noong simula ko pa lang siyang nakilala. Ganoong ganoon pa rin ang kaba sa dibdib ko. Nahuhulog pa rin ako but this time... mas malalim.
"What are you doing here?" she asked.
"Gusto kong humiling."
"Are you following me?" taas kilay pa ring tanong nito.
"Psh, hindi no."
Tumayo na ito. Kinuha ang bag niya at nagsimulang humakbang palabas ng simabahan. Sinundan ko naman ito agad.
Napangisi ako habang naka-tingin sa likuran nito. I knew she was smart. Kahit itanggi ko, alam nitong sinadya kong sundan siya.
I just wanted to see her and be with her. Alam ko nang itataboy at tatarayan ako nito but I didn't care.
I would see that damn beauty of her kahit ilang beses niya pa akong itaboy.
~(CHANTAL LANE SY POV)
Kasasakay ko lang ng sasakyan nang may sumakay rin na tukmol sa backseat ng sasakyan ko.
Tiningnan ko ito sa rear. "Seriously?"
"Saan tayo pupunta?"
I really couldn't believe him. Sa malamang ay hindi pa ito nakikita ni Gabby na nasa cage niya sa passenger seat kaya hindi pa siya tinatahulan nito.
"Get off my car."
"Hays, kagagaling lang natin kay lord oh, naka-busangot ka na naman." Ngumiti ito. "Gusto mo pasayahin kita?"
Anong pasayahin ang sinasabi niya? Baka sakit ng ulo at puso ang sinasabi niya.
Hangga't maari ay ayokong mapuno na naman ako ng mga kasalan ngayong araw. Kaya ko pa itong palusutin ngayong araw, at pasalamat na lang siya na galing ako sa loob ng simbahan.
Nagsimula akong magmaneho.
"Hindi ko pa rin talaga pinapalitan 'to si Midi? Ang sakit na sa pwet dito."
"I wouldn't mind to drop you off."
"Hindi naman ako nagrereklamo."
"Great, because you don't have the right to."
Dinala ko si Gabby sa pet salon para pagupitan ito at para na rin i-pamper ito. Habang nagbabsa ako ng magazine ay hindi pa rin ito tumitigil sa paghawak sa akin. He was touching my shoulder, my hands, my legs.
He never changed he was still a p*****t.
Hindi ko alam kung ilang beses ko nang napalo ang kamay nito.
He also kept on calling me babe. Marami na tuloy staffs roon ang nagtatanong about him. Bakit parang noon lang daw nila ito nakita, at bakit hindi ko ito sinasama noon and more.
I chose not to answer. Hindi ko ito gustong pag-usapan nandito man siya o wala. Naramdaman ko ang mga bisig nito sa baywang ko
"Wow, pogi na ulit si Gabby."
Pasimple kong pilit tinanggal ang mga bisig nito. He managed to pull me closer to him. Taking advantage talaga ang tukmol. Pinigilan kong itago ang ano mang panggagalaiti sa mukha ko dahil tumingin ang mga staffs sa amin.
"Bagay po kayo. May spark."
"Wala pa rin po kayong baby?"
Tanong ng mga ito.
Chismosa.
"Gabby's my baby," I answered plainly.
"And you're my baby," sagot naman nito.
Pasimple ko itong siniko. Nakuha pa nitong halikan ang pisngi ko. Gusto kong bumalik sa simbahan at maghilamos ng holy water.
"Anong wish mo kanina?" tanong nito habang pabalik na ako sa sasakyan bitbit si Gabby.
"Tantanan mo ako."
He chuckled. "Mukhang hindi ka papakinggan ni lord."
Nagpababa ito sa isang restaurant may kalayuan pa mula sa tower. Akmang hahalik ito sa akin pero agad kong tinampal ang nguso nito.
"Araaaay!" natatawang daing nito.
"Bilisan mo nang bumaba bago pa ako mahuli rito."
Nakuha na naman nitong ngumisi. Ngising aso na nakakainis ng bunbunan. He could be that annoying. Kahit wala pa nga siyang sinasabi ay umiinit na ang ulo ko sa kanya.
"Gan'yan ka lang sa mga lalaking lalapit sa'yo ha?"
"Alis na."
"Ayaw mo talaga akong i-kiss?"
"I said get off my car."
Akmang susubukan ulit nitong humalik pero muli kong natampal ang nguso nito.
Natatawang napahawak ulit ito roon.
"Grabe naman sa damot. Bababa na nga. Ingat ka ha, love you," anito.
Bumuntong hininga ako nang makababa ito. Nakuha pa nitong kumaway. Napa-irap ako.
Depression just waved at me.