Chapter 4

1915 Words
~(CHANTAL LANE SY POV) Kasalukuyan kong tinutuyo ng tuwalya ang buhok ko pagkagaling ko ng shower nang marinig kong tumunog ang cellphone ko na nakalagay sa ibabaw ng side table. Sinabit ko sa balikat ko ang tuwalya bago ko iyon tingnan. Notification. You have a new follower Gaberielle Saavedra sent you a friend request Gaberielle Saavedra followed you And more. Ibinalik ko iyon sa mesa. Ayokong pagtuunan ito ng pansin. Maybe he was bored again kaya kung ano-ano na naman ang pumapasok sa isip nito. Pagkatapos pakainin si Gabby ay humiga na rin ako sa kama. Muli kong sinilip ang phone ko. Tambak iyon ng notification from him. Abot ang like nito sa mga i********: posts ko, he was even commenting in every photos. I rolled my eyes. Hindi ko na gustong bahasain pa ang lahat ng comments nito na puno ng pambobola. Pumunta ako sa account niya para i-block ito. I don't want to hear from people not good for my mental health. Ang litrato naming dalawa na nakahalik ito sa pisngi ko ang icon nito. Argh, how gross. Akala ko ay makakatulog na ako nang maayos pagkatapos itong i-block pero tumunog ulit ang phone ko. May unknown number na nag-message sa akin. [Hey wife, bakit mo ako binlock?] [Unblock me now, babe] [Uyyy] He was annoying. Pinatay ko ang cellphone ko nang magkaroon naman ako ng kahit kaunting kapayapaan. Hindi rin ako nakatulog. Bumaling ako sa kaliwa ko. Tumingin ako sa madilim na silid. Hinayaan kong kainin ako ng katahimikan. Sometimes the silence was comforting, sometimes it was lonely. I remember the days that I didn't get tired checking on my phone. Halos minu-minuto tinitingnan ko ang messages ko including my emails. Naisip ko baka mag-message na siya. Baka nag-message siya kahit isang tuldok or what. Baka mahanap ko na rin 'yung social media niya so I could ask him kung kumusta siya so at least kahit walang reply I could remind him of of things na nakakalimutan niyang gawin katulad ng hindi pagkain when he was busy playing video games. Pero wala. He forgets about me. Agad kong pinunasan ang luhang tumulo mula sa mga mata ko. Wala kasi he was busy with someone else. Siguro nagsawa na naman siya kaya bumalik na naman siya at kapag nagsawa ulit aalis na naman siya nang ganoon na lang. I was... was just so tired of him. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Naalipungatan ako na tila nakaunan sa isang matigas na bagay. Ganu'n pa man, it felt comfortable. Parang may sariling isip ang katawan kong kumislot nang bahagya at sumiksik pa roon. Kahit hindi pa tuluyang nagigisng ang diwa ko ay naaamoy ko na tila nag-iba ang amoy ng unan ko. Ganu'n pa man, the smell was familiar. Nanunuot ang amoy na iyon sa buong sistema ko at para bang iyon ang gumigising sa akin. Naramdaman ko na rin na parang may kung anong tumitibok sa palad kong nakapatong sa isang matigas na bagay. Inaantok man ay naramdaman ko pa rin ang pagkunot ng noo ko. Tila may sariling isip ang palad ko hanggang sa binaba ko iyon nang binaba trying to realize kung ano iyon. Agad akong napadilat nang ma-realize kong hindi na iyon ang unan ko. Agad akong napatingala sa taong nakanagiti. "Matigas ba 'yung abs ko?" Agad akong napa-bangon mula sa bisig nito. Hindi ako makapaniwalang tumingin rito. "What are you doing here?" agad tanong ko, still surprised. "Hmm? Maaga pa, yakapin mo ulit ako nang mahihpit parang kanina." He was really unbelievable. "Paano ka nakapasok?" Ngumiti ito. "It's not important, babe." Lalo itong napangiti nang bumaba ang tingin sa gawing dibdib ko. I was only wearing a lose sando at wala akong suot na bra. Hinila ko ang comforter at tinabing iyon sa dibdib ko. "Get out," ma-awtoridad na utos ko rito Ngumisi ito. "You don't have to hide it." "You're invading my privacy. You can't go here and lye with me without my knowledge. That's basic, you should know that." "What's the big deal? We're couples." Bumangon ito, binigyan ko ito ng matalim na tingin, kay aga-aga ay sinisira nito ang araw ko. "At tsaka, we used to do this, 'di ba? Late night kapag nami-miss mo ako nagpupunta ka rin sa unit tapos yayakapin mo ako na—" "Kung akala mo lahat ng bagay, lahat ng tao hindi nagbabago, then you are wrong. Marami nang nagbago don't expect things to be the same after you left. Dahil sa mundong 'to lahat nagababago, ikaw lang hindi." Hindi ito sumagot. Nanatili itong nakatingin sa akin ngunit hindi nito hinayaang mabasa ko ang mga mata niya. "Ano bang... gusto mong baguhin ko?" mahinang tanong nito. Bumuntong hininga ako tumingin sa ibang direksyon. Gusto kong kalmahanin ang sarili ko. I didn't want to ruin my day. Masyado pang maaga. "Wala. Wala. You are you. You will never change." Same old Gaberielle na insensitive. Walking, talking around like he didn't do something wrong. Like he didn't hurt someone's feelings. Ano pa bang aasahan ko? Kailan ba nito inisip ang nararamdaman ko? He would just always care about himself and no one else. Pinili ko na lang umalis sa ibabaw ng kama kaysa dugtungan ang sinabi ko. Kumuha ako ng tuwalya at tinungo ang bathroom. Hindi ko alam kung bakit naluluha ako habang tumutulo ang tubig sa ulunan ko. Nagsisinungaling ako kung sasabihin kong I didn't even miss him. Hindi. I wouldn't deny that to myself. I wouldn't even deny na mahal ko pa rin siya. Baka pagtawanan ko pa ang sarili ko kung ide-deny ko iyon. But that was not the thing. That was not the issue. Nasaktan ako. Nakasakit siya and he should realize that hindi iyong parang hindi ako naghintay, parang walang nangyari, parang wala siyang iniwan. I just couldn't accept that. It was like an insult. Dalawang taon akong nasa dilim, nangangapa pero nand'yan siya na parang hindi man lang nasaktan sa dalawang taong 'yon. I hoped he at least enjoyed those years. Siguro naman ay nagawa niya na ang mga gusto niya at ang mga babaeng gusto niya. Wala na ito sa silid nang makalabas ako sa bathroom pero nakita kong maayos na ang kama. Wala akong nakita kahit anong lukot doon. Maayos rin nakasalansan ang mga unan. Pati si Hap ay maayos na nakaupo sa gitna. Alas-siete pa lang ng umaga, hindi pa masyadong late kaya hindi ko kailangang magmadali. Pagkatapos kong magbihis at mag-ayos ay lumabas na rin ako ng kwarto. Hinanap ko si Gabby hanggang sa makarating ako sa kitchen. Napansin ko ang mga fried foods sa mesa at chicken soup na mukhang mainit pa. Nakita ko ang buntot ni Gabby na nasa likod ng counter. "Gabby," tawag ko rito. Mukhang hindi ako narinig nito. Humakbang pa ako palapit rito. Sandali akong napatigil nang makita ko na nandito pa rin pala ito. Hinahaplos ang ulo ni Gabby habang kumain ito. Napatingin ako sa mga pack ng dog foods sa isang gilid. Kaya naman pala mukhang nagka-sundo na agad sila ni Gabby. Dinalhan niya ng pagkain "Ang takaw pala nito. Parang ikaw." Nag-angat ito ng tingin na nakangiti sa akin. Kita ang malalalim nitong dimples. I tried to ignore those. "What are you still doing here?" Nakataas ang kilay na tanong ko. "Ihahatid kita sa office." "My office is just a walking distance, I don't need someone to accompany me at pwede ba sa susunod don't break into my unit?" "Sige ba. Basta kumain na tayo, nagugutom na ako, eh." "Dalhin mo na lahat ng pagkain. Hindi pa ako nagugutom." "Ta.yo. Kakain tayo." Tumingin ako sa ibang direksyon and sighed. Nauna kong tinungo ang mesa. Kumuha na rin agad ako ng kanin at ulam na niluto nito. Ramdam kong nakatingin ito sa akin habang papunta sa isang silya sa tapat ko. "'Yan lang kakainin mo? Kaya naman pala sume-sexy ka lalo. Sigurado marami na naman magkakagusto sa'yo n'yan." Uminom ako ng tubig habang nakatingin rito. Weird that he was smiling. Hindi niya gusto ang sexy na image sa akin. Tumaas lang ng bahagya ang laylayan ng palda sa hita ko ay parang sinisilaban na siya ng apoy sa galit. Para bang isang malaking kasalanan ang mag-suot ng damit that shows too much skin. Lalong hindi nito gusto ang thought na may nagkakagusto sa akin bukod sa kanya. He was always jealous. Kahit mukhang adik sa loob ng bilibid ay hindi nito pinapalampas. Hindi ko alam kung paano ko natiis ang pagiging immature niya. Naglagay pa ito ng kanin at ulam sa pinggan ko. "Kumain ka nang marami para maging healthy ka. Sigurado ako kong busy ka sa opisina mo, hindi ka kumakain sa tamang oras. You're always like that, don't abuse yourself." And it was hurting me more na he was showing me that he cared. Nakaya ko naman na wala siya. Tinuon ko ang pansin ko sa pinggan ko. Ni hindi ko na gustong sulyapan pa ang mukha nito. "Nakita ko 'yung mga designs mo." Kita ko sa peripheral vision ko ang pagngiti nito. "I'm just speechless. Ang galing mo talaga. Sigurado ako magiging malaking name ang Flaunt sa fashion industry syempre—" "Just eat." Putol ko rito. "Marami pa akong kailangang gawin sa opisina." Tumahik na rin naman ito at pinagpatuloy ang pagkain niya pero sandali lamang iyon dahil nagsalita na naman ito. "Tinitingnan ko 'yung mga pictures mo at tsaka ni Gabby, but you blocked me. How can you be so mean? I just can't sleep." Pinagpatuloy ko ang paggalaw ng mga kubyeros sa pinggan ko and acted like I didn't hear him. "Na-miss lang kita..." Sandali akong napahinto at kusang tumingin ang mga mata ko sa kanya kahit pa hindi ko gustong makita ito. It seemed like I caught him off guard. Nawala agad ang bakas ng lungkot sa mga mata nito at agad itong ngumisi. Binuksan nito ang cellphone at pinakita sa akin ang gallery niya. "Buti na lang, na-screenshot ko bago mo ako i-block." Naka-ngiting anito na parang proud pang naungusan niya ako. My eyes automatically rolled. Hindi ko alam kung ilang beses umikot ang eyeballs ko sa ingay nito habang buhat si Gabby na instantly today ay naging kasundo niya talaga. Mukhang gustong gusto nga nitong humilig sa kanya. Nakuha na agad nitong maglambing rito. Nakukuha pang ngumiti. Dahil nasimulan sa mga mga nakita niyang litrato ko, he started telling me his experiences about his photoshoots the past two years. Binanggit nito ang tungkol sa company, sa mga models na kinukuhanan niya. Kinuwento rin nito ang magagandang lugar na napuntahan niya and told me na gusto niya rin akong isama roon. Nabanggit rin nito kung gaano siya kasaya sa ginagawa niya at sa profession na pinili niya. Although I was showing him that I don't give a flying f**k ay tuloy pa rin ito sa pagku-kwento. "Pwede ba, sa akin muna si Gabby habang nasa trabaho ka?" tanong nito nang makarating kami sa harap ng building. Tumingin ako kay Gabby na nakahilig sa dibdib niya na mukhang komportable doon. Bumaling rin ako rito. "Make sure you'll take care of him," may pagbabantang sabi ko rito. Ngumiti ito. "Oo naman. Ikaw, don't let your hands hurt too much." Hindi na ako sumagot pa. Hinaplos ko na lang ang ulo ni Gabby at piniling huwag na itong sulyapan pa. Humakbang ako papasok sa loob ng building.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD